Chapter 21

73 5 8
                                    

"I know masyadong mabilis, pero sanang enough na to para sayo para maging akin ka" sincere niyang sabi.

Matagal ko na rin etong pinag isipan. Maraming consequences kapag humantong kami sa ganitong stage. Pero... bahala na.

"Oo pumapayag ako Dominic" nginitian ko siya ng matamis at bigla nalang niya akong niyakap ng mahigpit. Tuwang tuwa siya at natutuwa rin ako sa nangyari samin ngayon.

"Pero Dominic gaya pa din ng dati ayokong may makakakita sa atin sa public na magkasama lalong lalo na ang mga kuya ko, ilihim muna natin to" paalala ko sa kanya.

"Kinakahiya mo ba ako?"

"Hindi naman sa ganun, ayoko lang magkaroon ng gulo, hindi pa kasi sana ako pwede magboyfriend pero andyan ka at gusto kita" tiningnan niya ako ng malalim sa mga mata ko.

"Alright if that's what you want, and I like you too. Sobra!" ngumiti lang ako sa kanya.

"Nako! Kailangan ko nang umuwi baka hinahanap na ako sa bahay, mag iingat ka sa pag uwi mo" aalis na sana ako nang hinawakan niya ang wrist ko, napatigil ako.

"Hatid na kita" mabilis akong tumanggi, mahirap na.

Pagpasok ko sa bahay naabutan ko ang mga kuya kong kumakain ng dinner habang si Daddy ay umiinom ng kape kasama nila.

"Saan ka galing anak?" tanong sa akin ni Daddy.

"Ah ano sa convenience store po" iba ang mga tingin ng mga kuya ko, it seems suspicious.

"Galing kami doon pero wala ka" kinabahan naman ako sa sinabi ni kuya Lyndon. Lagot na.

"Kasi ano kuya dumaan kasi ako sa bookstore, naghahanap sana ng sequel nung recent na binabasa kong libro" pinagpawisan na ang mga kamay ko sa kaba. Hindi sana nila ako nahuli.

"Nasan na?" tanong naman ni kuya Tristan.

"Napagalaman kong wala pa pala kaya ayun umuwi na ako" mukhang naniwala naman sila sa palusot ko kaya umakyat na ako't pumunta sa kwarto ko.

Hindi ko mapigilan ang sarili nang maalala ko ang aminan namin ni Dominic, napasigaw ako ng impit at kinikilig ako sa nangyari. OMG! kami na ni Dominic! Nakatanggap ako ng text at galing ito kay Dominic mylabs ko.

From: Dominic
Nakauwi ka ba ng maayos. Dahil nakauwi rin ako ng maayos. I love you ❤

Kinilig naman ang lola niyo. Did he just say he loves me?

To: Dominic
Oo. I love you too ❤

I know it sounds so clingy, pake ko ba.

Pagkatapos kong maglinis ng katawan at magbihis niglang nagring ang ang phone, tumawag si Dominic!

"Hello"

"How's my princess?" malambing niyang sagot.

"Okay lang, kakabihis ko lang, anong ginagawa mo?"

"Kakabihis ko lang rin, uyy! meant to be tayo" tumawa ako sa sinabi niya.

Nagpatuloy lang ang tawagan namin ni Dominic, hindi iniisip na may pasok pa bukas, kinantahan pa niya ako ng favorite song ko kaya sibrang kilig ko talaga, dream ko kasi na kantahan ako ng future boyfriend na kantahan ako ng fave song ko. Hanggang sa umabot kami ng madaling araw, sa katunayan alas dos na pero gising pa rin kaming dalawa. At dahil antok na rin ako, we bid goodbyes and goodnights to each other.

--

"Treena! Gising na!" nabulabog ang maganda kong tulog nang marinig ko ang mga sigaw ng kuya ko. Kainis naman eh!

"Ayan ka na naman sa di mo paggising ng maaga, Treena bumangon ka na kung ayaw mong maparusahan na naman sa klase mo dahil late ka" sigaw ni kuya Lyndon kaya bumangon na ako, at nagmadaling pumunta sa banyo.

May 5 minutes pang natitira bago magstart ang class kaya nasa ilalim ng puno muna ako tumambay. May biglang nalang pumiring gamit ang kamay sa akin, at napangiti naman ako dahil alam ko na kung sino ito.

"Dominic, ikaw talaga may paganyan ganyan ka pa" humarap naman siya sakin, hinawakan niya ang dalawang kamay ko at matamis na ngumiti sa akin. Ang cute niya talaga sarap kurutin sa pisngi.

"Good morning" sabi niya habang nagngingiti parin.

"Good morning! Anong meron? Ba't ang good mood mo?" tinawanan ko siya sa mga geatures niya ngayon.

"Wala, masaya lang ako"at hinalikan ang noo ko saktong nagring na ang bell, baliw talaga yung boyfriend ko.

Pagkatapos ng class namin ay tinext ako ni Dominic na kakain kami sa labas at dahil maaga namang natapos ang klase kaya pumayag na ako. Nagpaalam ako sa mga kuya ko na hindi ako makakasabay sa pag uwi nila dahil may bibilhin ako kunwari sa mall

From: Kuya Lyndon
Okay. Pero umuwi ka kaagad.

Nakahinga naman ako ng maluwag nang pumayag siya. Lumabas na ako ng gate namin at hinihintay ang sasakyan ni Dominic. Wala pang dalwang minuto ay dumating na rin siya, sumakay din naman ako kaagad dahil mahirap na baka may makakita pa sa amin dito.

"How's your day my princess?" bungad ni Dominic sa akin.

"Always fine" nginitian ko siya.

I was about to buckle up my seatbelt nang mapansin kong papalabas na ng gate ang mga kuya ko kasama ang kateam mates nila at napagtanto kong papalapit sila sa kotse ni Dominic.

Patay na.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 17, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fool AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon