Paramdam...

1.2K 31 0
                                    

Chapter 8

Nasa bar kami ngayon ng mga kasama ko sa trabaho at tulad ng dati ay nagkaayaan na naman. Hindi ko sila matanggihan dahil bukas ay mag June na. Sa mga nakalipas na oras ay naramdaman ko na ang pagkahilo marahil ay lasing na ako dahil sa ininom kong whisky.

Hi pretty!ramdam ko ang kamay na humawak sa baywang ko. It’s Mike.

Ngayon ko lang ulit siya nakita. Busy din ito tulad ko. Umalis na siya sa trabaho niya at lumipat sa isang company sa Ilocos. May balak ata itong maging businessman. Ngunit wala sa itsura. Mas bagay pa rin sa kanya ang maging photographer.

Tumawa ako sa kanya kasabay n’on ang pagsayaw ko sa kanya. Sumasayaw din ang mga kaibigan ko na katabi ko. Kumapit ako sa leeg niya habang nakikisabay sa musika.

You’re drunk. Gusto mo bang ihatid na kita?” Umiling ako sa kanya. Dahil masyado pang maaga. And I miss this bar dahil ilang araw ko na itong hindi napupuntahan.

Bumitaw siya sa pagkakahawak sa baywang ko at hinila ako palabas ng bar.

Gusto kong umangal ngunit siniil na niya ako ng halik sa labi. Sabik na sabik hanggang sa dumating na kami sa parking lot. May mga dumadaan pero para sa kanya ay wala siyang napapansin. Nagpatianod ako sa halik niyang iyon.

Hanggang sa nasa loob na kami ng sasakyan niya. Naramdaman ko ang ginaw sa labas dahil umihip bigla ang hangin.

Dumilat ako kasabay ng pagkagulat ng nakitang iba ang humahalik sa akin. Iyon ay ang nakamaskara kung kaya’t naitulak ko siya. Umatras ako at nagulat siya sa ginawa ko.

What’s wrong?” tanong nito at umambang lumapit na naman sa akin.

I-im cold... nilalamig ako. Puwede ba tayong bumalik sa loob?sabi ko at binuksan ang pinto ng sasakyan niya.

Lumabas din siya at bumuntong-hininga. I’m sorry. Puwede kitang ihatid... kung gusto mo.”

Umiling ako at niyakap ang sarili. Talagang giniginaw ako. I don’t know kahit dumaan lang ang hangin na iyon ay hanggang ngayon nilalamig ako.

No. I-i mean, kailangan kong bumalik baka kasi hinahanap na ako ni Sherry. Lasing na din siya. Siguro sa kanya ako matutulog ngayon.sabi ko dahil iyon ang totoo. Gusto ako masulo ng kaibigan ko. Marami din siyang gustong malaman tungkol sa nalaman ko sa kapatid kong si Tiffany.

Kailangan ko ding makausap ang mga magulang ko. Gusto ko ng buong detalye. Gusto ko ng tapusin ang lahat ng ito.

Dahil gulong-gulo na ako.

Okay, then, take care. Uuwi na ako. I have a meeting’s tomorrow.Aniya bago humakbang pabalik sa sasakyan niya. Kumaway ako ng tuluyan na siyang nakalayo.

Pabalik na ako ng may sumulpot sa harapan ko. Iyong matanda sa park.

Napahawak ako sa suot kong kuwentas na binigay niya. Isa iyong anting-anting at sa pagkakaintindi ko at sa sinabi din ng Albularyo noong paalis na kami.

Lola ginugulat niyo naman po ako. Anong ginagawa niyo po dito?tanong ko at lumapit siya dala niya pa rin ang tungkod niya. Naalala ko ang sinabi ni Nang Tonyo sa akin. Na huwag ko siyang balewalain at isuot palagi ang binigay ng matanda. Kumalabog ang puso ko ng lumapit siya.

“Palagi kang mag-iingat hija. Nandiyan lang siya...”

Yumakap ako lalo sa sarili ko ng humangin bigla. Giniginaw na ako lalo na sa maiksing suot kong damit.

Luminga ako sa paligid at nagsalita. S-sino po ba talaga ang tinutukoy ninyo? Gulong-gulo na po ako—” Paglingon ko ay bigla na lang siyang nawala. Lalo lang akong kinakalibutan. Nanginig ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang boses ni Sherry papalapit na kasama si Jessica.

Kanina ka pa naming hinahanap! Anong ginagawa mo dito?!sigaw ni Sherry ng tuluyan na silang nakalapit.

Okay ka lang? Ang init mo sis...” sabi ni Jessica ng hawakan niya ako.

Nilalamig lang Jessica. Lasing ka na Sherry uuwi na tayo. Pansin ko din iyon lalo na pumipikit na ito.

Nagpaalam na ako sa mga kasama natin sis. Mukhang mamaya pa sila. At mag-aalas-dose na. Ako na ang magda-drive. sabi nito at tumango ako. Inalalayan ko si Sherry habang papasok sa sasakyan. Pagod na din ako at kailangan ko ng magpahinga.

Dahil lasing na ako at pagod na sa mga bagay-bagay na naiisip ko. Mga bagay na lalong nakakapanghina ng loob ko.

 Over Time (COMPLETED) ®🔞+ #StandAloneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon