Chapter 15
“Puwede ka ng makauwi, hija. By next week, maari kang pumunta dito para i-check kung may improvement ba sa paghihilom ng sakit sa sugat ng likod mo. Huwag mo lang masyadong ipagod sa tuwing nakahiga ka, you should rest and stop stressing yourself na ‘di nakakabuti sa kalusugan.” Anang doctor ko.
Isang buwan ako namalagi sa hospital dahil sa nangyari. At walang alam ang pamilya ko tungkol sa nangyari sa akin. Ayaw ko na ding abalahin sila at pumunta pa dito. Uuwi naman ako sa Canada at iyon na ang disesyon ko. Kailangan ko lang munang magpagaling para hindi sila magtaka. I hope they understand me for lying.
“Sherry, ayos lang ba kung iiwan ko muna si Patty sa’yo?”
Nilingon ko ang kaibigan ko habang yakap si Patty. Siya ang tinawagan kong sumundo sa akin dahil kakalabas ko lang ng hospital. Gusto ko din na sa kanya iwan pansamantala ang alaga kong aso. Hindi pa rin kasi nawawala sa isip ko ang mga napaginipan at mga nakikita ko. Kailangan ko ng gumalaw para matapos na ang bangungot na ito. Tumango siya at hinawakan ang kamay ko.
“I’m scared, sis. Ano man ang oras ay tatawag ka.” Aniya, hindi makatakas ang pag-alala.
Ngumiti ako at hinawakan din ang kamay niya.
“Oo naman! ‘wag kang mag-alala magigigng maayos din ang lahat...”
Alam na niya ang tungkol sa gagawin ko. Haharapin ko na ang takot na nagiging pabigat sa nararamdaman ko. Natatakot ako sa maaring mangyari pero ako at ako lang naman ang makakaayos ng lahat ng ito.
Tumigil ang sasakyan sa tapat ng apartment ko. Bumaba ako pero hindi ko na sinama si Patty. I stared at her sadly. Tumatalon-talon siya at dinungaw ako sa bintana ng sasakyan.
“Ingat k, okay?” Sherry said, kumaway na.
Tumango ako at kumaway na sa kaibigan ko. Nang makalayo na ang sasakyan ay agad akong pamasok sa loob. Lumunok ako dahil sa katahimikan ng loob. Isang imahe ng babae ang nakikita ko sa likod ng isipan ko at natatakot ako. Umakyat ako at inilapag ang mga gamit na dala sa kuwarto. Tapos na ang contract ko sa trabaho at panahon na para harapin ang katotohanan. Hindi ako nagsisisi kahit puro kababalaghan ang nakikita ko sa nakalipas na buwan o taon.
Tahimik. I sighed heavily, para akong hinihila ng pagod sa isang buwang ko sa hospital.
Umupo ako sa kama. Saktong nakita ko naman ang screen ng cellphone na may tumatawag. Kinuha ko iyon at sinagot ang unknown number.
“Hello?”
Pero wala akong naririnig sa kabila kundi puro kaluskos lang.
“Hello?” ulit ko.
Habol ko na ang hininga ng bumukas ang pintuan at umihip ang malamig na hangin. Kinalibutan ako at iba’t-iba na ang pumapasok sa aking isipan.
“Hello?”
Isang tawa ang narinig ko, nakakikilabot na boses. Sa sobrang kaba ay pinatay ko ang tawag at naibagsak ang telepono. Sumara ng sobrang lakas ang pintuan sa kuwarto ko. Rinig kong tumunog ang lock niyon... hindi ako nag iisa...
“Who’s that?!”
Lumunok ako at umatras nang walang sumagot. Kita ko ang pagdilim ng kalangitan sa labas ng bintana. Umihip pa lalo ang hangin at bumukas sarado ang ginagawa ng aking bintana. Napahawak agad ako sa binigay ng matanda. For some reason, kailangan kong maniwala at manalig.
“Kung sino ka man m-magpakita ka!”
Isang malakas na kalabog sa ibaba ang nangyari at sunod-sunod ang pagtilapon ng mga gamit kung saan-saan, nakakabingi ang ingay. Nahindik ako sa takot ng lumitaw sa ere ang mga gamit sa kuwarto kasabay ang paghangin ng sobrang lakas...
“Who’s that?!” ulit ko, sumisigaw na.
Isang tawa ang narinig ko. Huni ng demonyo ang tawa, hinihila papalapit sa akin, kinabahan ako lalo!
Nahindik ako ng magpakita siya sa harapan ko at sinakal ako sa leeg! Kita ko ang nag-aapoy na galit sa mga mata niya!
“S-sino... ka...”
Pilit kong tinatanggal ang kamay niyang nakasakal sa akin. Nang tumilapon ako sa pader!
“P-parang awa mo na tigilan mo na ako!”
Gusto kong tumayo ngunit hinawakan niya agad ang leeg ko at inangat na naman sa ere! Isang imahe na naman ang bumalik sa isipan ko. Kaparehas ng nasa aking panaginip!
“B-bitawan mo ako!”
Nagpupumiglas ako at kinakalas ang pagkakasakal niya sa aking leeg. Tumawa siya ng mala-demonyo! Lalo akong kinabahan dahil sa galit na pinapakita niya!
“Niloko niyo ako!”
Nabingi ako sa sigaw niya sa akin habang sinasakal ako. Nagulat din ako sa sinabi niya at patuloy pa rin ako sa pagkalas ng mga kamay niya ngunit bigo ako dahil hindi ko siya kaya!
“Kayo ni Jester! Pinatay niyo ako!”
Natakot ako sa pag-aalab ng mga mata niya sa galit. Ilang sandali ay kumulog ang langit kasabay ng pagbukas ng pintuan at pagpatay ng mga ilaw sa loob! Tanging mga mata lang niya ang nakikita ko. Madilim sa labas at wala akong takas sa demonyong kaharap ko!
Ito na ata ang katapusan ko!
“S-sino k-ka at bakit mo binanggit si Jester!”
Lakas loob kong naitanong kahit na nahihirapan na ako dahil sa pagkakasakal niya sa akin! Hindi ko na kaya ang sakit ng pagkakasakal niya!
“Niloko niyo ako at pinatay! Hindi mo ba ako nakikilal, Patricia!”
Nahindik ako ng kumurap-kurap ang mga ilaw sa loob at pag-iba ng anyo ng mukha niya! Tsaka ko lang napagtanto ang kababalaghang bumabalot sa apartment na ito at ang pagpapakita niya sa akin!
“E-Elain!” sabi ko at tinapon niya ako sa pader!
Tumama ang likod ko sa matigas na bahagi ng simento, sa sobrang sakit ay hindi ako nakatayo agad. Papalapit ang mga yapak niya sa akin at nakakabingi iyon.
“H-hindi ako ang pumatay sa’yo!”
Tumawa siya at nakaramdam na naman ako ng takot lalo ng may hawak siyang matalim na bagay at isang lubid. Anong gagawin niya?!
“A-anong gagawin mo!” natatakot at kinakabahan kong tanong sa kanya.
Tumayo ako at umambang lumabas ng hawakan niya ng sobrang higpit ang buhok ko kasabay ng pagtilapon ko sa kama!
“Parang awa mo na! Wala akong kasalanan sa mga nangyari sa’yo! Ilang taon ng dumaan, Elaine! I-iyong lalaking nakamaskara ang pumatay sa’yo, nasisigurado kong siya at hindi kami ni Jester!”
Nahindik ako ng sumigaw siya ng sobrang lakas at nagliyab ang mukha! Nabitawan niya ang patalim at ang lubid. Sa ganoong pagkakataon ay tumakbo ako ng mabilis kahit na rinig ko pa rin ang sigaw niya at nakakabingi sobrang iyon. Hanggang sa nawala ang tawa at napalitan ng mga mabibigat na mga yapak. Tinakbo ko pa rin ang hagdanan pababa ng makita ko siyang nasa pintuan, nakalutang, wasak ang mukha’t umaagos sa dugo!
“L-layuan mo na ako, Elaine!”
Hinawakan ko ng mahigpit ang kuwentas kasabay ng pagtapon ko nito sa kanya!
Nawala siya sa ere at bumalik paisa-isa ang mga ilaw sa loob kasabay ng pag-ihip ng malakas na hangin sa labas. Umuulan pa rin at kumukulog ng sobrang lakas. Kinuha ko ang kuwentas at hinanap ng buong tingin si Elaine ngunit wala na siya.
Nanghihina ako sa mga nangyari. Umiyak ako kasabay ng pagluhod ko sa simento. Hindi ko na alam ang gagawin...
Tapos na ba...
Sana ay tapos na...
BINABASA MO ANG
Over Time (COMPLETED) ®🔞+ #StandAlone
KorkuR-18 read at your own risk ♥️ --- *WARNING* Synopsis; The past is hiding in the dark. She did not want to experience that but it happened and could not be stop. When she met the mastermind behind the dark, she was stuck again. And her life was in da...