Chapter 5
“Wake up baby...”
Gising sa akin ng isang boses...
Ngumiti siya sa akin...
Totoo ba itong nakikita ko..
Nasa bohol kami ngayon at tanaw ko ang kagandahan ng bayan sa ibaba... nakahiga ako sa mga hita niya habang pinagmamasdan niya ako...
Ngumiti ako sa kanya at nagsimulang humikbi...
Hindi ko alam kung panaginip lang ba ito pero gusto ko siyang hawakan...
Mayakap at sabihing mis na mis ko na siya...
Pinunasan niya ang luhang nahulog sa pisnge ko..
“I miss you..” bulong niya sa akin.
Ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko. Nanaginip ba ako... Sana ay hindi...
“I miss you so much...” sabi ko at yumakap sa kanya. Dama ko ang pagmamahal niya. Parang hindi ito panaginip.
Nang may sumigaw at lumapit sa amin...
Isang babae...
Maganda siya at hindi ko kilala...
“Fuck you, Jester!” sigaw ng babae kaya tumayo ang taong mahal ko.
"Shut up, Elaine!"
Kumunot ang noo ko at tumayo na rin at hinarap sila.
“A-anong nangyayari...” sabi ko at lumingon ang babaeng may pangalang Elaine sa akin.
“You’re a liar!”
Turo ng babae sa boyfriend ko. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang ang galit niya kay Jester.
“Huwag kang mag-eskandalo, Elaine! Matagal na tayong tapos!”
Lalo lang akong naguluhan sa mga nangyayari... ano ang ibig sabihin ni Jester...
“Ipagpapalit mo ako sa kanya?” turo ng babae sa akin. Napaatras ako. At kasulukuyang naguluhan. “Jes... bakit? Bakit mo ako niloko?!” sigaw niya ng tuluyan siyang lumapit sa boyfriend ko at yumakap.
Tinanggal lang ng boyfriend ko ang mga kamay niya.
Isang sampal ang kumawala sa kanang kamay ni Elaine. Naguguluhan ako lalo sa nakikita sa kanila.
Napasinghap ako doon at nanuot ang aking galit. Gusto kong magsalita ngunit walang lumalabas sa bibig ko.
“Hindi na kita mahal! Matagal na!”
Nagulat ako sa sinabi ng taong mahal ko. Umiiyak na din ngayon si Elaine. At lumuhod sa harapan ng boyfriend ko.
“I’m pregnant... Three months, Jes... I’m still in love with you... Please say that you love me... at hindi ang babaeng iyan... please bumalik ka... please...”
Humagulhol na siya at yumakap sa mga binti ng taong mahal kong nagtaksil sa akin.
Hindi ako makapaniwala sa mga nangyari...
Hindi magagawa sa akin ni Jester ang bagay na ito...
Ako lang... ako lang ang mahal niya...
Ako lang...
Umiiyak na ako dahil sa rebelasyong nalaman ko. Bakit Jes... bakit....
Nagising ako sa yugyog sa balikat ko. Dumilat ako at nakita ko si John na nag-aalala ang mukha.
“Thank God. Nagising ka...” Yakap-yakap niya ako at panay halik sa noo ko.
Yumakap din ako sa kanya at humikbi.
Dumating naman ang sasakyan ni Sherry na nagpalingon sa akin. Agad siyang lumabas doon.
“Oh my god, Patricia! W-what happened?!” tanong niya sa akin ng tuluyan siyang makalapit. Lumabas ako ng sasakyan ng nanghihina. Mabuti na lang inalalayan ako ni John.
“Tumawag si John sa akin dahil hindi niya alam ang building na bagong nilipatan ng boss mo!” sabi nito sa akin.
Ngayon ko lang napagtanto na lumipat kami ng building dahil sa nagsara ang inupahan ng boss ko. Nawala sa isip ko ang ganoon.
“S-sorry, John. And thank you dahil nakarating ka..." Humikbi ako at yumakap sa kanya.
Nag-aalala silang dalawa ni Sherry sa akin. Kung wala sila ay wala na ako ngayon.
Mag alas-tres na din ng umaga. Nang maalala ko kanina ay balak kong mag-overtime na naman.
Kahit wala akong pasok ay pumasok pa rin ako dahil sa itinawag sa akin ng kaibigan kong si Pau. Na isang photographer din. Kung hindi lang importante ay hindi ako aalis. Dagdag pa ang hindi ako makatulog.
Gusto kong hiramin iyong mga shots niya dahil kailangan ko ng copy para sa isang meeting na magaganap ngayong lunes. Gagawin kong presentation iyon. Alam kong gusto din niyang makilala ang gawa niya.
“Mabuti pang umuwi na tayo. At sa condo ka na muna uuwi ngayon...” ani John. At tumango ako.
“Rest time bukas, Patricia. Gabi ng sabado at anong pumasok sa ulo mo..." sermon ni Sherry habang binubuksan ang pintuan ng sasakyan nito.
“Kuwento ko na lang sa’yo b-bukas...”
Dahil ngayon ay gusto ko na lang umiyak ng umiyak dahil sa mga nalaman ko.
Nakauwi na kami sa condo ni John. Umuwi din si Sherry sa kanila ng magpaalam sa amin. Alam ko bukas ay magkikita din kami.
Nakatulog din ako. At hindi na ulit nag-isip pa ng mga nangyari kanina. Until now... ramdam ko pa rin ang sakit dulot ng panaginip na iyon.
Hindi ko alam kung totoo ba ang mga iyon. Ngunit dahil din sa nangyari ay kailangan ko ng pruweba sa lahat...
Lalo na sa panaginip na iyon...
BINABASA MO ANG
Over Time (COMPLETED) ®🔞+ #StandAlone
HorreurR-18 read at your own risk ♥️ --- *WARNING* Synopsis; The past is hiding in the dark. She did not want to experience that but it happened and could not be stop. When she met the mastermind behind the dark, she was stuck again. And her life was in da...