SIMULA...

8.2K 103 2
                                    

A.N: R-18, not suitable for the young readers. Thank you for reading. :)

⚠️®️🔞 For the readers please do not imitate all the scenes here. Read at your own risk. ♥️
--------------------------------------------------

All Rights Reserved. The Author itself secured and holds the copyright.

No part of my story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, mimeographing, selling, or by any information retrieval system. You're not allowed to distribute or publish any parts or all chapters without the author's permission. Any illegal action and forbidden crimes will be punishable by law.

This is work of fiction. Real names, characters, animals, strong languages, businesses, any profession, real places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to the actual person, living or dead, or actual events is purely coincidental. Plagiarism is a crime and please do not imitate. © May 30, 2016 - June 13, 2016

---

Simula

Ako si Patricia Grace Suarez 28 years old, isang professional na photographer ng kilalang Company sa Cavite. Maraming kaibigan at gimikira sa gabi.

Nakaugalian ko ng umuwi tuwing gabi. Base na din minsan sa trabaho kong kailangan pang i-overtime ng maayos para maganda ang labas. At para maganda din sa mga mata ng mga costumers ko. May mga costumers kasing mapili din.

Suma-sideline din ako sa mga photoshoots kasama ang mga kaibigan ko. Kinuha nila ako dahilan para makadagdag din sa kakayahan ko.

Hindi ako naniniwala sa mga multo o engkanto na sinasabi ng iba. Ayaw kong maniwala kasi haka-haka o guni-guni lang ng mga tao iyon. Sarili lang naman nila 'yong tinatakot nila.

Hanggang sa umuwi ako nitong isang gabi. Nagtaka ako kung bakit may taong nakatayo malapit sa bintana ng kuwarto ko.

Wala ng maingay sa paligid at tanging yong aso ko lang na si Patty ang maingay sa labas. Nagmamadali akong pumasok doon sa apartment na tinutuluyan ko para malaman din kung tama ba ako sa nakikita.

Laking gulat ko ng bumukas ang pintuan at umihip ang malakas na hangin sa labas. Panay pa rin ang tahol ng alaga kong aso. Tumingin din ako ulit sa bintana ng apartment ko pero wala na siya doon, wala na ang taong nakatayo malapit sa bintana. Inisa-isa ko ding i-on ang lahat ng ilaw sa loob at hinanap kung sino man iyong pumasok sa kuwarto ko pero wala akong makita ni isang bakas ng tao sa loob.

Nakaramdam ako ng takot doon. Pero hindi ako nagpadala sa takot na nararamdaman ko. Baka guni-guni ko lang ang nakita. Masyado lang siguro akong stress sa trabaho kaya ganito 'yong nararamdaman ko.

"Hi Patty baby. Hush..." sabi ko sa aso kong nakaupo na sa tiles at nakatingin sa akin. Kinuha ko siya at pinatahan. Huminto din ito sa ginagawa niyang pagkahol.

"Good girl..." Kinuhanan ko siya ng pagkaing para sa kanya. At kumuha din ako ng seafood noodles sa ref. Iyon na lang ang kakainin ko sa ngayon.

I'm not yet hungry. Katatapos ko lang kasi sa isang dinner party ng mga kasama ko sa trabaho. Naimbitahan nila ako kaya ito at gabi na akong nakauwi.

Ilang minuto ng nakaramdam na din ako ng antok ay napagpasyahan kong umakyat na sa kuwarto.

"Hey baby... sleep na tayo, okay?" sabi ko sa alaga kong aso saka ito kinarga at umakyat na sa aking kuwarto.

Mag-isa lang akong nakatira sa apartment simula ng umuwi ako galing Canada. Naiwan ko ang parents at kapatid ko doon para bumalik dito dahil sa isang rason...

10 years din ang nakalipas ng sinubukan kong kalimutan ang nakaraan na palaging bumabagabag sa akin.

Hanggang sa umuwi ako dito...

Nasa isang madilim na gubat ako ngayon at panay ang takbo ko sa hindi malamang dahilan...

Habang tumatakbo sa masukal na gubat na ito ay pakiramdam ko palayo lang ako ng palayo. Isang sigaw ang naririnig ko sa bandang likod ko. Boses ng isang lalaking may hawak na palakol...

Natakot ako dahil sa buong buhay ko ay ngayon ko lang naramdaman ulit ang takot...

Palapit na siya ng palapit habang sinisigaw ang pangalan ko...

"Divina! Bumalik ka dito!"

Nagulat ako sa tinawag niyang pangalan sa akin. Lalo lang akong tumakbo... at palapit lang siya ng palapit...

Hanggang sa wala na akong matakbuhan!

"Papatayin kita Divina!" sabi ng nakamaskarang hindi ko kilala at tanging isang mata lang nito ang nakikita ko at dumudugo pa ang isa.

"Tulong! Parang awa niyo na tulungan ninyo ako!"

Sumisigaw na ako ng sumisigaw ngunit alam kong walang makakatulong sa akin dito!

Umiiyak na ako at nanghihina nang tuluyan na siyang nakalapit at ibinato sa akin ang palakol na hawak nito!

Ramdam kong tumulo ang dugo sa mukha kong wasak na wasak!

Patay na ako...

Bakit...

Anong nagawa ko...

Bakit ako pinatay...

Napabalikwas ako ng gising dahil sa isang matinding bangungot.

Dalawang beses ng nangyari ang panaginip na ito. At halos magkapareha lang...

Hindi ko kilala ang nasa panaginip dahil sa maskarang suot nito.

Nakakakilabot ang panaginip na iyon...

At hindi ko maintindihan ang pangalang tinawag niya sa akin na Divina...

Sino si Divina...

***

⚠️®️🔞 For the readers please do not imitate all the scenes here. Read at your own risk. ♥️

All Rights Reserved. The Author itself secured and holds the copyright.

No part of my story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, mimeographing, selling, or by any information retrieval system. You're not allowed to distribute or publish any parts or all chapters without the author's permission. Any illegal action and forbidden crimes will be punishable by law.

This is work of fiction. Real names, characters, strong languages, businesses, any profession, real places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to the actual person, living or dead, or actual events is purely coincidental. Plagiarism is a crime and please do not imitate. © May 30, 2016

 Over Time (COMPLETED) ®🔞+ #StandAloneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon