Mint Academy ▒ Chapter twenty six

40.1K 1.2K 102
                                    

Mission or Research

Biruin nyo yun three na kami ng madaling araw natulog pero walang hiya si kuya Jared pinatawag kami sa office nya ng maaga. Hello, six pa lang ano to estorbohan ganhn?

"Mukhang may nasira akong araw ah." Nakanhiting sabi ni kuya Jared. Wengya tong lalaking to di na nga kami nakangiti sa kanya nakuha pang asarin kami sa ngiti, di na lang kami sumagot. "Anyway sorry kung nakaestorbo ako sa tulog nya." Dagdag nya la at pinaupo nya kami "I just want to congratulate you all for the job well than. All of your grades are stable." Nakangiti nya pang sabi pero wala namang nagsalita sa amin.

Alam na kasi namin ang tungkol dun.

"Please get to the point." Sabi ni Henry at humikab pa at nadamay tuloy ako kaya natawa ng mahina si kuya Jared.

"Mukhang gusto akong tulugan ng first and second rank natin ah." Naiiling pero nakangiti nyang sabi, may sapak ata tong lalaking to eh "Anyway do ko naman talaga kayo papapuntahin dito sa wala. Mamimili lang kayo." At natigil naman kami sa paghikab dahil sa nakita namin na sumeryoso ang mukha ni kuya Jared "May anim sa inyo na mapupunta sa research may apat na sa misyon mapupunta."

Mission? Research? Yan na ba ang sinasabi sa amin kaninang madaling araw ni Jullia? Yan na ba ang Mission and Research? Aba natural yan na nga Kesia kaya ka nasasabihan ng tanga kasi tatanga tanga ka rin eh panigurado tatawanan ka ng mga to pag sinabi mo yan, gaga ka.

Kita mo pati ako nasasabihan ko ng bobo ag gaga ang sarili ko kaya masyadong di talaga ako panatag sa rank na meron ako eh. Pero kung sabagay, pwede naman talaga kaming maalis sa posisyon na to, pwedeng maalis ako, bumaba o di kaya tumaas, pero malabo ang tumaas dahil si Henry na ang may hawak nun as if naman matatalo ko sya no.

"Victor, Mark, Ange and Arlene will be the team Mission and the othets will be the team Research." Hindi kami nagsalita at ganun din si kuya Jared, siguro nakikiramdam kung may tututol o wala, eh kaso wala. "So para sa Mission may kailangan kayong protektahan, use your mind kung paano nyo matatapos ang misyon na to."

"Sino po ba ang poprotektahan?" -Arlene.

"Ang mga kapatid ng SL, kailangan nila ng proteksyon kaya kayo ang ipapadala ko." Nag nod naman sila at ganun din si kuya Jared kaya alam ko na okay na ang apat na to lalo pa ng tumingin sya samin "For the research dapat makagawa kayo ng isang bagay na makakacontribute sa buong mundo." Nganga.

"Pardon?" -Kass

Nabingi langa ta ako di naman ata sa buong mundo.

"Miss Kass nabingi ka na ba?" Sabi ni Kuya Jared at tinawanan naman sya ni Mark kaya sinamaan ng tingin ni Kass si Mark.

"Hindi ko lang nagets sir." -Kassey.

"Tama naman ang narinig mo Miss Kassey." At huminga ng malalim si kuya Jared "Gagawa nga kayo ng isang bagay para sa buong mundo."

Napalunok naman kami. Ano naman ang gagawin namin? Parang timang namam to si kuya Jared onti na lang sasakalin ko na to. Lalo pa na feeling ko tuwang tuwa sya sa nangyayari ngayon, naku to talaga.

"Paano pag di namin agawa?" Kinakabahang tanong naman ni Mark.

"It means you can't graduate."

Nganga. Hindi kami makakagraduate? Ano bang research na to thesis? Shemay nakakasakit ng ulo to ah. Napahawak ako sa sintido ko at saka ito hinilot.

"Wala na po bang ibang paraan?" Tanong ko habang hinihilot pa rin ang sintido ko?

"Wala na. Ito na ang nakasanayan ng academy." Sabi naman ni kuya Jared at saka kami napabuntong hininga.

Mint Academy: The school for intelligentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon