Chapter 13
Ilang araw ng dumaan ng huli kong makausap si Mike. Malapit na din matapos ang huling trabaho ko at magpapasya na akong uuwi pagkatapos ng lahat.
Ang bilis ng panahon at heto ako, pupunta sa simenteryo kung saan nakalibing si Jes. Kahapon pa ang bisita ng mga Santibianes sa puntod ng anak nila. Naka-ugalian nila ang palaging pagdalaw. At minabuti kong ngayon na dumalaw kaysa makisabay sa kanila lalo na kung gulo naman ang mangyayari. Dahil alam kong pagbabawalan nila ako.
June 15, 2016 at ika 11 years na ng anak nilang yumao. Mahirap tanggapin ang pagpanaw ni Jes at maraming nangyari noon. Lalo pang marami din siyang iniwang mga masasakit na alaala sa akin, na hindi naghilom. Ito ang unang beses na dadalawin ko siya. Mag-aalas dos pa ng hapon at dalawang oras ang byahe papunta sa simenteryo.
Kasama ko si Patty, ang alaga kong binigay niya noon. Hindi ko ito isasauli sa pamilya niya dahil walang kinalaman ang aso sa mga nangyari sa nakaraan. Tanging ito lang ang alaala niya na naiwan sa akin. At iingatan ko ito tulad ng pansamantalang pagmamahal na binigay niya sa akin. Ramdam ko kahit paano na naparamdam naman niya iyon sa akin. Kahit na... unti-unti ay nahihimasmasan ako sa mga nangyari... na unti-unti ko din itong natatanggap kahit pa sabihing sobrang hirap.
Dumating ako ng 3:30pm at nasa harap na ako ng gate. May mga ibang tao pa ang nandito pero kunti na lang. May naglilinis din, iyon marahil ang katiwala dito sa simenteryo. Lumabas ako ng sasakyan at kinuha si Patty. Kinarga ko siya kasabay ng pagpasok ko sa loob ng simenteryo.
I inhaled and exhaled harshly. Hindi ko alam na sa tinagal-tagal ng panahon ay sobrang hirap ng mga pinagdaanan ko. Nandoon ako sa punto na... hindi ko alam kung matatakasan ko pa ba ang mga pahiwatig sa bangungot.
I was stock there, at hindi na makagalaw dahil sa sobrang sama ng pakiramdam dahil na din sa takot.
Umihip ang hangin kasabay ng paglipad ng mahabang palda ko. Niyakap ko ng mahigpit si Patty. May dala din akong kandila, mananalangin na sana ay dinggin niya. Gusto ko ding magtanong kung nasaan ang libingan ni Jester Santibianes. Dahan-dahan akong lumapit sa nagwawalis na matandang babae. Lumingon naman siya sa akin at ngumiti.
"Magandang araw po, Manang..."
"Magandang araw din naman, anak. Ano ang maipaglilingkod ko sa'yo?"
Ngumiti ako sa kanya. "Alam niyo po ba ang libingan ng anak nila Rafael at Elizabeth Santibianes?"
"Opo. Kakauwi nga lang nila. Sasamahan ko na po kayo, Ma'am."
Tumango ako at ngumiti sa kanya. Nauna siya at sumunod lamang ako. Medyo malayo ang libingan ni Jes kumpara sa ilan na nandito.
"Nandito na tayo, ma'am. Ito ang libingan ng sinabi mo," she stop and look at me. "Kakaawa iyan e..." sabi nito na kinagulat ko.
"B-bakit po?" I asked curiously.
"Naaksidente kasama ang nobya niya noon. Hindi ko nga alam kung nasaan na ang baba. Ang narinig ko lang ay nasa ibang bansa na..."
Tumango ako at nagsindi na ng kandila. Kumahol naman si Patty, pinatahan ko siya. Alam ko na ramdam niya ang nararamdaman ko ngayon.
"Sige po at maiwan ko na kayo..."
"Okay po, manang. Maraming salamat po." sabi ko, ayaw ko nang dugtungan ang sinabi niya kanina.
I sighed heavily. Hindi ko maitatago ang sakit na nararamdaman ko sa mga oras na ito. Hindi madali ang makalimot dahil sinaktan ka ng taong mahal at pinagkatiwalaan mo ng sobra.
![](https://img.wattpad.com/cover/73550706-288-k279017.jpg)
BINABASA MO ANG
Over Time (COMPLETED) ®🔞+ #StandAlone
HorrorR-18 read at your own risk ♥️ --- *WARNING* Synopsis; The past is hiding in the dark. She did not want to experience that but it happened and could not be stop. When she met the mastermind behind the dark, she was stuck again. And her life was in da...