"This is the day! "
Ang saya ko ngayong araw nato at sa wakas makakapunta na ako ng Baguio. Hindi kasi ako pinapayagan ni mommy at daddy umalis lalo na't malayo ang pupuntahan. Ngayon okay lang sakanila dahil andyan naman sina Kuya para bantayan ako.
"Wow aga natin ah" andito nanaman ang maninira ng araw ko.
"Sana pala laging may outing para lagi kang maaga" -Kuya Lyndon.
"Tahimik nga kayo binibwisit niyo araw ko, tsaka pwede ba bilisan niyo dyan baka iwan tayo ng bus! "
"Ayoko nga diba di tayo pupunta? " -Kuya Tristan
"Oo nga di tayo pinayagan ni mommy no! " -Kuya Lyndon
Grabe sila, minsan na nga lang akong gumigising ng maaga inaaayawan pa nilang pumunta. Habang paiyak nako sumulpot bigla si daddy at sinabing...
"Oh, inaaway niyo nanaman si bunso. Tahan na Baby..." tsaka hinhug ako ni daddy.
"Dad naman eh, okay na sana yung drama tinawag mo pa kong baby!"
"Baby damulag! Hahahaha" pang iinis ni kuya Tristan sakin.
"Eh Baby naman talaga ang pangalan mo ah? " isa pa tong si Daddy eh.
"Magsama kayong lahat! Huhu isusumbong ko kayo ni mommy! " tsaka tumakbo na ko papuntang dining table. Sumunod naman sila.
"Mommy oh! Sinasaktan nila dadmdamin ko! " pa-OA kong drama
"Ano ba naman yan, Daniel ikaw itong ama dito ikaw pa tong nangagaway sa bunso natin! " sabi ni mommy.
"Mommy saktan niyo sila" sabi ko naman ni mommy.
At ayun isa isa niyang kinurot mga tenga nina Kuya at dad. Buahahaha kawawa naman.
"Ara-araaay! " -Kuya Tristan
"Ah- wala naman akong ginawa ah" -reklamo ni kuya Lyndon.
"Araaay naman hon" -dad
"Ayan wag na wag niyo inaaway si Baby"
Bigla nagdilim mga paningin ko. Hmmp bahala na nga sila! Kaya lumabas na ako at sumakay sa kotse.
"Hahaha bilisan niyo samahan niyo na si BABY" rinig kong sabi ni mommy sa labas ng pintuan at inemphasize pa ni mom ang pangalan ko na Baby.
Ayoko na talaga! Ang pinaka ayoko ko kasi yung tinatawag ako sa pangalang Baby. Alam ko namang name ko yun pero urrghh nakakairita lang kasi hindi na ako baby. Kaya natulog nalang ako sa kotse habang iniintay silang Kuya na pumasok na dito.
--
Pagkagising ko nasa bus na pala ako. Konti pa ang mga tao pero paano kaya ako binuhat nila kuya papunta dito?
Kaya bumaba muna ako at pinuntahan sina kuya sa may puno. Ba't sila andyan?
"Hoy mga kuya! " pagalit kong sabi.
"Mmm? " -Kuya Lyndon
"Ano Baby damulag? " pang aasar naman nitong halimaw na to.
"Whatever" at inirapan si kuya Tristan.
"Paano ako napunta sa bus? " tsaka sila nagtawanan dalawa. Ano ba nakakatawa dun. Baliw nga. Papunta ko kaya to sa mental hospital.
"Naglakad ka ng hindi mo nalalaman" matawa tawa pang sabi ni kuya Tristan.
"Hahahaha hindi, binuhat ka syempre" -kuya Lyndon.
Omg binuhat nila ako yung usual nilang pagbuhat sakin yung parang sako? Omg nakakahiya naman atsaka paano kung may nakakakita sakin? Nakooo. Sasakalin at papatayin ko talaga sila.
"Pero! Hindi kami bumuhat sayo, ang bigat mo kaya" -Kuya Tristan.
"Eh kung hindi kayo sino? " taka kong tanong sa kanila.
"Si.... " pathrill na sabi ni kuya Triston.
Hindi kaya si.... Dominic?
Omg kung siya nga, nakooo love ko na talaga sina kuya, ililibre ko talaga sila at hahalikan buong araw sa saya!
"Si Hampton Jefferson"

BINABASA MO ANG
Fool Again
TeenfikceTreena is surrounded by foolish people. She has no idea that in the very beginning she was fooled by her own family. She thought her life was perfect till the day has come that all this time her life was a mess, a disaster... a terrible disaster. S...