Chapter 2

126 10 15
                                    

"Friend tara na sa canteen" life saver ko talaga tong si Jaydie. Buti nalang hinila na niya ako palabas. Nanginginig talaga tuhod ko.

"Ang gwapo niya talaga" wala sa isip kong sabi.

"Ang obsess mo sa kanya"

"Grabe naman yang obsses, di ba pwedeng gusto ko lang siya? "

"Asuus kunware pa to"

"Di nga" pagtanggi ko. Ewan ko ba sa babaeng to di kaya ako obsses sa kanya slight lang hahaha.

Bumili na kami ng makakain sa canteen. Hindi pa naman recess time pero kumakain na kami. Wala naman kasing klase dahil may pinuntahan daw ang teacher namin.

"Punta lang ako sa boyfie ko. See ya" tingnan mo to iniiwan ako nang makita niya boyfriend niya.

Lumapit siya sa table kung saan nandoon sina Kuya at ang barkada niya. And kung hindi niyo natatanong si Kuya Lyndon ang sinasabing boyfie ni Jaydie. O kitams.

Kaya mag isa akong kumakain dito sa table ko. Kainis tong babaeng to.

"Ba't ayaw mong lumapit? " natapon ko lahat ng juice na iniinom ko ng magsalita bigla si Kuya Tristan. Pasulpot sulpot eh.

"Anong ginagawa mo dito? Baka makita nila tayo. Nakoo mahirap na baka sabunutan ako bigla ng mga babae mo! " pabulong kong sabi ni kuya.

"Eh tayo tayo lang naman andito ah?"

"Eh diba hindi alam ng barkada niyo na kapatid niyo ako? "

"Oo nga"

"Eh ba't ka andito? "

"Tinatanong lang naman kita na ba't di ka lumapit dun sa kaibigan mo. Andun oh" tinuturo turo pa niya gamit nguso niya.

"Ayoko tsaka pwede ba umalis kana, magbibihis na ako tignan mo tong ginawa mo oh! Basang basa na ako Kainis talaga! " tsaka tumayo na ako.

"Suus ang sabihin mo nahihiya ka lang sa crush mo kaya ayaw mo lumapit"

Tiningnan ko ulit ang table nila kuya at nakita ko si Dominic my loves. Omg. Di pwedeng makita niya akong ganito!

Kaya tumakbo na ako papuntang locker ko at nagbihis na sa Cr.

Pagkatapos kong magbihis dumiretso na ako sa Classroom. Eh pano ba naman kasi iniwan ako nung lukaret na yun. Iisa na nga lang kaibigan ko pinagkaitan pa. At 2 years na nga pala yan sila kuya at Jaydie. Ang tagal diba? Eh sa mahal nila isa't isa eh. Kahit naman baliw yan si Kuya Lyndon seryoso pa rin yan kapag mahal na niya ang pinag uusapan. Si Kuya Tristan naman itong napaka babaero. Ewan ko ba sakanya. Ayaw gumaya kay Kuya Lyndon.

Ako? Eto nag iisa sa isang sulok. Hahaha di biro lang. NBSB ako eh pano ba naman nung 1st year highschool lang naman ako nagkamalay sa crush crush na yan. Ang weird diba? Kaya eto hanggang ngayon inosente pa rin sa pag ibig. Bakit ba kasi hindi ako pinapansin ni Dominic eh maganda naman ako tsaka matalino, sporty, maganda ulit. O diba bagay na bagay kami. Gwapo siya, medyo matalino at sporty. Perfect match kaya yun.

Habang nasa kalagitnaan ako sa pagdradrama ko napansin kong nagsitalunan ang mga classmates ko. Ang saya nila ah. Anong meron?

"Friendshiiiiip!" At bigla naman itong sumulpot. Ang ingay sa tenga ah.

"O bakit? Ano bang meron? "

"Ano ba naman yan ikaw itong nasa classroom tapos wala kang alam? "

"Eh ano kasi.. "

"Magkakaroon tayo ng field trip. At alam mo ba kung saan? "

"Field trip? Napaaga ata yun ah, eh October pa lang tayo ngayon. Tsaka saan naman? "

"Sa favorite place natin friendship, sa Baguio! "

"Talaga?! " biglang lumiwanag ang mukha ko sa nalaman ko. Omg!

"Yep. Yun nga lang 3rd year at 4th year lang ang kasama. May nag invite kasi satin na pumunta sa Baguio to be their first tourist visitor. Dun sa bagong hotel na pinatayo nila doon. Yung may-ari kasi nun yung co-partner ng may-ari dito sa school natin. Odiba?  Big time to. Tsaka konti lang daw mababayaran natin"

"Hindi ba yun libre? " Eh kahit pa mayaman kami. Eh umaasa pa rin kami sa libre no!

"Medyo. Di naman pwede libre lahat malulugi yun no! "

"Omg frieeend. Excited na akoo" goal kasi namin talaga pumunta sa Baguio ni Jaydie na magkasama. Kaya dream come true talaga to.

"Sasama kaya si Dominic mo? Eh hindi naman yun sumasama sa mga outing ng school, kahit pa pilitin yun"

Napaisip tuloy ako. Sana sumama naman siya sa pagkakataong to.

––

Ano sa tingin niyo guys? Sasama si Dominic o hindi? 

Fool AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon