Gaya ng sinabi ko kanina eto naaa~ ENJOY READING...
✴Meeting outside the school✴
Ready na ang lahat at ready na rin kaming umalis sa school nasa isang van kami at twenty katao ang kayang kargahin.
"Mission verdant please do your work properly and you too Research Verdant" pagpapaalala sa amin ni kuya Jared.
"Yes sir!" sabay naming sabi.
Sa pinaka unahan sa tabi ng driver si Mark ang nakaupo sa likod naman ay sila Arlene, Kassey, Jullia at Victor sa likod naman nila ako, si Min, Yana at Henry then sa likod namin si Angie. Solo lang daw sya sa likod since may mga laptop daw syang kailangan. Sya kasi nakalagay sa monitoring ng mga tao.
"Pagdating natin sa venue paki on guard ang sarili nyo dahil baka may mangyari." sabi sa amin ni Mark.
"Alam na namin yan." sabi naman ni Kassey.
"Hindi ako nakikipagbiruan sa oras na to Kass. Delikado tong gagawin natin kahit na isang conference lang to."
Napatingin ako kay Mark at halata nga sa mukha nya na seryoso sya. Hindi na nagsalita pa si Kassey at tumahimik na lang, himala di sya nakipag talo. Himala din na sumeryoso si Mark ngayon.
"Pagpasensyahan nyo na yan si Mark ganyan talaga yan kapag nasa mission." sabi ng babae sa likod namin, si Ange.
"Come to think of it ganyan talaga sya kaseryoso noong nasa labas kami ng academy." dagdag pa ni Arlene.
"Dahil di naman kasi biro ang trabaho natin." seryoso pa ring sabi ni Mark.
"Stop." sabi ko at wala nang nagsalita.
Baka kung saan pa to mapunta. Nararamdaman ko kasi ang pagkainis ni Kassey at ganun din ni Mark, baka mag away pa tong dalawang to mahirap na baka di pa sila makafocus sa trabaho nila.
"Yes hello?" pinakinggan ko si Victor na may kausap sa telepono "Oo malapit na kami." sabi nya pa. "Okay handa na?" tumingin ako sa labas ng van at nakinig na lang "Sige salamat."
"Sino yun?" dinig kong tanong ni Arlene.
"Yung nagfafacilitate ng venue." sabi ni Victor.
"Anong sabi?" tanong naman ni Henry.
"Tinatanong kung mapapit na tayo and tinanong ko naman kung handa na. Handa na ang lahat tayo na lang." sagot naman nya.
***
After two hours and fifteen minutes na byahe ay nakarating na rin kami. Sa bukana pa lang ang dami nang press and talaga nga naman di pa nga kami nakakalabas ng kotse ay nagpipicture na sila.
Parang grammy red carpe award ata tong pinuntahan namin dahil may red carpet at may mga maliliit na poste na may kulay gold na tali ang pumipigil sa mga press.
"Sinong unang lalabas?" tanong ko.
"Ako na lang then si Kassey tapos sunod sunod na." sabi ni Mark.
"Bakit ako sunod sayo? Wag na si Jullia na lang." iritable namang sabi ni Kassey.
Hindi na nakipagtalo pa si Mark at lumabas na sya sa van namin na may nakatatak na galing sa Mint Academy. Nang makalabas si Mark ay agad syang pinicture-ran at todo ngiti naman ang baliw pero napangisi naman ako ng di si Jullia ang sunod na lumabas kundi si Kassey.
"Tingnan mo ang babaeng yan akala mo talaga kayang tiisin si Mark eh hahaha." sabi ni Min at napailing na lang kami.
Sumunod na lumabas si Yana at Henry then kami ni Min at Jullia. Sa likod naman namin sila Arlene at Victor. Hindi bumaba si Ange since sya nga ang mag momonitor ng lahat ng galaw ng tao sa loob ng venue.
BINABASA MO ANG
Mint Academy: The school for intelligent
FantasyTHANK YOU @thehappybutsad FOR THE BOOK COVER SET <3 LOVE IT SO MUCH! <3 #4 in Fantasy #3 in Fantasy