Lihim...

1.2K 33 0
                                    

Chapter 9

Sigurado ka ba diyan sis?

Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ng kaibigan ko. Nasa hapag kami ngayon at kumakain. Nasa apartment ako ng kaibigan ko dahil ito din ang gusto ko. Gusto kong ikuwento sa kanya ang totoo. Ang buong storya sa likod ng mga kababalaghan na nangyari. At ang natuklasan ko sa kapatid ko ay nasabi ko na din sa kanya.

First day of month ng June ngayon. Malapit ng mag-end ang contract ko. Gusto ko sanang sabihin sa boss kong i-extend pa ako lalo nang may mga bagay din akong gustong malaman kung bakit gusto niyang ipalit si Pau sa akin. Isa pa ang iyon. Hindi ko alam kung totoo ba ang sinasabi ni Tiffany o hindi. Dahil sa ngayon kailangan ko ng mga pruweba. Gusto ko ng maghilom ang sugat sa nakaraan. Ang lihim ng mga magulang ko. Ang lihim nila sa akin.

Nag-browse ako ulit sa Skype tulad ng dati ay online ang kapatid ko. Sinagot niya naman agad. Gamit ko ang laptop ni Sherry. Kabado ako sa maaaring malaman tungkol sa buong katotohanan sa sampong taong nakalipas.

“Hi, Tiffany. bati ng kaibigan ko na nasa tabi ko lang. Ngumiti lang ang kapatid ko sa kanya. At bumaling sa akin.

Nasa sala kami ngayon at tapos ng kumain.

“Si Mom and Dad?sabi ko ng deretso.

Nakuha naman niya ang ibig kong sabihin. Marahil ay nakuwento na niya ito sa kanila. Pati ang napag-usapan namin.

Saglit siyang lumabas ng kuwarto at bumalik din agad na kasama si Mommy. Pero wala si Daddy.

Hi Mom. It’s 8 am in the morning here in Philippines. Nasaan po si Dad?

Inayos niya ang puting robe na suot bago umupo sa tabi ng kapatid ko. Nami-miss ko siya lalo pero kailangan ko ng malaman ang lahat. Hanggang nandito ako sa Pilipinas. Hanggang may pag-asa pa at matapos na itong mga bumabagabag sa akin.

“Nasa isang kaibigan hija at mamaya pa iyon. sabi niya’t nag-iwas ng tingin sa akin. Ramdam kong may tinatago si Mommy. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Wala ka dito. Hindi ko alam k-kung babalik ka pa ba pagkatapos nito—”

Pinutol ko siya. Mom. Direct me to the point. sabi ko.

“Huwag kang bastos Ate please...” si Tiffany at nag-iwas ng tingin sa akin. Kagabi pa niya nahahalatang galit ako sa mga lihim nila sa akin.

Hindi ko lang napigilan ang sarili.

I-im sorry, mommy. Please. Sabihin niyo na sa akin...” sabi ko at pinunasan ang namumuo kong luha dahil nagbabadya itong tumulo.

She sighed. 10 years nang bago mamatay si Jester ay nakausap ko ang mga magulang niya. Iyong araw ding iyon ang pagpunta ninyo sa Palawan. Nalaman namin ang gusto niyang mag-propose ng kasal sa’yo. Alam at kilala mo ang mga magulang nila. Madumi maglaro ang mga iyon...”

Ang tinutukoy niya ay ang mga magulang ng taong pinagkakatiwalaan ko.

“Si Rafael at Elizabeth ang nagsabi sa amin ng totoo na matagal ng panahon ka ng niloloko ng nag-iisang anak nila. Bago ka niya nakilala ay may relasyon na siya sa babaeng iyon...”

S-sino, mom...” Namaos ang boses ko sa tanong ko. Pinipigilan kong huwag umiyak. Pero hindi ko kaya.

Dinaluhan ako ni Sherry at binigyan ng tubig.

Elaine Devera...”

Doon na ako umiyak ng tuluyan.

Hindi ko halos maisip na sa sampong taon. Hanggang ngayon ay may dahilan kung bakit hindi ako makalimot sa nakaraan. Dahil hanggang ngayon ay siya pa rin. At kahit wala na siya ay siya pa rin pala ang dahilan ng lahat ng ito. Sampong taon kong sinisisi ang sarili kahit hindi ko dapat gawin iyon. Ang mga lihim ang gumagawa ng sakit sa akin. Ang nagpapagulo lalo sa isipan ko.

Humagulhol ako. Nakita kung pinunasan din nila ang mga luha sa mga mata.

“No. B-bakit wala akong alam? B-bakit ngayon pa?”

Three months ng buntis si Elaine ng iwan siya ng nobyo mo. W-wala siyang kamalay-malay na niloloko siya ni Jester. Nagsisimula pa lang kayo ay sila na, hija...”

B-bakit wala man lang silang sinabi sa akin? Sana sa akin na lang nila iyon sinabi! Galit na ako ngayon! At tumaas na din ang boses.

“Hindi ka gusto ng mga magulang nila ng maging kayo dahil si Elaine lang ang gusto nila para sa anak nila. Nang nalaman nilang buntis ito ay hinanap nila si Elaine. P-pero hindi na nila ito makita...” Bumuntong-hininga siya at nagsalita ulit. Natagpuan ang bangkay nito... s-sa kuwarto niya... duguan... at m-mukhang wasak ang mukha n-nito ayon na rin sa balita, hija. Hindi nahuli ang gumawa n’on sa kanya...”

Tumigil ako sa pag-iyak ng marinig iyon kay Mommy. Nagulat ako. Sino ang gagawa ng karumal-dumal na pagpatay kay Elaine... Sino ang pumatay sa kanya. Nakaramdam ako ng awa sa anak niya. Kung sa akin iyon nangyari ay hindi ko mapapatawad ang gumawa sa kanya ng ganoon.

Hindi ko po matanggap ang nangyari mom. Ilang taon ko ng sinubukang kalimutan ang lahat pero hindi ko magawa. K-kaya ba isinama ninyo ako sa Canada...”

Tumango siya. Ilang minuto ang naging katahimikan sa amin nang magpasya akong magpaalam.

B-babalik ka pa ba anak...” Ngumiti siya na may halong pagsisisi sa mga mata.

S-subukan ko... may tatapusin lang ako mom...” dahil hahanapan ko ng tamang kasagutan ang lahat ng ito.

 Over Time (COMPLETED) ®🔞+ #StandAloneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon