Hello guys ~ natagalan ba? Hahaha. Pasensya na masyadong busy si ako charot. Anyway guys maglilipat ako ng story sa sweek (new app gaya din ng wattpad) since gusto ko makatulong kay ELAvyuE kaya naman mag aupdate ako doon.
Sa Mint Academy once na naupdate ko na lahat sa sweek magiging one chapter ahead ang sweek it means pag nag update ako dito ng isa, doon dalawa, dalawa dito doon tatlo and so on. Sa The Fourth Miss naman five updates ahead. So please download sweek and find my username zhanxhan :)
Enjoy reading...
✴Safe place✴
Nang maayos na namin lahat ng dapat at pinayagan na rin kami ng pulis kaya naman agad kaming umalis doon, di naman sa ayaw namin doon ang panget lang kasi talaga tingnan.
I sigh.
Pupunta kami ngayon sa academy and kasama namin ngayon sila mama at papa pati na rin ang walang malay na si kuya. Kailangan din naman kasi naming ayusin ang dapat naming ayusin.
"Ang tagal pala natin sa labas ng school no?" Napanod naman kami sa sinabi ni Mark.
"Oo nga eh. Parang noong nakaraan nga lang di kayo bati nyang katabi mo na halos araw araw para kayong tanga kung mag away ngayon." Natawa naman kami.
"Oh come one Min, find your own boyfriend. "
"Wow nahiya naman kami sayo Kass. Parang noong nakaraan lang kasama ka namin sa samahan ng single ngayon ganyan ka na? Iba nagagawa talaga... " sabat naman ni Jullia kaya mas lalo kaming natawa.
"Ganun talaga dapat talaga maging proud, di ba Mark?"
Naiiling na lang akong nakangiti habang tinitingnan ang mga kaibigan kong ang lakas makaasar sa isa't isa. Tumingin ako sa likod ko at kita ko naman ang stress na mukha ni papa at ang pag aalala naman sa mata ni mama para kay kuya.
"Ma?"
"Hmm?"
"Don't worry magiging okay din si kuya." Nakangiti kong sabi at ngumiti din naman sya.
"Right. May matalino pala akong anak bakit ba ako nag aalala?"
"Son in law din po." Napatingin si mama kay Marvin at agad naman napadilat si Papa.
Natahimik naman ang lahat. Gusto ko matawa pero wala namang na maiyak ay ewan. Kinabahan naman ako kay papa.
"Mag uusap tayo sa tamang oras." Matalim at halatang medyo may something sa boses ni papa at alam ko na alam din yun ni Marvin.
"Opo."
"Honey ano ba wag mo nga takutin ang bata." Tiningnan lang naman ni papa si mama "Okay naman tong batang to ah?!" Sabi ni mama at tumingin kay Henry "Matangkad, di gaya mo. Matalino, di gaya mo. Gwapo, di gaya mo. Maba-"
"Teka lang sino ba asawa mo sya o ako?"
"Kung pwede lang na sya eh hahaha. Pero dahil kay KeCy na sya go lang haha."
Napailing naman ako kay mama. Ang pagkaadik na naman nya sa gwapo ayan na naman kaya mag aaway na naman sila nyan kapag wala kami sa harap nila. Tumahimik lang naman si papa at nakangiti lang din si mama saka kumindat kay Marvin.
"Ma, child abuse ka. Sige ka magagalit si papa."
"Di yan kahit naman maglandi ako kanya naman bagsak ko. Isa pa hanggang tingin lang naman ako."
Pambihirang nanay to.
***
Dahil di pwede pumasok sa mismong facility sila mama at papa ay binigyan na lang sila ng room malapit sa guard since di din maganda ang lagay ni kuya.
BINABASA MO ANG
Mint Academy: The school for intelligent
FantasiTHANK YOU @thehappybutsad FOR THE BOOK COVER SET <3 LOVE IT SO MUCH! <3 #4 in Fantasy #3 in Fantasy
