Chapter 3
Nasa park ako ngayon kasama si Patty ang alaga kong aso.
Natapos ang trabaho at half day lang ako ngayon. Pinayagan naman ako ni Ma’am Tina ang manager ko. Gusto kong mamasyal dahil matagal-tagal din kasi ng hindi ko na naalala ang pagpunta dito sa parke.
Simula ng nangyari sa akin ang masakit na trahedyang iyon kasama ang boyfriend ko ay hindi ko na masyadong iniisip ang sarili ko. Nasa isang bagay lang ako naka-focus para kalimutan ang nangyari noon...
Nasa Palawan kami at bakasyon noon kaya naisipan niyang mamasyal. Nasorpresa ako ng mag-propose siya sa akin. Masaya ako at pakiramdam ko ay ako na ‘yong pinakamasaya sa lahat.
Pero gabi noon... Pauwi na kami ng mangyari ang kahindik-hindik na aksidenteng nangyari sa amin. Ako at ang fiancé ko ay kasulukuyang nasa hospital. Nag-aagaw buhay siya. Samantalang ako ay galos lang ang natamo sa aksidenteng iyon.
Nasasaktan ako lalo pang galit ang mga magulang niya sa akin. Sa akin kasi nila binuntong ang lahat. Kahit aksidente ang nangyari.
Sinisi ko din ang sarili ko ng malaman kong patay na siya. Binuhos nila ang lahat ng sisi sa akin noong araw ding iyon. Sa araw ng lamay at libing ng boyfriend kong si Jester ay pinagbawalan nila akong lumapit.
Sinisisi ko din ang sarili ko. Hanggang sa inilayo ako ng mga magulang ko at dinala nila ako sa Canada sa araw ding iyon.
10 years din ng mangyari iyon...
At sobrang sakit pa rin kahit anong pilit kong kalimutan ay hindi ko magawa.Kung hindi lang sana kami umalis noong gabing din iyon...
Hindi kami maaksidente at mabangga sa kasalubong naming sasakyan.
Ayon sa balita, ni isang tao ay walang nakakita sa banggaan. Kahit ‘yong nakabangga sa amin ay hindi nahuli ng mga awtoridad. Wala ding CCTV sa daan kaya walang kaso ang naganap dahil walang nakakita ng gabing iyon.
Tanging ako ang sinisi nila.
Tanging ako ang nakikita nila. Tanging ako ang sinisisi nila palagi. At wala akong nagawa kundi ang lumayo, ang umiwas. Ang kalimutan ang nakaraan.
Napabuntong-hininga ako sa mga alaalang iyon. Matagal na ang lumipas ngunit parang sariwa pa rin ng lahat sa akin.
Ang yakap niya ang nagligtas sa akin. Tanging yakap niya ang palagi kong naaalala tuwing mag-isa ako.
And I miss him so much...
“Neng gusto mo bang hulaan kita?” sabi ng matandang lumapit sa akin at umupo sa kanang tabi ko habang yakap ko si Patty ang asong regalo ng boyfriend ko noong 18 birthday ko.
At iyon ding araw na iyon...
Ang pagkawala niya...
Umiling ako at ngumiti sa matanda. Binigyan ko siya ng pagkaing nabili ko sa isang tindahan.
Kinuha niya iyon kasabay ang kaliwang kamay kong hindi na niya binitiwan. Nagtaka ako sa naging reaksyon niya.
“Mag-ingat ka Ineng... palagi ka niyang binabantayan...”
Kumunot-noo ako sa sinabi niya. At binawi ang kamay ko. Hindi ako naniniwala sa hula. Dahil haka-haka lang ang mga iyon.
Pilit akong tumawa ng pabiro sa matanda. Pero seryoso pa rin ang mukha niya.
“Bakit naman po? May crush ba siya sa akin?”
Napawi ang ngiti ko ng tumayo siya at may binigay sa akin.
Tiningnan ko iyon ngunit hindi ko kinuha... nilagay niya iyon sa kanang tabi ko.
“Suotin mo iyan kahit saan ka magpunta... tandaan mo malakas siya... at nandiyan lang siya palagi...”
Kinalibutan na ako sa mga sinasabi niya. Tumingin ako sa binigay niya. Mukhang anting-anting ito at bilog na may maliit din na mga anghel sa gilid... pero kulay itim...
Nakakakilabot... iaangat ko na sana ang paningin ko at isusuli iyong binigay niya. Pero wala na siya...
Tumayo ako at hinahap ang matanda. Ngunit bigo ako... kahit napagtanong ko din sa mga dumadaan iyon ay umiiling lang sila.
Tiningnan ko ulit ang binigay niya...
Ano ang ibig sabihin ng matandang iyon...
BINABASA MO ANG
Over Time (COMPLETED) ®🔞+ #StandAlone
HorrorR-18 read at your own risk ♥️ --- *WARNING* Synopsis; The past is hiding in the dark. She did not want to experience that but it happened and could not be stop. When she met the mastermind behind the dark, she was stuck again. And her life was in da...