Wakas
“Ate, bakit hindi tayo mamasyal tutal naman ay summer na? Wala akong kasama e, isa pa, nasa Italy si Mommy and Daddy...”
Bumuntong-hininga ako habang nililigpit ang papeles na iniwan ni Daddy sa akin. I don’t know how to handle the company at wala akong experience doon. Two months since I left Manila and live here in Canada. Kahit paano ay gumaan ang pakiramdam ko na nasa tabi ko palagi ang pamilya.
“Okay... kailan ba?” tanong ko kay Tiffany habang umuupo sa katabi niyang sofa. Nasa library kami ngayon ni Daddy. Tiningnan ko siya ulit at nangalumbaba.
“Sa katapusan!” she said, excitedly.
“Sino ang kasama?”
“Classmates, Ate!”
“Okay, tell mom and dad then sa skype! Magbibihis lang muna ako at may pupuntahan...”
Iniwan ko siya at tinakbo na ang hagdanan. Naligo ako pagkatapos ay nagbihis ng maayos.
“Ate?”
Tiffany knock the door, binuksan ko naman iyon. Nakita ko si Mom and Dad sa screen ng cellphone ni Tiffany. I smiled at them.
“Hi, mom and dad! I miss you! Kailan kayo uuwi?”
“Next month, hija. Tell Tiffany na ‘wag masyadong uuwi ng gabi...”
Tumingin ako sa kapatid kong nakasimangot na ngayon.
“Bakit po?”
“Lalabas daw ngayon with her friends. At mag o-overnight sila sa isang bar!” si Mommy, galit.
“Really, Tiffany?” bumaling ako saglit tsaka binalik sa screen ang tingin.
“Mom, minsan lang naman and I’m not a kid, okay?” maarte niyang sagot.
I laughed. Minsan talaga ay pasaway siya kaya noong umuwi akong pinas ay hindi na siya masyadong nakakalabas without mom and dad permission.
“Pagbigyan mo na...”
Si Daddy iyon. Nagtatalon na sa tuwa ang kapatid ko at ibig sabihin n’on ay nakuha na niya ang permiso ni Daddy. Binigay ko sa kanya ang cellphone tsaka nagsuklay ng buhok.
“Where are you going, hija?” Ani Daddy.
“My amega’s house, dad. Bibisita lang po.”
Tumango sila at ilang sandaling pag-uusap ng binaba na ang tawag tsaka ako bumaba ng hagdanan.
“Lock the door when you leave, Tiffany! May spare key ako don’t worry, ingat!” sabi ko at binuksan na ang pintuan ng sasakyan.
Binaybay ko ang kahabaan ng byahe. Huminto ako sa tapat ng gate ng mga kamag-anak ni John nang marating ko ang bahay nila. Nilihim ko ito sa pamilya ko... dahil isang buwan na ako palaging dumadalaw dito. At kahit nandito ako ay binabangungot pa rin ako.
In the middle of the night I saw John standing in my window, stare at me and very angry. I don’t know if I have a third eye or what. Wala naman din silang binanggit lalo pa ang matanda at ang albularyo noon.
Until now I’m scared at wala akong takas sa bangungot na iyon na ilang buwan ng dumaan.
Pinindot ko ang door bell sa labas ng gate. Isang katulong ang lumabas at nagulat pa ito ng makita ako. I know, alam nila ang nangyari and I feel guilty of what happened months ago.
“Good morning... Can I talk to Tito Mon?”
Umiling ang maid at umambang isasarado na nang lumabas ang pinsan ni John. Kumaway ako sa kanya. Napawi ang ngiti ko at kita ko ang galit sa mga mata niya kaya napaurong ako ng kunti.
“Bakit ka nandito?” galit ang naging pambungad ni Jerson sa akin, ang nakakabatang pinsan ni Jester.
“Puwede ko bang makausap ang mga magulang mo?”
“Wala sila dito at nasa Singapore! Umalis ka na! O baka ako pa ang papatay sa’yo!”
Kinabahan ako sa sinabi niya at umalis ako ng tuluyan, nagmamadali. Hindi ko mapigilang umiyak dahil sa guilt. Ilang sandali ay pinakalma ko ang sarili at binaybay na lang ang pauwi sa amin.
I don’t know how to start again at kahit saang lupalop pa ako mapadpad ay susundan lang ako ng takot. At ayaw ko na... gusto ko ng huminto ang pag-iisip tungkol doon. I need to end this. I want to go back to my normal life before. Pero kahit dati ay magulo pa rin. Napako ako sa gitna ng takot at problema.
Agad akong bumaba ng sasakyan at tinakbo ang itaas. Wala na si Tiffany ng makapasok ako sa kuwarto. Ang aga niyang umalis at ako na lang ang mag-isa sa loob. Dumapa ako sa kama at humagulhol. Bumangon din ako at hinanap si Patty. Pinunasan ko ang luha ko. At bumaba ng hagdan.
“Patty, where are you-”
Napahinto ako sa kinatatayuan ko at nanoot ang lamig sa katawan. Ni hindi ako makagalaw. Hawak ng isang tao si Patty at nakatalikod ito sa akin. Lumunok ako at humakbang papalapit ngunit mabagal ang naging lakad ko dahil sa kabang nararamdaman!
Sino kaya ito?
“Patricia...”
Rinig ko ang pamilyar na boses na tumawag sa akin. It’s John! Paano... paano nangyari ito?! Patay na siya!
Nakita ko din ang mga multong papalapit na sa akin! Kinalibutan ako at napaatras sa hagdanan. Nangilid ang luha ko. At ang takot ay lalong lumala dahil sa mga nakikita.
Kasabay ng paglingon niya ay ang pagkagulantang kong patay na si Patty!
“No!”
BINABASA MO ANG
Over Time (COMPLETED) ®🔞+ #StandAlone
HororR-18 read at your own risk ♥️ --- *WARNING* Synopsis; The past is hiding in the dark. She did not want to experience that but it happened and could not be stop. When she met the mastermind behind the dark, she was stuck again. And her life was in da...