Chapter 14
Last day ng trabaho ko ngayon at nagka-ayaan kami ng mga kasama ko sa trabaho na pumunta sa isang malapit at kilalang bar sa Manila. I agree with them lalo na magpapaumaga daw kami.
Sinabi ko na din na susunod ako at may pupuntahan lang. Aalis na ako sa katapusan at pupuntang Canada. June 25 ngayon at nagliligpit ako ng mga dadalhing gamit. Saturday 11:50 ng gabi nang matapos naman akong magligpit. Wala na ang mga kasama ko sa loob ng office at tanging ako lang ang mag-isa. May mga guard naman na nagbabantay at naglilinis dito tuwing sabado.
Pero iba ngayon... walang katao-tao. Kanina lang ay nandito pa sila or maybe nag-breaktime lang. Hanggang alas-dose lang ata ang limit.
Suot ko ang binigay ng matanda sa akin noon. Ito lang ang tanging makakaligtas at ang pananampalataya ko. Palabas na ako ng may mahagip akong nakatalikod sa kotse ko.
I closed my eyes, nanalangin ako na sana Wala lang ‘yon.
Kinabahan ako lalo ng pagdilat ko’y naglaho siya sa harapan ko. Pinagpawisan ako at napaatras sa kinatatayuan ko ng marinig ko na naman ang mga yapak papunta sa akin.
“God help me...” I whispered.
Tinungo ko ang kotse at mahigpit ang hawak sa mga gamit kong nilagay sa itim na bag.
Agad akong pumasok sa loob at in-start ang sasakyan ngunit ayaw naman mag-start.
“Please?!”
Napatingin ako sa rareview mirror ng sasakyan ko. Tumindig ang balahibo ko ng makita ang taong nakamaskara sa likod.
Sumigaw ako at pinihit ang hawakan ng pintuan ng sasakyan.“Tulong! Tulong!”
Lumapit siya at sinakal ako ng sobrang higpit. Ilang sandali ay nawalan ako ng malay. Ramdam ko ang pagsaksak ng kutsilyo sa likod ko... isang malamig naman na mga kamay ang sumaklolo sa akin. Hindi ito panaginip...
Nasa isang bundok ako at matarik na daan ang dinadaan ko paakyat para makarating sa lang sa pupuntahan. Tanaw ko ang nag-aalab na apoy sa malawak na bundok at nasa gitna ako nito. Nakita ko ang isang lalaking nakatayo at may hawak na mga patalim. Sinasamba niya ito at nakakulay itim ang suot.
Sino siya...
“Satanas mabuhay ka! Bigyan mo ako ng kapangyarihan at gawing isang demonyo...”
Natakot ako ng lumingon siya sa akin. Hawak niya ang isang itim na patalim. Lumapit siya at tinututukan ako ng hawak niya. Tumakbo ako kasabay ng pagliyab ng apoy sa bawat dinadaanan ko. Tinitiis ko ang hapdi sa pagkasunog ng balat ko. Tumakbo ako hanggang sa makababa ako ng bundok na puno ng mga masukal at nagsisitayuang mga malalaking punong-kahoy. Nasaan ako?! Among ginagawa ko dito?!
Tumakbo ako ng tumakbo pero rinig ko pa rin ang mga yapak niya sa asking likuran...
“Tulong!” hindi ko maisigaw. Walang boses na lumabas.
Pabalik-balik ako sa pagtakbo kahit na ganoon pa rin at hindi ako nakakaalis sa tinatakbuhan ko... Bakit at nasaan ako?!
“Nandiyan... na... ako...” sabi niya sa akin habang tumatawa siya boses ng demonyo.
Kinalibutan ako at nagsisigaw kahit wala namang nakakarinig sa akin. Nadapa ako kasabay ng ang pag-angat ko sa ere, hawak niya ang leeg ko at hindi ako makahinga... Nanlaban ako hanggang sa sinaksak na niya ako ng matulis at mabahang bagay... umaapoy ang buong katawan ko... Apoy na parang nasa impyerno.
Kasabay ng pagbato niya ng palakol sa mukha ko... Bakit ako... Anong ginawa ko...
“Clear!” boses ng isang doctor ang naririnig ko.
Kita ko sa salamin ang sarili kong duguan at wala ng buhay. Kita ko din ang mga kaibigan kong nag-aalala sa akin. Si Sherry... si Jessica... si Mike... si john... at si Pauline Devera...
Bakit siya nandito? Yakap niya si Sherry habang umiiyak ito. Kita ko ang pag-aalala sa mga mata nila...
Suot ko pa rin ang kwentas diba... ang sabi ng matanda ay matutulungan ako ng bagay na ito pero hindi... At bakit ako napahamak... bakit...
Lumiwanag ang buong hospital... Pumuti lahat at nawala ang mga kaibigan ko. Kita ko ang isang lalaking nakaputi at nakatalikod sa akin...
Umatras ako ng lumingon siya... impossible...
“Jester...” tawag ko at lumapit sa kanya. Tumulo ang luha ko.
“Sumama ka na sa akin...” sabi niya ng makalapit ako sa kanya..
“May mission pa ako... Akala ko ba tutulungan mo ako...”
Lumapit siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Umiiyak siya... bakit...
“Patawarin mo ako sa mga nagawa ko, Grace. Hindi ko intensyong saktan ka noon... minahal kita...”
“Minahal din kita, Jes. At napatawad na kita. Salamat sa mga pagmamahal na binigay mo sa akin noon...”
Umiyak ako kasabay ng pag-ihip ng hangin. Nakita ko ang gate papuntang langit. May mga nakatingin doon na handa na akong salubungin sa pagpasok. Umatras ako. Hindi pa ako handa.
“Sumama ka sa akin... mas ligtas ka dito.”
Umiling ako at hindi tinanggap ang kamay niyang nakalahad sa akin. Pumatak ang mga luha ko kasabay ng paglaho niya sa paningin ko.
“Isa pa! Ready clear!”
Nagising ako sa mahabang bangungot na iyon. Kita ko ang mabilisang paglabas ng isang babaeng nurse ng makitang dumilat ako. Marahil ay binalita sa mga kaibigan kong gising na ako.
Umiyak lang ako dahil hindi ko maisip na mabubuhay pa ako. Ang pagpakita ni Jes sa akin sa panaginip at ang paghingi niya ng tawad ay nagpagaan ng kunti sa puso ko at mga iniisip.
Kung ano man ang mangyayari sa pagharap ko sa katotohanan ay gabayan sana ako ng panginoon.
I'm really scared. Pakiramdam ko ay wala na akong takas sa lahat at natatakot ako para doon. Ipagdadasal kong matapos na agad ang lahat ng mga kinakaharap kong takot ngayon. I'm ready to face it all. Kahit na buhay ko pa ang nasa piligro. Malaman ko lang ang buong katotohanan...
BINABASA MO ANG
Over Time (COMPLETED) ®🔞+ #StandAlone
TerrorR-18 read at your own risk ♥️ --- *WARNING* Synopsis; The past is hiding in the dark. She did not want to experience that but it happened and could not be stop. When she met the mastermind behind the dark, she was stuck again. And her life was in da...