Chapter 10

47 4 0
                                    

Sobrang saya ko noon sabado at linggo. Alam niyo bakit? Dahil pumunta kami sa park at nagsimba kami. Oo na alam kong ang babaw ko pero sobrang saya ko kasi kasama ko buong pamilya ko at nagka ayos na rin kami nina kuya Tristan at kuya Lyndon dahil nilibre nila ako ng iba't ibang klseng street foods like isaw, kwek kwek, fishball, samalamig at marami pang iba. Favorite ko kasi yun kaya nila nakuha loob ko. Hahaha ew

Eto pasukan na naman. Pero sem break na namin next week hahah ang saya diba? Habang naglalakad ako papuntang canteen may bigla nalang akong nakitang isang pamilyar na mukha. Sobrang pamilyar niya pero hindi naman pwedeng maging siya yun dahil gwapo siya. Pero pamilyar talaga yung lalake. Ang gulo ko no? Yaan niyo na.

"Excuse me nga! Wag kang paharang harang sa dadaanan. Kala mo naman kagadahan. Tss" tsee! Kala mo rin kagandahan ka! Mas maganda pa nga unggoy sayo eh.

"Sorry" tanging sabi ko lang.

Titingnan ko na sana uli yung pamilyar na tao pero bigla nalang nawala. Asan na yun?

Nilibot ko ang mga mata ko sa buong canteen ngunit wala talaga. Kaya lumabas na ako't hinanap sa hallway hanggang sa napunta na ako sa dulo ng hallway pero walang bakas nitong pamilyar na tao na to. Saan na ba yun? Walang tao dito dahil malamang ang mga estudyante ay nasa canteen o di kayay nasa field ng school.

Babalik na sana ako sa canteen nang may marinig akong may nahulog na kutsara kaya napitingin ako, doon may nakita akong isang lalaki mag isang kumakain. Tama nga ako si "pamilyar" nga. Lalapitan ko na sana nang biglang nagring ang bell at tumayo na yung lalaki at mabilis na naglakad palayo kaya no choice na rin ako't pumasok na sa classroom ko.

Buong klase ko ay natulog lang ako. Hindi rin kasi ako makapag concentrate eh. Kaya eto ako ngayon sa Dean's office. Bad trip.

"Hay nako. Bakit ba kasi natutulog sa oras ng klase?" kalmang sabi ni Miss Daisy.

Tahimik lang akong humarap sa kanya. Ngumiti lang si Miss Daisy at tumayo, may kinuha siyang napakaraming mga test papers at nilagay sa mesa.

"O ayan dapat tapusin mo yan lahat ha? "

"Miss, walang po ba yang tawad? Ang dami niyan oh tapos mag isa lang ako. Baka mapudpod tong mga kamay ko kakacheck niyan" pagmamakaawa ko sa kanya.

"Pasensya na pero walang tawad yan hindi ito palengke iha. Maiiwan muna kita" hay ewan ko nalang talaga.

Pagkaraan ng ilang oras, ala sais na't hindi ko pa rin natatapos tong mga test papers. Masakit na rin ang kamay ko kakacheck. Grabe walang awa to sila.

Biglang nagbukas ang pinto. Akala ko si Miss Daisy pero hindi pala. May pumasok na lalaki, may dala dalang tatlong kahon. Di ko nakita ang mukha ng lalaki dahil natabunan ito ng kahon.

"Sabi daw ni Miss Daisy isali mo na rin daw to" tsaka binaba niya na ang mga kahon sa mesa.

Yun nakita ko ng malapitan ang lalaki. Matangkad siya. Yun nga lang parang nerd. Malaki ang eye glasses niya't ang weird ng buhok niya. At napagtanto kong ito yung pamilyar na nakita ko kanina.

Nagkatinginan kami at sa nakikita ko parang gulat na gulat siya nang makita ako. Nagulat siguro siya sa angking ganda ko hahahahhaha. Agad din namang bumawi ng tingin ang lalaki at aakmang lalabas na nang magsalita ako.

"Hey! Parang kilala kita" napahinto naman siya sa paglalakad. Hindi siya lumingon sa gawi ko. At agad na siyang lumabas nang hindi naman ako hinaharap. Nahiya siguro yon sa angking kagandahan ko.

Ala syete na at hindi pa rin ako tapos. At hindi ko namalayan na marami na palang missed calls at messages sina kuya. May tumawag ulit at nakita ko sa caller ID na si kuya Tristan kaya agad ko itong sinagot.

"Hello kuya? "

"Where the heck are you?! " pasigaw na tugon ni kuya. Bigla akong kinabahan dahil parang galit si kuya.

"Wag mo ngang sigawan si Treena akin na nga yan" rinig ko sa background at sa tingin ko'y si kuya Lyndon iyon.

"Treena? Are you there? Nasaan ka na? Nag aalala na kami tatawagan na sana namin sina mommy buti nalang sumagot ka na" kalmadong tanong ni kuya pero may bahid ng pag aalala sa boses ni kuya.

"Sorry kuya kung di ko nasagot. Andito lang ako sa Dean's office. Naparusahan ako dahil natulog ako kanina sa klase"

"Bakit ka pa andyan? Ang dilim na. May kasama ka ba diyan? "

"Uhhm mag isa lang ako kuya. Mukhamg umuwi na si Miss Daisy"

"Fvck" rinig ko sabi ni kuya Tristan.

"Punta na kami diyan" sabi ni kuya Lyndon at agad binaba ang tawag.

Nagpatuloy ako sa pag checheck nang biglang nag blackout. Bigla akong kinabahan at agad agad kong kinuha ang phone nang mahulog ito sa mesa. Natataranta na ako, hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Nanginginig na ako sa takot, hindi na ako makahinga sa labis na kabang nadarama ko.

Shet. Takot pa naman ako sa madidilim na lugar. Sabi ko sa isip ko.
Umiyak nalang ako ng umiyak hanggang sa nawalan na ako ng malay.

Fool AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon