Chapter 2
“Look at the camera baby... ready... one... two... smile... okay.” sabi ko sa isang anak ng costumers kong nasa five years old na babae.
Nandito ako sa studio ng opisina. Buti na lang at naabutan nila ako dahil gusto ko ng umuwi ng maaga ngayon.
Magkikita pa kami ni John iyong kaibigan kong umuwi ng Singapore. Natapos na din ang welcome back party para sa manager ko kahapon. Hindi na din ako masyadong nagpapagabi. Nakalipat na din ako ng bagong apartment.
Tatlong linggo na ang dumating ng hindi na muling nagparamdam sa aking panaginip ang lalaking nakamaskara at ang babaeng wasak ang mukha...
Pero... hanggang ngayon ay natatakot pa rin ako...
“Thank you Miss Suarez... ang gaganda talaga ng mga kuha mo...” sabi ni Mrs. Chang ng matapos kong i-print ang litrato ng anak niya.
“Thank you din Mrs. Chang...” Ngumiti ako at tuluyan na silang lumabas ng studio.
Isang katok naman ang narinig ko habang nagliligpit ng mga gamit para makaalis na.
“Sino iyan?” I asked, nervous at the same time.
Nakaramdan na naman ako ng kaba.
Umatras ako ng bumukas ang pintuan...
“Hey! Kanina pa akong kumakatok ni hindi mo man lang ako pinagbuksan.” sabi nito habang lumalapit sa akin at hinalikan ako sa kanang pisnge.
“H-hi John... I’m sorry. Hindi ko napansin saka kakaalis lang kasi ng last costumer ko at akala ko kung sino, ikaw lang pala John... nagliligpit pa ako... sa akin ba iyan?” sabi ko at kinuha iyong bulaklak na binigay niya.
“Yup for you honey...” ngumiti siya sa akin.
“Hmm... thanks John. So, saan tayo ngayon?”
“Date?” Ngumiti ito at nadala na din ako.
We talked nang nasa biyahe na. Madami din siyang kinukuwento tungkol sa buhay niya sa Singapore.
Sa isang sikat na Restaurant kami dito sa Dasmariñas niya ako dinala.
“Anong plano mo this summer? Over time na naman ba?”
Lumingon ako sa tanong niya. “Maybe...” sagot ko.
“I think dapat kang mag-rest. Sobrang busy mo na at wala ka ng time.”
Mukhang napapansin niya din iyon.
“Thank you sa concern... pero kailangan eh.” sabi ko.
“Maganda mag-hiking dito sa Pilipinas. Please... this summer sumama ka.” pangungulit niya.
“I’ll try... next month pa naman ang huling contract ko... so puwede...”
Tumango siya at ininom iyong wine niya.
“Okay... I know sa hiking adventure natin... mag-e-enjoy ka...” he said grinning.
Natapos ang dinner at hinatid ako ni John sa apartment. Kahit paano nakalimutan ko ang pagod sa napag-usapan namin kanina.
“Thanks sa paghatid...” sabi ko. Ngumiti ako sa kanya. Nagulat din ako ng halikan niya ako sa labi ng mabilisan.
“You’re welcome...” sabi niya at agad na pumasok sa driver seat ng sasakyan nitong bagong brand na Honda Civic. “Bye... Grace and sweet dreams...”
Kumaway ako ng tuluyan na siyang nakaalis.
Pumasok ako at tumungo sa kuwarto ko. Nakita kong nandoon si Patty sa kama at nakaharap sa dingding. Kumunot ang noo ko. Kaya tinawag ko siya.
“Hi baby...”
Agad naman siyang lumingon at bumaba sa kama. Kumakahol at inamoy-amoy niya ako. Umupo ako sa sahig para pumantay sa kanya.
“I miss you... sorry nakulong kita sa kuwarto magdamag... baka kasi lumabas ka na naman...”
Kumahol lang siya sa sinabi ko. Umupo din siya sa binti ko kaya kinuha ko ito at tumayo.
“So sweet... antok na ako... bukas na naman baby... pasyal tayo sa park.”
Sabado bukas at half day lang ako. Kaya naisipan kong iyon ang gagawin ko.
Isang oras ng matapos ako maligo ay natulog na ako. Mahaba-haba pa ang gagawin ko bukas pero kailangan ko ng sariwang hangin at pahinga...
Nasa isang beach resort ako ngayon at nakatanaw sa papalubog na araw...
Nakangiting tumingin ako sa taong mahal ko na papalapit na sa akin...
“Hi baby...” Yumakap siya sa likod ko at humalik sa kanang pisnge ko. “Naalala mo pa ba ‘yong una mo akong sinagot?” Tanong niya sa akin.
Ngumiti ako at pinagsalikop ang mga daliri namin. At ibinalik ang tingin sa papalubog na araw.
“Naalala ko pa... until now... thank you for loving me... I love you...”
Lumingon ako sa kanya...
Ngunit...
Iyong mukha ng lalaking nakamaskara ang nakita ko!
Napabalikwas ako ng gising ng tumunog ang alarm clock sa tabi ko. It’s 6 am in the morning.
Bumangon ako at nagtungo sa kusina para uminom ng tubig. Habol ko pa rin ang hininga ko. Nananaginip na naman ako.
Hindi na tama ang nangyayari. Akala ko sa pag-alis at paglipat ko ay mawawala na ang masamang panaginip na iyon pero hindi pala at natatakot na ako ng sobra...
BINABASA MO ANG
Over Time (COMPLETED) ®🔞+ #StandAlone
HorrorR-18 read at your own risk ♥️ --- *WARNING* Synopsis; The past is hiding in the dark. She did not want to experience that but it happened and could not be stop. When she met the mastermind behind the dark, she was stuck again. And her life was in da...