Everytime na gumigising ako sa umaga ito ang madadatnan ko.
"Hooooy! Gising na malelate na tayoooo! " O kitams ingay ingay sa maganda ko sanang umaga. Yan yung kuya ko si Kuya Tristan.
Baliw yan, ay! well hindi pala, kami pala magkakapatid ang mga baliw. Nasa lahi na siguro.
"Oo nga Baby gising na dyan baka hindi tayo papasukin sa gate sige ka" ito naman si Kuya Lyndon, baliw rin pero di masyado.
Siya yung medyo mature sa amin. Medyo lang naman. Hahaha. At saka yung parents ko mga baliw rin yun, sila yung nangunguna sa lahat ng kabaliwan namin. Kaya nga ang ingay ng bahay namin.
At ako naman si maganda na dyosa hahaha de joke lang. Eto na, I am Treena Baby Isidro. Panget ng name ko di bagay sa mala-gorgeous kong mukha, ewan ko ba sa parents ko kung ano ano nalang naiisip tsaka Baby pa talaga ang second name ko dahil sabi nina mommy at daddy na ako na ang panghuli daw nilang anak at nag iisang babaeng anak kaya Baby nalang daw. Hay nako talaga sila. Nakakastress ng beauty.
"Mamaya na kaka 6 am lang oh" eh 8 o'clock pa naman class namin. Kainis talaga sila dinadamay pa ako.
"Gising na! "
Bigla ko nalang naramdaman na may humihila sa mga paa ko at hinihila nila ako pababa sa bed.
"Tigilan niyo nga ako" nakapikit pa rin ang mga mata ko.
Binuhat naman ako bigla ni kuya Tristan na parang sako papuntang Cr kaya napamulat na mga mata ko. Nakita ko may dala dala nang tuwalya si Kuya Lyndon. At bigla akong binagsak ni kuya sa sahig at ang sakit ng puwet ko. Ginaganyan talaga nila ako araw-araw kaya namumuro ang puwet ko. Nakooo.
"Urrrghh!" dahil sa sobrang inis ko nabagsak ko ang vase rito sa Cr. Eh bakit ba kasi may vase kasi rito.
"Hala! Lagot ka ni mommy." -kuya Tristan.
"Bwuhahaha papaluin ka ni mommy sigurado" -kuya Lyndon at nagtawanan silang dalawa paalis.
Dumating naman si yaya para linisin ang kalat at naligo na rin ako pagkatapos. Kala niyo naman matatakot ako ni mommy eh bff ko yan. Bwuhahhaaha.
After kong maligo at magpaganda bumaba na ako para kumain pero binuhat na naman ako ni kuya Tristan na parang sako papuntasa sasakyan namin.
"Ano ba kuya! Ibaba mo nga ako, nahihilo ako sa ginagawa mo eh! "
Tsaka binaba na niya ako sa backseat.
"Eh kasi ang bagal mo 7:30 na oh! Ang tagal mo talaga!" pagreklamo ni kuya.
Aba siya pa ang nagrereklamo eh ako pa nga tong walang kain. Kumukulo na talaga ang tiyan ko.
"Hindi man lang kayo nagbaon ng pagkain para sa kin?! " tanong ko sa kanilang dalawa. Nasa gitna ako nila dahil yung driver namin yung nagdadrive.
"Hindi eh bakit ka ba namin dadalhan? " sumbat ni kuya sa kin.
Kainis to, kaya tumahimik nalang ako sa inis ko.
"De biro lang may dala kami syempre hahaha" at nilabas ni kuya Lyndon ang sandwich na dala niya.
Kinain ko naman agad. Eh nagugutom ako ano ba. Atsaka napaka masiyahin talaga yang si kuya Lyndon pero inanaway din niya ako minsan. Ang pinaka nag aaway sa akin ay itong katabi ko sa kanan. Eh sino pa ba edi si kuya Tristan. Hmmp.
"Thank you kuya" tsaka ko nginitian si kuya Lyndon.
"Sus wag ka ngang pa cute hahaha" at nag apir pa ang dalawa.
Bahala nga sila nakakasira ng araw eh.
--
"Uy babae nakita mo na ba?" tanong ng girl friend ko, as in bestfriend. Siya naman si Jaydie.
"Ang alin? "
"Si Dominic!"
Nang marinig ko pangalan niya bigla akong namula at kinilig. Syempre crush na crush ko yan ever since nagsimula akong mag highschool 3 years ko na siyang sinusundan pero hindi parin niya ako mapansin pansin. Hmmp eh pano ba naman sobrang popular niya kasing popular ng mga Kuya ko. Oo popular sila samantalang ako halos naaapakan na ng hindi napapansin. Mas pinili ko kasing wag magpakilala bilang kapatid nung mga baliw na yun. Ayokong maging popular. Pero parang nagsisi na ako ah. Haaay.
"Hindi eh" tumayo na ako sa upuan ko para pumunta sa canteen ng mabangga ko si...
Dominic....
Omg siya ba talaga tong nasa harap ko. Ang puso ko maygash.

BINABASA MO ANG
Fool Again
Fiksi RemajaTreena is surrounded by foolish people. She has no idea that in the very beginning she was fooled by her own family. She thought her life was perfect till the day has come that all this time her life was a mess, a disaster... a terrible disaster. S...