Pangbawi since nagkamali ako ng update na chapter hahaha. Eto na. Malapit na to matapos guys kaya salamat sa pagsubabay-bay. Instant double update for today guys kahit di ganun kahabaan ang update oh well, enjoy kayooo~…
✴Sleepless night, worth it✴
Its been one month and three weeks and all we can say is everything okay. Maliban na lang sa amin, I mean wala pa kaming matinong tulog simula noong nag umpisa kami. Two to three hours lang ang tulog namin para naman kahit papaano pwede kaming maligo.
For the days passed its been a busy day for us and now nasa three fourth na kami ng trabaho namin, malapit na baming matapos ang Miracle Pills at kahit na malapit na namin itong matapos ay wala pa ring nakakaalam kung ano ang ginagawa namin. We choose to be silent since hindi din naman magiging maganda kung ipapaalam namin.
It will just be the cause of chaos in this world. We're going to make it secret until we purchase it outside the campus. Nabasa namin sa journal ni Miss Lica na basta mailabas lang to okay na sa kanya, kahit na di na sya bigyan ng credit but we didn't agree with that. Nilagay namin sya sa special participation since sya naman ang founder nito.
"Hey Kesia do you already have your Guinea pig?" Tanong sakin ni Henry habang may kinakalikot sa Pills.
"Of course. Nakahanap ako ng isang daga at ako na mismo maglalagay ng poison sa kanya mamaya." Hindi naman sya sumagot.
"Ew Kesia, sigurado ka daga?" Nandidiri namang tanong ni Min at nag nod ako.
"Ew. Ew. Ew." Sabat naman ni Jullia.
"Maka ew naman kayo. At least sya may nahanap na kayo ba?" Natatawa namang sabi ni Yana.
"Wala pa pero napag isip isip ko na pupunta na lang ako sa rehabilitation center para makipagtulungan." -Min.
"Pero di pa sigurado kung magiging effective talaga to ng bongga." -Kassey.
"Sus. Si Henry pa ba? Sya ang pinaka nakagawa let's have our trust to him."
"Do your work now girls." Napairap naman kami.
Kahit kelan talaga. Inayos ko ang mga ginamit na chemical tools at saka ito nilagay sa lababo at sinimulan ko nang hugasan. Pinagkainan lang ang balak naming ipahugas sa tagahugas namin di ito kasama since meron itong trace ng research namin, at kahit na nakahiwalay itong lababo sa laboratory hindi pa rin kami magpapakampante.
And also hindi na ako pumapayag na tawagin akong bobo or tanga or what so ever kahit sila Yana at Min hindi na rin. Maybe dahil dito sa paghihirap namin ngayon kaya ganun. We keep silent when we work and we let our success be our noise. Yan na ata ang naging motto namin sa mga nakaraang buwan at linggo.
How many times did we fail? How many times did we go back from the scratch? I can't count it all. Maraming beses na naming natapos pero hindi pa rin kami nagsusuccess. Nawawalan ng pag asa? No. Alam namin na magagawa namin to kaya kahit na nahihirapan kami di kami nasuko, why would we give up?
Actually patapos na ulit kami and this is the final stage. Since nakakapagpahilom na to ng mga effigies. Ang kailangan na lang namin ay ang sa poison, cancer at drugs. Mas madali na to para kay Henry.
Nang matapos ako maghugas ay agad akong bumalik sa laboratory at...
"Done." Agad na sabi ni Henry.
Yung pagod, puyat at sakit na nararamdaman namin para nawala dahil sa sinabi nya. Did I hear it right?
"This is final at ito na talaga ang ilalabas. Pakiready ng mga Guinea Pig nyo." Natatawa namang sabi ni Henry.
Ang hilig nya talagang tawaging Guinea Pig ang mga magtetest ng pills na to ewan ko ba kung anong trip ng lalaking to.
Huminga kami ng malalim at saka ko kinuha ang daga na nakuha ko, di yung nasa bahay ah. Kulay puti ito at medyo kasing laki ng kamay ng mga pateen pa lang.
Nasa glass ito at naghahanap ng matatakbuhan. Kumuha ako ng tubig at nilagyan ito ng lason na ginawa ko noong isanv linggo. Naubos kasi kakatest noon. Uminom naman agad ang daga at sa una ay parang wala lang ito pero unti unti nagiging itim ang kulay nya kaya naman kinuha ko ang daga at ang injection na walang needle pero may lamang pills saka pinainom sa daga.
Ang kaninang nangingitim na kulay ay unti unting nawawala at sa pagkawala nito agad na naging maayos ang lagay ng daga parang walang nangyari, makulit ulit sya at tumatakbo sa kamay ko.
Nagkatinginan kami at isang ngiting pagkapanalo ang rumihistro sa mukha naming lahat.
"It works." Bulalas ni Jullia.
"Oh em gy success na talaga ang ginawa natin." Dagdag naman ni Kassey na akala mo nanalo ng grammy award dahil may paiyak iyak pang nalalaman.
Finally, the fruit of our hardwork is here.
"Kung success na ang sa poison ibig sabihin ba nito Henry may chance na pati sa drugs at cancer ay magiging effective din?" Tanong naman ni Yana.
"Eighty-twenty." Sagot naman ni Henry "Eighth percent para sa pagpasa sa drug and twenty percent para sa cancer. Ang kailangan na lang natin ay magkaroon ng Guinea pig."
"Guinea pig ka jan grabe ka naman." Sabat ni Min.
"Can we sleep now?" Tanong ko at napatingin sila sakin saka natawa.
"I guess we can sleep now peacefully." Sabi naman ni Henry kaya nanan agad kaming tumayo sa pagkakaupo namin.
Kinuha ni Henry ang pills at nang makapasok kami sa kwarto nilock nya ang bakal na pinto saka nilagay ang pills sa safety box namin at ang daga naman ay nilagay ko sa kulungan nya, di na kagaya kanina. Kulungan na sya ng hamster. Tininingnan ko muna ang phone ko at nakita ko ang date at oras, eight ng umaga, tuesday.
Nahiga na kami at wala pang ilang minuto ay nakatulog na rin kami kaagad. Ganito ata kami kapagod.
***
Iminulat ko ang mata ko at bumungad sa akin ang ilaw kaya agad akong napapikit at nag adjust saka ako tumayo. Tulog pa ang girls pati na rin si Henry, sa amin si Henry ang pinaka walang tulog kaya hahayaan ko syang matulog ng mahimbing ngayon.
Tumayo ako at kinuha ang phone ko, kahit walang signal dito ay dinala ko pa rin to ngayon dahil mahirap na baka mamaya may makaalam at makabasa ng journal ko dito. Nine na pala ng umaga? Sa paglakatanda ko tuesday kahapon, at eight ng umaga kami natapos.
Wednesday na ngayon at nine ng umaga. Wow. Isang araw kaming tulog? Nagkibit balikat ako saka kumuha ng damit dahil balak kong maligo na, nanlalagkit ako dahil sa aircon ewan ko ba.
Habang nada cr ako at naliligo naririnig ko na unti unti na silang nagigising at hinahanap ako pero nawawala ang paghahanap tuwing pumupunta sila sa liguan kaya naman natatawa ako. Nang matapos ako maligo at nakapagbihis na rin doon ay agad na rin akong lumabas at nakita ko silang nakangalumbaba.
"May problema ba?" Tanong ko at umiling sila "The what's with that long face?"
"Maka long face ka naman Kesia di naman mahaba ang baba ko." -Yana
"Ako rin tama lang rin naman tong baba ko" -Min
"Ewan ko sa inyo puro kayo kalokohan." Sagot ko sa kanila at umupo "Oh sino susunod?"
At ang mga baliw kong kaibigan nagsiunahan sa banyo ang ending sabay sabay silang maliligo. Napatingin naman ako kay Henry na natutulog pa, gigising ko ba o hindi? Hayaan na nga antok pa naman sya.
BINABASA MO ANG
Mint Academy: The school for intelligent
FantasíaTHANK YOU @thehappybutsad FOR THE BOOK COVER SET <3 LOVE IT SO MUCH! <3 #4 in Fantasy #3 in Fantasy