Chapter 11
“Palagi na lang iyan, ah?” ani Sherry. Nasa office siya ngayon habang nagliligpit ako ng gamit. Dala ko si Patty ngayon. Magpapaalam ako kay Ma’am Tina na mag-half day ulit. Irarason ko’y si Patty ng mapatingin ko na din.
“Hindi ko alam, Sherry. Kung bakit... at natatakot ako.” tumayo siya habang karga si Patty.
“Hindi mo ba isinuot iyong sabi mong binigay ng matanda sayo?"
Umiling ako kaya napabuntong-hininga siya.
“Nasa bag ko iyon...” sabi ko at nagpatuloy sa pagliligpit.
Tanghali na at dideretso ako sa clinic, malapit lang dito para sa mga aso tulad ni Patty.
“Natatakot na ako para sa’yo...” ani Sherry. Ramdam kong nag-aalala siya. “Nagkita na ba kayo ulit ni Pau?”
Napabitaw ako sa ginagawa ko. “H-hindi pa... I'm scared...”
Lumapit siya at kita ko ang seryoso at takot sa mukha niya.
“Wala na siya sa pinagtatrabuhan niyang company... hindi ba sinabi ng boss mo na lilipat na siya dito?”
Kumunot ang noo ko at bumuntong-hininga. “W-wala, ang huli naming pag-uusap ay ‘yong nagpadala siya ng mga photos na kailangan ko. Pero iba naman ‘yong binigay niya...”
Tapos na ako sa ginagawa ng may kumatok. Binuksan iyon ni Sherry. Iniluwa doon si John.
“Hi...” bati niya.
Tipid akong ngumiti at kinuha ang bag.
“Lunch?” Ani Sherry.
Tumango ako at sabay kaming lumabas.
“Sino ang papalit sa’yo mamaya?” ani John.
“Razta, iyong pamangkin ni Ma’am Tina.” sabi ko.
“Saan tayo ngayon?” ani Sherry.
Si John ang sumagot. “Sa isang grills tayo, gusto kong tikman ang mga barbecue. Malapit lang ito dito...” aniya at umakbay sa akin. Nagkatinginan kami. Ngumiti siya. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang paghalik niya sa akin sa apartment.
“Sa akin na sasakay si Patty.." ani Sherry. Tumango ako at binuksan niya ang kotse.
Iginiya ako ni John sa sasakyan niya. Pinagbuksan niya ako at pumasok sa loob. Pumasok din siya at agad na pinaandar ang sasakyan. Nakasunod lang si Sherry sa amin. Kita ko si Patty na nakaupo at gustong ilabas ang ulo pero hindi niya magawa.
“15 minutes bago makarating, do you miss me?” he asked.
Hinawakan niya ang kaliwang kamay ko kasabay n’on ang pagngiti. Ngumiti din ako sa kanya. Matagal ko na siyang kaibigan at kilala. Minsan isipin ko din muna ang sarili ko. Matagal na akong nakakulong sa nakaraan. Time to change, gusto kong mag-open relationship. Wala namang masama doon dahil single kaming pareho.
Pinark niya ang sasakyan, kasabay n’on ang pagbaba namin. Nakababa na din si Sherry at kinarga ulit si Patty.
“Kasama mo si Patty?" anito.
“Dadaan ako sa clinic. Ipapa-check up ko, ayaw kasing kumain two days na...” sabi ko.
Tumango siya at giniya kami sa loob. Umorder kami at kumain. Sinubukan kong bigyan si Patty ngunit inamoy lang niya iyon. Maging si Sherry at John ay inayawan lang ni Patty ang pagkain.
BINABASA MO ANG
Over Time (COMPLETED) ®🔞+ #StandAlone
Kinh dịR-18 read at your own risk ♥️ --- *WARNING* Synopsis; The past is hiding in the dark. She did not want to experience that but it happened and could not be stop. When she met the mastermind behind the dark, she was stuck again. And her life was in da...