Sa kalagitnaan ng biyahe bigla nalang ako ginutom, kaya kumuha ako ng makakain sa bag ko. Syempre dapat laging ready lalong lalo na kung pagkain. Buahahaha
Si Jaydie naman na katabi ko ngayon, tulog na tulog, grabe kung maka nganga halos tumutulo na laway niya. Nakakahiya tong katabi, hindi man lang naconscious na andito yung boyfriend niya.
--
At sa wakas nakarating na kami ng Baguio. Omg! Sobrang ganda talaga dito at ang lamig ah.
"Treen tara picture muna tayo! " excited na sabi ni Jaydie.
Pagkababa't pagkababa namin sa bus nag picture kami agad ni Jaydie. Ang ganda talaga! Parang gusto ko nang tumira dito. Habang sinisimoy ko ang masarap na simoy ng hangin. May biglang umapak sa paa ko.
"Ouch! " ano ba naman yan! Ang laki laki ng daan pero nangangapak pa! Ganyan na ba talaga ako ka invisible para di nila makita?
"Sorry miss! " sabi ng lalaki. Humarap ako sa kanya ng makita ko ang mala goddess na mukha ni Dominic my loves ko. Omg! Sumama nga talaga siya!
"Uhm miss sorry ah. I need to go" -Dominic
"San––!" ....dali. Ba't mo ako iniiwan?!
"Anong tinutunganga mo dyan? Sino yung kausap mo? " singit naman ni Jaydie.
"Samahan mo ko" madrama kong sabi sa kanya.
"Saan?" takang tanong ni Jaydie. Habang nagrereklamo pa siya, hinila ko na siya paalis.
"Tek– teka! san tayo pupunta? Baka papagalitan tayo!" hindi na ako umimik at diretso naglakad paalis.
Jaydie's POV
Nakakairita talaga tong si Treena. Nababaliw na ata eh. Eh pano ba naman pumunta sa hospital at nagpapadextrose ng wala namang sakit. Inaaway away niya pa yung doctor dahil bawal naman talaga magpa dextrose kung wala kang sakit o kung ano man! Nakakahiya talaga siya!
"Hoy lukaret! Ano ba kasing nangyari sayo!? " inis kong sabi sa kanya. Imbes kasi ienjoy namin tong outing, andito kami sa ospital. Juskoo.
"Ayoko na talaga! Basag na basag na! " pagdradrama niya. Kanina pa niya yan sinasabi. Nakakainis talaga siya ha. Kaya tinext ko nalang ang boyfie ko at sinabing nandito si Treena sa ospital. Nagreply naman siya agad. Hahaha ganyan talaga siya kapag tungkol sa akin or kay Treena nagrereply agad yan. Love niya ako eh ❤
Makalipas ang limang minuto dumating agad ang boyfie ko at ang kambal niya. Nilapitan nila agad si Treena.
"Anong nangyayari sayo? May sakit ka ba?" nag aalalang tanong ni Lyndon.
"Kuya! Mamatay na yata ako" -Treena
"Ano!! " sabay na sabi ni Lyndon at Tristan.
"Ehem! Wag kayong mga OA ha. Kasi nagin-OA lang din yang babaeng yan! Puro kayo mga OA talaga magkapatid! "
"Ano ba kasing nangyari Treena ha? " ayooon nagseryoso na rin ang mukha ni Tristan. Mukha lang.
"Eh kasi huhu! Ninakaw ni Dominic ang puso ko! Iniwan niya ako kaya di na niya nasauli ng puso ko! Mamamatay na ako! " tignan niyo! Sobrang OA diba?! Akala mo kung ano na.
"Ano ka ba naman Treena pinakaba mo kami ng husto! Akala namin kung ano na ang nangyari sayo! " -Lyndon
"Nako! Kayo na bahala dyan sa kapatid niyo. Naiistress beauty ko sa kanya ah! " lumabas na ako sa room niya at hinayaan silang magdrama dun.
Treena's POV
"Salamat"
Binayaran nila kuya ang gastos ko dito sa ospital. Eh bakit ba?! Gusto ko lang talaga magpa ospital. Paospital din kayo!
"Tignan mo konti nalang pera namin dahil sayo! Ang stupid naman kasi ng sakit mo! " inis na sabi ni kuya Tristan.
"Eh kasi naman eh!––"
"Ops ops. Okay na alam na namin" pagputol sa akin ni kuya Lyndon.
"Sorry" bigla kong sabi sa kanila.
"O okay na tahimik na dyan" pang aasar sakin ni kuya Tristan.
"No I mean sorry kasi naabala pa kayo dahil sakin" yes I mean it. Imbes kasi mag enjoy sila dun sa outing namin, andito sila para ayusin itong katangahang ginawa ko.
"Hahaha wala yun, at least okay ka naman" sabi ni kuya Lyndon. At inakbayan ako.
"Sus, ang drama niyo oy! " sus din siya! Eh nagselos lang yan.
Tahimik lang kami naglakad. Eh nalalakad lang kasi yung ospital at yung bagong hotel na pupuntahan namin. Pero may bigla akong naalala. Oo nga pala!
"Ah kuya! Sino nga pala yung.. Ano nga ba yun..." teka sino nga ba yun? Aha!
"Hampton Jefferson... "
––
Hmmmm... Sino nga ba si Hampton Jefferson?
Abangan...
BINABASA MO ANG
Fool Again
Teen FictionTreena is surrounded by foolish people. She has no idea that in the very beginning she was fooled by her own family. She thought her life was perfect till the day has come that all this time her life was a mess, a disaster... a terrible disaster. S...