Chapter 16
“Ready ka na?” John asked me smilingly.
Inaayos niya ang sintas ng sapatos habang nakatingin sa akin. Aakyat kami ngayon sa mabatong bahagi ng bundok. We decided to go to Bohol, may magandang view dito at isa pa nag-aya din siya sa akin na mag-hiking kami. Ilang linggo ng dumaan matapos ang mga nangyari at sariwa pa rin ang lahat sa isipan ko. Pagkatapos nito ay aalis kami ng sabay papuntang Canada. I thank him for that.
Huminto siya sandali sa pag-akyat at bumuga ng hininga. Smiled at him, hawak niya ang kanang kamay ko habang umaakyat.
Kinuha ko ang tumbler sa gilid ng packbag sa likod ko. Ibinigay ko iyon sa kanya.
“Thanks.” aniya at nagpatuloy sa pag-akyat.
Kinuha ko ang katawan ng isang munting kahoy para kumapit doon at makaakyat ng mabuti tsaka bilang suporta na din. Luminga siya sa paligid at namaywang.
“Nandito na tayo!” he said, nakangiti pa rin.
Ngumisi ako at humugot ng sariwang hangin.
“Wow! Amazing! Tingnan mo ‘yung forest sa ibaba, makikita dito sa itaas, John!” Gigil ko habang lumalapit pa sa may mga puno.
“Yup! Isa pa maganda dito habang nagpi-picnic!” Aniya tsaka yumakap sa baywang ko.
Ngumiti ako at kinurot ang ilong niya, dahan-dahan ay kumalas ako at tinakbo ang malaking puno para habulin niya ako.
“Habol!”
“Hide and seek, huh?” Aniya habang ngumingiti. “You like this, huh?”
“Nope! Basta habol! At kapag nahuli mo ako ay may reward ka! Game?”
Napatili ako nang agad siyang tumakbo tungo sa akin kaya umikot ako para hindi niya mahabol. Tumawa ako at umiiling naman siya. Malawak ang bundok sa itaas at lalong maganda ang tanawin dito. The hiking is very challenging, right?!
“Woah!” sigaw ko.
Tumawa siya at inabot ako. Nakuha niya ang kamay ko kung kaya’t niyakap niya ako ulit. Umangat ako sa ere sa pagyakap niya. Tumawa ako ng ibinaba naman niya ako.
“So... What’s the reward?” Aniya at kinamot ang kilay tsaka ngumisi.
“Secret.” sabi ko.
“Ang daya!” sabi nito tsaka lumapit pa.
Tiningnan ko ang mukha niya. He's handsome and I admit it. Sana ay dati ko pa siya sinagot. Limang taon din kaming naging magkaibigan. At nakilala ko siya sa Canada. We are bestfriends too, at lahat ng ayaw at gusto ko ay alam niya.
“Dati pa akong nanliligaw sa’yo pero ni hindi mo man lang ako sinasagot... it because of him...”
Napawi ang ngiti ko. Yes, that's true. Inaamin ko iyon dahil kay Jester ay hindi ko pinapansin ang panliligaw ni John. Dahil... hindi pa ako nakaka move-on noon.
Hinawakan ko ang mukha niya at tiningnan ko siya sa mga mata.
“Naka move-on na ako... at kung makauwi na tayo ng Canada ay doon mo malalaman ang sagot ko, John.”
“Okay...” sabi nito tsaka ngumiti.
Bumitaw siya at ibinaba ang malaking bag na dala. One night lang naman kami dito kaya kailangan kong sulitin ang oras at ang mga sandaling ito. Ibinaba ko din ang bag ko at kinuha doon ang mga pagkain na dala. Nagugutom na ako.
BINABASA MO ANG
Over Time (COMPLETED) ®🔞+ #StandAlone
TerrorR-18 read at your own risk ♥️ --- *WARNING* Synopsis; The past is hiding in the dark. She did not want to experience that but it happened and could not be stop. When she met the mastermind behind the dark, she was stuck again. And her life was in da...