Takot...

4K 48 1
                                    

Chapter 1

Ayos ka lang ba? Kanina ka pa hindi kumikibo.

Napukaw ni Sherry ang diwa ko. At lumingon sa kanya. Nasa isang bar kami ngayon dahil linggo at walang trabaho. Napagkasunduan naming magkita sa isang resto.

“Wala ito. Siguro dahil sa pagod nitong mga nakaraang araw. sabi ko at ininom ang isang ladies drinks na inorder ko sa waiter.

Baka naman dahil iyan kay Matteo! Iyong may gusto sa’yo! Naku girl ha! Big time ka! Alam mo bang sikat na sikat iyong modelo at guwapo pa!Gigil na sabi nito sa akin.

Pamalumbaba ako dahil hindi ako interesado. Kilala ko si Matteo. Halos araw-araw ay sa akin nagpapakuha ng litrato iyon. Guwapo nga siya pero hindi ko siya pinapansin. Playboy kasi.

Not my type..." sabi ko. At saka busy ako, Sherry. Wala akong oras...”

Ngumisi lang siya at umiling. Dakilang man-hater ka talaga, Patricia! umismid lang ako sa kanya.

Talagang wala akong plano. At ayaw kong may masaktan na naman ng dahil sa akin...

Matapos naming mag-usap ni Sherry ay nagpasyahan ko ng umuwi. Akala ko’y hindi na ito mabubunot sa kinauupuan. Minsan lang naman kasi kaming lumabas.

Nasa room ako, John... Okay, wait! What?! Hindi puwede iyan kasi may gagawin kami sa susunod na sabado. Busy din ako bukas mag-e-edit ako ng mga pictures na nakuha ko. Gagawin ko iyong slideshow sa nalalapit na welcome back party sa manager ko! sabi ko sa kaibigan kong sobrang kulit. Nasa Manila siya ngayon at kakauwi lang galing ng Singapore.

Gusto niyang makipagkita pero hindi puwede. Dahil sobrang hectic ng schedule ko ngayon.

Okay kailan ka puwede?he asked.

Kinamot ko ang ulo ko. Ang hirap naman makaintindi nitong isa.

Okay... If may vacant time ako...”

“Sure? I’ll fetch you okay, sabihin mo lang.” he said. “I miss you...”

Ngumiti ako. “Miss you too, bye...”

Ni-off ko na yong phone ko ng biglang may kalabog akong narinig sa ibaba.

Nagkibit-balikat ako na baka si Patty lang iyong alaga kong aso at kung saan na naman naglalaro.

Pssst...

Tumayo ang balahibo ko ng may marinig akong boses. Hindi naman siguro guni-guni iyon...

Gusto mo bang maglaro...”

Tinakpan ko ang aking dalawang tainga ng palapit na ng palapit ang boses na iyon. Pumikit din ako ng mariin.

Nakakaramdam na ako ng takot. Simula ng lumipat ako dito sa apartment na ito ay puro kababalaghan na lang ang nangyayari. At ngayon naman ay hindi ko alam kung guni-guni pa ba ito. Dinilat ko ng paunti-unti ang mata ko kasabay ng paghangin ay ang imahe ng isang babaeng wasak ang mukha ang nasa aking harapan!

“Papatayin kita.................!Sigaw niya. Kaya napasigaw na din ako.

Tumakbo ako pababa ng hagdan hanggang sa nakababa ako ng sala ay naririnig ko pa rin ang boses niyang tumatawa na ngayon.

Hey! W-what’s wrong!

Gulat na salubong ni Mike sa akin na isa sa mga kaibigan kong photographer. Nawalan ako ng malay dahil sa takot na at biglang panlalamig.

Nagising na lang ako ng nasa hospital na ako. Nakita ko si Sherry na nag-aalala ang mukha at agad na lumapit sa akin ng makita akong gising na.

“Huwag ka munang bumangon...”

Tumango ako sa kanya. Pinainom niya ako ng tubig.

Sabi ng doctor ay stress ka daw kaya nahimatay ka kanina. At kulang sa tulog.” sabi nito.

Nasaan si Mike? tanong ko ng maalalang siya ang nakakita sa akin kanina.

“I’m here...”

Lumingon ako sa lumabas galing banyo. It’s Mike.

T-thank you kanina... you save me.." sabi ko.

Mukhang takot na takot ka kanina... ano ba ang nangyari?Tanong niya at mukhang nagtataka.

Kumunot naman ang noo ni Sherry at hinawakan ang kanang kamay ko.

I-i saw... the... hindi ko natuloy ang sasabihin ng dumating ang doctor at may kasamang babaeng nurse.

“Miss Suarez...” sumulyap ito sa akin at ngumiti. Puwede ka ng umuwi ngayon. Inumin mo na lang iyong vitamins na ito, makakatulong iyan lalo pang stress ka, hija...” sabi niya sa akin at binigay iyong papel na may pangalan ng gamot na nakasulat.

“Thanks, doc.” I said.

Nakabayad na ako ng bills bago lumabas ng hospital. Nakakahiya kay Mike at siya pa ang nag-asikaso n’on.

Thanks to him. Mukhang kailangan ko ding lumipat ng bagong apartment na malapit lang sa pinagtatrabahuan ko. Iyon ang kailangan kong gawin. Masyado na akong stress sa trabaho. Dagdag pa ang nangyari kanina...

Natatakot pa rin ako at hindi ko alam kung bakit ganoon. Isa lang ang alam ko...

May ibig sabihin ang mga bangungot na iyon...

At iyong nakita ko kanina...

 Over Time (COMPLETED) ®🔞+ #StandAloneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon