Paghihiganti...

1.1K 29 0
                                    

Chapter 17

Gulantang pa rin ako sa mga nalaman ko. Nandito pa rin kami at kasulukuyang kinakaharap ang bangungot na bumabalot sa paghihirap taong dumaan.

Patricia!sigaw pa rin sa akin ni John, ang taong pinagkatiwalaan ko sa buong buhay ko. Hindi ko lubos maisip na magagawa niya ito sa akin.

Mike! Huwag mong sabihing maghihiganti ka!" sigaw ni Pau na nakikita kong takot ang mukha. “We should go!”

Mauna na kayo, isama mo si Patricia!

Kita ko ang galit sa mukha ni Mike. Hindi pa rin mawala sa isipan ko ang mga nalaman.

Hindi! sabi ko at sumigaw na din.

Napatingin kami sabay-sabay sa demonyong nasa harap na namin.

Pauline... Mike... Mukhang may celebration na magaganap,”

Tumawa siya kasabay ng pagkulog at pag-ulan, kinabahan ako lalo. Kapag bumaba kami ngayon sa bundok ay mahihirapan kami dahil sa putik!

Fuck you, John! Ilang taon na ang lumipas ay nakuha mo pang magpakita! si Pau, nagpupuyos ang galit sa mukha. Tell me, isinanla mo ba sa demonyo ang kaluluwa mo kaya pinatay mo ng ganoon ang kapatid ko!

Tumatawa lang si John habang humahakbang papalapit sa amin. Hawak pa rin niya ang palakol na siyang nagpapatakbo ng kaba sa dibdib ko! Lumapit pa siya lalo at ganoon na lang kabilis ang paglapit ni Mike sa kanya!

Mike!” sigaw namin ni Pau ng sabay. Sa gitna ng liwanag ng buwan, siyang tanging ilaw sa madugong away ng dalawa!

Pau, anong gagawin natin!

Tiningnan ko siya at mukhang nag-iisip din ito. Ni hindi ko magawang kumilos at mag-isip ng tama dahil sa labis na takot.

Nasaan ang binigay ng matanda sa’yo!

Naguluhan ako sa tanong niya. Kinapa ko ang leeg ko ngunit wala doon ang anting-anting!

W-wala dito sa leeg ko, Pau! I lost it! Nandito lang iyon kanina!

I panicked.

Hinilot niya ang kanyang ulo. Kita pa rin namin ang pag-agaw ni Mike ng palakol at ang pagsipa sa kanya ng malakas ni John! Tumalsik siya sa puno dahilan ng pagtusok niya sa matulis na kahoy! Nahindik ako sa nakita!

Mike!sigaw ko. Gusto kong lumapit sa kanya ngunit pinigilan ako ni Pau.

She shocked at hindi alam ang gagawin. Natataranta na kaming dalawa, kung ano ang kukunin, lalapit o tatakbo.

T-tumakbo tayo!she’s panicking!

Panay pa rin ang kaba ng dibdib ko at naaawa na ako sa lagay ni Mike. Matinding bangungot ang bumabalot sa gabing ito at gusto ko ng magising!

Hell no! Tulungan natin si Mike!sigaw ko kay Pau.

Pumiksi ako sa pagkakapit niya para pigilan ako sa balak. Mabilis kong kinuha ang isang kutsilyo sa bag ko. Tahimik akong lumakad sa kinaroroonan ni John dahil nakatalikod ito at ano mang sandali ay tutuluyan na niya si Mike!

Rinig ko ang tawa niya kasabay ng pagsaksak ko sa likod niya ay ang kinatigil niya sa gagawin! Napabitaw ako sa takot at panginginig ng kamay dahil mula sa likod ko siya sinaksak! Kasabay ng paglingon at paghablot niya sa akin ay sinasakal niya ako sa leeg! I can't breath properly, at hindi makapagsalita sa pagkakasakal niya sa akin! Bumabaon pati ang mga kuko niya sa leeg ko at ramdam ko na ang hapdi doon!

Papatayin kita! At isusunod kita sa hukay ni Jester!sumisigaw siya kasabay ng pagtama ng kidlat sa puno!

John!sigaw ni Pau. At kita ko sa gilid ng mata ko ang paghakbang niya patungo sa kinaroroonan namin! Gusto ko siyang pigilan at umalis na lang!

Pauline Devera!” ani John at tinapon ako sa lupa! Sumadsad ang likod ko kasabay ng pagtama sa bato!

Stop the revenge, John! Marami ng taong nadamay dahil sa kagagawan mo! Dinamay mo ang pamangkin ko! Paano mo nagawa ang bagay na iyon dahil sa pagmamahal sa kapatid ko?! Hayop ka! Demonyo!”

Lumapit si Pau dala ang isang patalim! Nahindik ako nang sinugod niya si John at pilit lumalaban ngunit pinigilan lang siya nito at marahas na pinalo ng palakol! Napasigaw ako sa nakikita ko ng bumulwak ang dugo sa ulo ng kaibigan ko!

John! Parang awa mo na!

Umiiyak ako habang pilit na tumatayo dahil sa panghihina. Kita ko ang isang bagay na kumikinang sa isang dahon at malapit ito sa kanya! Iyon ang bigay sa akin ng matanda!

Maghihiganti ako sa gusto ko at gusto ko kayong mamatay ngayon din!

Dahan-dahan siyang lumalapit sa akin. Tanaw ko naman si Mike na gumalaw at pilit na tumatayo. Inabot niya ang isang patalim at agad na sinugod si John na papalapit na sa akin! Hinablot niya ng mabilis ang kanang paa ko dahil aamba akong tatayo at tatakbo!

B-bitawan mo ako!

John!”

Kita ko ang paglapit ni Mike at saka tinisok niya ng matulis na bagay si John sa dibdib! Napasigaw ako dahil sa takot at dugong lumabas sa kanyang bibig!

Ilang sandali ng mapaluhod siya at ang tanging nakita ko lang ay ang pagdapa niya at dilat ang mga mata! Patay na siya!

Humagulhol ako dahil sa sobrang traumang naramdaman. Huminto ang ulan ngunit may kulog pa rin sa langit. Kita kong umungol si Pau at nanghihinang gumalaw. Tinulungan naman siyang itayo ni Mike.

Tapos na... she said habang nakakapit kay Mike. Sumasakit ang ulo at may dugo pa.

I’m scared...” bulong ko, nanghihina at sobrang natatakot pa rin.

Lumapit sila sa akin at niyakap ako ni Mike. Binigay niya sa akin ang anting-anting na kanina lang ay naiwala ko. I don't know what the purpose of this but thanks to god at tapos na ang mga paghihirap ko ilang taon ng bangungot sa buhay namin...

 Over Time (COMPLETED) ®🔞+ #StandAloneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon