Chapter 11

38 5 0
                                    

"Mommy! Daddy! "

"Nasaan kayo?! Ang dilim"

Patuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa may tumama sa ulo ko't ako'y natumba.

"Tulong" nanghihina kong sabi.

~

"Tulooong!" napabangon ako sa sobrang kaba.

"Treena anak. Nanaginip ka lang anak" tugon ni mommy.

Napakamasamang panigip.

Napansin kong hindi ko ito kwarto. At ang huli ko lang naalala ay nung naiwan akong mag isa sa isang madilim na school.

"Bakit ako nandito? " tanong ko kay mommy.

"Nako buti nalang talaga napuntahan ka kaagad ng mga kuya mo. Kundi tegi kana talaga" sabi ni mommy. Biglang nanlaki ang mata ko.

"Hahaha di biro lang. Pangit ng mukha mo hahaha"

"Maaa hindi ako nagbibiro" inis kong sabi ni mommy.

Kinwento ni mommy ang nangyari sa akin. Naabutan daw nila ako nina kuya na nakahandusay sa sahig sa Dean's office at sinugod agad dito sa hospital.

"Nasaan nga pala sina kuya? "

"Edi malamang anak pumunta sa school at pinagalitan ang nagparusa sayo at binugbog at–––"

"Whaaaat?! " pagputol ko sa mga sinabi ni mommy.

"Hahahah laughtrip talaga yang mukha mo nak. Hahahaha di biro lang pumasok lang ng school wag kang ano jan"

"Nakakainis ka talaga mommy"

"Gusto ko lang ilight up yang mood mo. Eh kanina kapa umiiyak habang natutulog ka"

Pagkatapos nun lumabas muna saglit si mommy para bumili ng makakain. Humiga nalang ako at kinuha ang phone. Nakita kong mga missed calls at messages galing sa kuya ko at sa nag iisa kong bestfriend.

From: Jaydie

Kmusta kana? Okay ka na ba?

Get well 😘 love kita kahit di naman.

From: Tristan unggoy

Hoy! Huwag kang magpaka Sleeping Beauty jan hindi ka maganda kaya gumising kana't pumasok ka na.

Nireplyan ko si kuya.

To: Tristan unggoy

Haynako kuya ang sabihin mo lang namimiss mo ko jan 😝

Nadischarge na ako't umuwi na sa bahay. Nagpahinga ako pagdating sa bahay. At kinabukasan pumasok na ako sa school pero di ako sumabay sa mga kuya ko. Maaga akong gumising kaya di na ko sumabay sa kanila.

Nasa may bench lang ako sa school namin. Konti palang ang mga tao dahil sobrang aga pa. Habang nagmuni muni ako may biglang tumabi sa kin. Tinignan ko kung sino tong tao na to at nakita kong ito sa "pamilyar" pala.

Parang nag muni muni lang din siya.

"Hi bago ka lang ba dito? Or hindi? Pero parang pamilyar na ang mukha mo eh. Siguro matagal kana dito di lang kita napapansin" hindi siya humarap sakin diretso pa rin ang tingin niya. Ba't ba ang daldal ko. Yan tuloy na heardzone ako.

Nanahimik nalang ako sa kahihiyang nagawa ko. Kala mo naman to kagwapuhan. Ilang sandali pa nagsalita siya.

"Bago lang ako dito. I'm uhh... Jerry" naglahad siya ng kamay sa harap ko.

"Treena" at nakipagshake hands na sakanya. Sobrang pamilyar niya talaga pati sa pagsasalita niya. Pero pinagsawalang bahala ko nalang yun.

Nagpaalam na rin siya sakin pagkatapos nun. Kaya pumasok nalang ako sa classroom at nakita ko si Dominic na mag isang natutulog. Wow aga ng crush ko ah.

Umupo nalang ako ngunit parang napansin niyang may tao kaya umangat ang kanyang ulo't tiningnan ako.

"Good morning " tsaka nginitian ako.

Ngumiti ako ng malaki sa kanya. Yung kita na yung gilagid at bagang ko sa kakangiti sa kanya. Hahaha di biro lang. Yung ngiting pabebe lang ginawa ko.

"Good morning din" tsaka bumalik na siya sa pagtulog niya.

Nagklase lang kami at pagkatapos naglunch na kaya lumabas agad kami ni Jaydie. Pumunta muna kami sa may locker namin.

"Bes alam mo ba kung anong nangyari kanina? Like omg" patili kong sabi kay Jaydie.

"Bakit mo ko tinatanong ako ba yong nasa nangyari? "

"Kainis naman to. Eto na. Sinabihan ako ng good morning ni Dominic kanina" tili ko na naman sa kanya.

"Omg! totoo? " di makapaniwalang tanong ni Jaydie.

"Yaaah. At alam mo nginitian niya ako. Tapos ang ganda ng mga ngiti niya tapos kung tingnan niya ko parang matutunaw na talaga ako" biglang nag iba ang expression sa mukha ni Jaydie na parang nakakita ng multo sa likod ko pero patuloy pa rin ako sa pagkekwento.

"Sobra sobrang gwapo talaga ni Dominic kaya nga crush na crush ko siya. Pero alam mo di na rin ako umaa––" biglang naputol ang pagkekwento ko nang may nagsalita sa likod ko.

"Crush mo ko? "

Bigla akong namutla sa narinig ko.

Fool AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon