Mint Academy ▒ Chapter sixty eight

24.1K 866 102
                                    

So eto ba nga ang update. Salamat sa paghihintay.

Ps. Hindi kumpleto ang pagsolve ko sa statistic na topic na ito hahaha unfortunately nakalimutan ko ang formula para sa paghahanap ng mean.

Enjoy reading...

✴Seatwork✴

"Aaahh math na naman" pagmamaktol ni Mark habang nakain kami sa hapagkainan.

Oo nga pala math na naman kami ngayon. Ano kaya ang magiging topic namin?

"Ayan bobo ka kasi sa math!"

Ayan na naman po silang dalawa nag uumpisa na naman, bakit ba di na lang sila mag aminan ng matapos na ang asaran nila?

"Don't start the argument at this early." paalala ni Henry at natahimik naman sila.

"Ano ba magiging topic ngayon?" tanong ko at saka sumubo ng pagkain.

"Statistics." maikling sagot ni Angie at napanod naman ako.

Nang matapos kami kumain ay kaagad naman kaming nag toothbrush saka umalis ng dorm. As usuall habang naglalakad kami nakatingin ang lahat sa amin even the new student in other sections napapatingin sa amin.

'They are the class 1-A?'

'They look nothing's special at all'

'How did they become class 1-A'

'Be careful with your words they are really smart despite of their looks and also they are good in sports.'

Aah. Meron pa rin palang mga negative comments tungkol sa amin. Kung sabagay paano ba naman namin iyon matitigilan eh hindi naman sa amin ang mga bibig nila.

"Really those girls wants to live in hell." inis na bulong sakin ni Yana kaya natawa naman ako ng mahina.

"Hell?" tanong ni Min at tumingin kami ni Yana kay Henry "Oh yeah right ayaw nya na minamaliit tayo."

Its one of his characteristics and even though hindi nya sabihin sa amin after class alam namin na sya ang magpapatahimik sa mga yan. What a reliable rank one of class 1-A.

Nang makarating kami sa building ng mathematics department ay kaagad kami pumasok sa mixed class and lahat naman sila tumingin sa amin saka umiwas ng tingin. Of course after what happened last time siguro nadala na sila.

"Anyway may alam kayo sa topic?" tanong ni Jullia sa akin at nag kibit balikat naman ang iba.

"Konti." sagot namin nila Min at Yana.

"Great. Hindi kami nakakakuha ng tiempo para mag aral noong nasa mission kamo." sabi ni Arlene at nangalumbaba.

"Ano ba mission nyo?" tanong naman ni Kassey.

"Magbantay, maging body guard." sagot ni Victor.

"Wait. What?" taas kilay na sabi ni Kassey at nakita naman namin na di sila nag bibiro "Kung kay Mark okay pa mukha naman talaga syang taga bantay pero kayo?"

"Oy babae ka ah! Ako na naman?!"

"Bakit hindi ba?"

"Sshh nandyan na si Ma'am." paalala ni Henry sa amin.

Napatingin ako sa paligid at nakatingin sila sa amin. Mukha namang di nila narinig ang usapan namin pero ang asaran ni Mark at Kassey ata ang dahilan kung bakit sila nakatingin.

Natahimik naman kami ng pumasok na ang magiging teacher namin sa statistics, super advance ng topic namin to think na mas mauuna to kesa sa algebra, geometry and trigonometry. Wengya siguro kung gaya pa rin ako ng dati baka di kayanin to ng utak ko.

Mint Academy: The school for intelligentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon