Dilim...

1.6K 38 1
                                    

Chapter 4

Nakauwi ako sa apartment ng maraming dalang katanungan sa aking isipan. Hindi ko na ulit hinahap ang matanda kanina. Dahil hindi ko na siya makita kahit saan. Dala-dala ko ngayon ang binigay niya sa akin. Baka sakaling magkita kami ulit ay isasauli ko ito sa kanya.

Nahihiwagaan at kasulukuyang naguguluhan ako ngayon.

Nakaramdam na naman ako ng pangamba kung mauulit na naman ba ang nangyari tatlong linggo na ang dumaan. Hindi ko alam kung ano ang kababalaghang nangyayari ngayon.

Dagdag pa ang sinabi ng matanda kanina. May hawak siyang tungkod at nakakulay itim ang suot niya.

Ipinilig ko ang mga isiping iyon. Ayaw ko ng makaramdam ng takot...

Bukas? tanong ng kaibigan ko. Tinawagan ko siya dahil makikipagkita ako sa kanya bukas.

Oo kung puwedeng samahan mo ako... ‘di ba may kilala kang Tonyo sa isang bayan dito sa atin?

Ang ibig kong sabihin ay iyong albularyo sa kabilang bayan...

Ah, Oo yong kapitbahay nila Mama doon! sabi niya. “Teka bakit naman? May sakit ka ba? Tanong nito sa akin.

W-wala naman. May itatanong lang sana ako sa kanya.

O Sige... pero ang weird naman... ano ba kasi iyon?

Bukas sasabihin ko sayo. Basta pumunta ka dito okay? Sunday naman bukas. Sige bye, I call you tomorrow may gagawin pa ako.” sabi ko para hindi na siya magtanong pa. Alam kong nagtataka siya dahil halata sa boses niya iyon.

Okay...” sabi nito.

Pinutol ko agad ang tawag. Nagpasya na akong matulog ng nakaramdam ako ng antok.

Nilagay ko sa lamp iyong binigay ng matanda sa akin. Mukhang mabait naman siya pero nakakakilabot lang ang mga sinabi niya sa akin.

Nagdasal ako bago pumikit. Nasa maliit na sofa ko si Patty. Alam kong tulog na din siya.

Ilang minuto ay hindi na naman ako mapakali, bumangon ako’t nagpasyang lumabas sandali.

Nandito ako sa office mag-isa... natagpuan ko ang sariling dito dinala ng aking mga paa.

Nakauwi na ang mga kasama ko at ako lang ang naiwan sa 2nd floor. Kailangan kong tapusin ang mga sinubmit sa akin ng isang kakilala ko. Ito iyong hiniram kong copy ng mga nakuha niyang photos.

Ngunit ng buksan ko ang isang brown envelope ay tumambad sa akin ang isang litratong puno ng dugo...

Wasak ang mukha no’ng lalaki...

Nakaitim siya ng suot at lumuluha ng dugo ang mga mata nito...

Napasigaw ako at tinapon ang litrato ng biglang may kumatok at namatay ang mga ilaw sa loob ng opisina...

Tulong! Tulong! Tulong!Sigaw ko’t napaatras sa pader at sumiksik doon.

Mga yapak ng mga paa ang naririnig ko...

Ang lakas at sobrang nakakabingi...

Umiiyak na ako ng tumigil ang tunog kung saan man iyon...

Patricia...Tawag sa akin ng boses ng babaeng nakalutaw sa ere...

Nahindik ako sa takot dahil sa mukha niyang wasak at tumutulo doon ang dugo.

Patricia...Tawag niya ulit sa pangalan ko.

Kilala niya ako...

Sino siya...

Ahhh! Parang awa mo na lumayo ka huwag kang lumapit!” Sigaw ko’t kinakabahan sa nakikita.

“Papatayin kita, Patricia!” Sigaw nito sa akin ng makalapit siya.

Nakapikit na ako at nakaupo sa sahig habang tinatakpan ang aking mukha sa labis na takot.

“Buhay mo na naman ngayon ang kukunin ko.........!"

Sumigaw na ako ng pagkalakas-lakas ng bumukas ang pintuan kasabay noon ang paghangin ng sobrang lakas!

Nawala na ang imahe ng babaeng nakaputi at nakalutaw kanina...

Tumakbo ako... kahit na walang makakatulong sa akin sa pagsigaw ko.

Mabilis ang naging takbo ko palabas ng opisina...

Pababa na ako sa parking lot nang naririnig ko pa rin ang sobrang lakas ng mga yapak... papalapit na siya sa akin.

Kinapa ko ang susi sa bag ko dahil tanaw ko na ang sasakyan ko sa malayo.

Kinuha ko din ang cellphone kong may tumatawag.

Thanks God it’s John!

“J-john h-help me please...

Nasa sasakyan na ako ng huminto ang tunog na iyon...

Umiiyak pa rin ako habang binubuksan ang pintuan ng kotse ko.

Dinig ko sa kabila ang pag-aalala ng boses ni John. Mukhang nagising ko yata siya sa pagtulog.

W-what... Where are you!?

“Sa parking lot. Nakasakay na ako ngayon. Uuwi na ako. My god! John help!” Sigaw ko ng may lumitaw na imahe ng lalaking nakaitim sa harapan ng aking sasakyan.

Nakamaskara siya at itim ang suot nito.

Dumudugo ang mga mata nito...

At may hawak na palakol...

Biglang nawalan ng ilaw sa parking area. Kumalabog ang dibdib ko sa takot na nagbabadya na naman.

Isa-isa namatay ang ilaw...

Patricia! Sumagot ka! Saang building ka...

Sinabi ko sa kanya ang address at building na pinagtatrabahuan ko.

Nahindik ako ng may sumakal sa aking leeg!

J-john! Help!”

Iyong babaeng duguan ang mukha!

Ma-matay........ka na......!

Pilit kong kinakalas ang kamay nitong nakasakal sa aking leeg!

Nang may bumusinang sasakyan sa tapat ko... Ay iyon naman ang pagkawala ng aking malay...

 Over Time (COMPLETED) ®🔞+ #StandAloneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon