Mint Academy ▒ Chapter seven

57.3K 1.7K 105
                                    


✴ History - Mix Class ✴

Nagising na lang kaming tatlo nina Alyana at Jasmine dahil sa ingay ni Mark at Kassey. Kaaga-aga ay grabe na ang ingay nila halos gawin na rin namin silang alarm clock. Kinapa ko ang cellphone ko at nakita ko naman na five na nang umaga. Kaagad na rin akong tumayo at nag-asikaso.

Narinig ko naman na bumukas ang shower sa kanan ko at alam ko naman na si Alyana 'yun. S'ya kasi ang laging nagamit ng kanan na shower at sa kaliwa naman si Jasmine. Hindi naman matagal ang pag-aayos naming kaya nang makalabas kami ng kwarto namin nang maayos na naming ang sarili naming ay kaagad na bumungad sa amin ang pagbagsak ni Mark at nasa likod naman n'ya si Kassey.

"Tumigil na kayong dalawa," naaasar na saway sa kanila ni Henry at halatang nauubusan na nang pasensya sa kanilang dalawa.

Dahil sa kakaibang aura ni Henry ay tahimik sina Kassey at Mark habang kumakain. Ayaw ata nilang madamay sa pagka-bad mood ni Henry at ayaw rin nilang mapagbuntuan nang inis ni Henry.

History class ang subject namin ngayon at mix class since lahat ng first year ay nasa iisang classroom lang. Maingay sa loob at hindi ko alam kung bakit bigla silang nanahimik nang pumasok kami at hindi lang 'yun, pati 'yung mga kaklase ko ay sumeryoso. Nakakapanibago.

"Jas, Al, and Kes," tawag sa 'min ni Henry at napatingin naman kami sa kaniya.

"Yes?"

"Kung ano man ang sasabihin nila, huwag n'yong pansinin."

"Huh? Bakit naman?" taka na tanong ni Jasmine.

Magsasalita pa sana ako nang may narinig kami.

"Balita ko tatlo sa kanila ang hindi nag-entrance exam."

"Huh? Talaga? Sino?"

"Hindi ko alam. Ang sabi ng President natin e special daw sila."

"Wow, sana all! Paano nasabing special?"

"Hindi ko rin alam e. Basta ang sabi mahina sila sa academincs."

"Mga bobo naman pala e 'bat sila nandito?"

Aray ah. First time ko masabihan ng bobo. I mean, sa tanang buhay ko kahit na mahina ako sa academics ay 'di pa naman ako nasasabihan ng bobo. Huminga ako nang malalim at saka ko pinakalma ang sarili ko. 'Di ako pwedeng magsimula nang gulo ngayon dahil tama na ang isang beses at ayoko nang maulit pa 'yun.

"Good morning class, take a seat."

Napatingin naman kami sa babaeng kakapasok lang. maganda s'ya, sobra. Nakakahumaling ang ganda n'ya pero dahil sa babaeng babae ako e hindi ako tinamaan ng ganda n'ya.

"Mukhang ang A lang ang 'di nagagandahan sa 'kin ah," natatawa at birong sabi ng babae na pumasok.

Taray ah. Hindi lang kami nagkaroon ng same adoration gaya ng kanila ay halos patayin na nila kami sa tingin. Pero kung sabagay, marami namang may gusto mamatay kami at hindi ko lang alam kung bakit.

"Okay, hayaan na natin 'yan," sabi ng babae at saka naman natahimik ang lahat. "I am Seren from Twelve Academy. As you all know, dapat walang Mint Academy pero dahil sa isang special circumstances ay nagkaroon." Kaagad naman niya sinimulan ang kaniyang discussion. "Hundred years ago may naganap na digmaan sa pagitan ng Twelve Phantom at Chase Phantom. Dahil sa inggit ng leader ng Chase Phantom sa kapangyarihan ay nagdeklara sila ng digmaan." Napalunok naman ako nang makita ko na bigla na lamang nagkaroon ng mga vines sa likod ng babae at mayroong gumapang sa kamay niya. "I can control all kinds of plants. Kaya koi tong palakihin, pahabain, depende sa gusto ko. May isang babae na nag-aaral sa Twelve Academy at ang pangalan niya ay Heres. Heres have an IQ of 500. Believe it or not, it's the truth. Ganoon pa man, kahit na anong talino niya ay wala siyang maiko-contribute sa digmaan physically dahil sa mahina ito. Hindi s'ya makasabay sa mga physical training na ginawa para sa mapalakas pa ang mga students at makapaghanda sa digmaan."

Tahimik ang lahat at mukhang interesado sila sa nangyaring digmaan pati na rin kung paano nabuo ang school na 'to.

"Dahil doon ay nilagay siya sa intelligence department na ginawa para lamang sa kaniya. Doon, na-discover nilang lahat ang kakayahan ni Heres na gumawa ng weapon na kakaiba at mas malakas pa sa normal na weapon na ginagamit nila. Ang mga weapon na 'to ay may mga consciousness at pumipili ng magmamay-ari sa kanila. Heres died three years ago, kung kelan nangyari ang second war." Inikot naman n'ya ang tingin n'ya sa 'min. "Unfortunately, we're afraid that the third war will happen sooner or later. Sana makaimbento kayo ng bagay na makakatulong sa pagligtas ng mundo at huwag kayong mag-alala dahil hindi kayo madadamay sa laban. Hindi aware ang Chase Phantom tungkol sa relasyon na meron ang dalawang school or so we hope. So, that's all. Class, dismissed!"

May ilan pa s'yang sinabi bago lumabas kaya naman mas lalo pa kaming kinabahan sa mangyayari. School ba talaga ang pinasok ko o hindi? Bakit may pa-war war pa? Hindi ako na-inform na may ganito palang pangyayari.

Napatingin ako sa mga kaibigan ko and aside from Jullia na parang may konting alam ay lahat kami nagtataka at the same time hindi alam ang gagawin. Ganoon pa man, hindi pa rin naming alam ang gagawin naming.

"So, ano sa tingin n'yo?" tanong ni Henry sa 'min.

Nagkibit balikat naman kami. "Hindi ko alam," sagot ko sa kanila. "We're not inform about this. Hindi ko alam kung tama ba ang desisyon natin tungkol dito. I mean, we're going to make a weapon and they're not sure if hindi talaga aware ang kalaban nila tungkol sa existence natin."

"Tama si Kesia. Sa tingin ko dapat natin kausapin ang Headmaster tungkol dito," sabi naman ni Kassey habang tumatango tango pa.

"'Yun nga lang hindi natin sure kung kelan s'ya pwede. Like what Miss Seren said, they're at mess right now. Since Sir Jared was originaly from Twelve Academy, I'm sure that he's busy as well," kaagad naman na sabi ni Ange.

Tumango naman kami dahil alam naming lahat na may point ang sinabi n'ya. Hindi naman 'yun nakakapagtaka dahil hindi naman sekreto sa lahat kung saan nagmula at nag-aral si Kuya Jared.

"So, all we have to do is to meet their expectation?" tanong naman ni Victor.

Tumingin kaming lahat kay Henry at saka siya bumuntong hininga. "We have to wait first before we move," he said.

In the end, ginawa namin ang sinabi n'ya.  

Mint Academy: The school for intelligentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon