Treena's POV
Nakauwi na kami galing Baguio pero hindi ko nakita kanina si Hampton. Nakakadismaya pero kahit papaano nag enjoy ako doon.
Andito pa kami ngayon sa bahay ni Jaydie, dito kasi ako dumiretso, at nagpaalam na rin ako kina mommy. Naiinis pa rin kasi ako sa mga kuya ko dahil sa ginawa nila sakin doon sa kotse. Nakakahiya talagaaaa! Simula noong nalaman ko ang nangyari di ko pinansin ang mga kuya ko hanggang ngayon.
"O kumain ka nga! Ang ng mukha mo oh!" tinignan ko siya ng masama at inirapan.
"Ano ka ba! Dapat nga magpasalamat ka pa sa mga kuya mo dahil kung hindi dahil sa kanila, di mo sana makikilala yang si Hampton" at oo kinwento ko na rin kay Jaydie ang lahat ng nangyari.
"Pero kahit pa rin! Nakakainis pa rin"
"Ang stubborn mo talaga! Yan tuloy di ko malapitan ang boyfie ko dahil sa yo! " inirapan ko ulit siya.
"Hmmp! Diyan ka na nga! " umalis na si Jaydie at umakyat na sa kwarto niya.
--
Pasukan na naman at back to normal na lahat. At malapit na rin ang exams namin kaya medyo busy ako ngayon sa pag-aaral. Top student kaya to!
Habang nag aaral ako sa may bench dito sa may malapit sa field, sinusulyapan ko rin si Dominic my labs ko, para inspired ako sa pag aaral. Hahaha
Mayamaya, wala nang mga tao. Ang naiwan nalang dito ay ang mga soccer player na sina kuya and friends at ako. Eh hinihintay ko pa sundo ko. Ang tagal kasi nitong mga unggoy kong mga kuya.
Napansin ko na rin na tapos na sila kuya sa pratice nila. Kaya tumayo na ako at nauna nang lumabas ng gate.
"Oppps! San ka pupunta?! " sigaw ni kuya Tristan. Hindi sila pinansin at hinihintay ko nalang ang sundo namin.
"Hoy bingi ka ba? " sigaw ulit nito. Buti nalang nasa loob pa ng school ang mga kasama nila kuya.
At sa wakas andito na si manong kaya sumakay na agad ako, doon ako sumakay sa harap. Eh ayokong makita ang pagmumukha nila eh.
"Nagtatampo ka ba? " tanong ni kuya Lyndon sa kalagitnaan ng biyahe namin pauwi.
Hindi ko pa rin siya sinagot.
"Suuus nagpapabebe lang yan, gusto niyang binebaby siya hahahaha" singit naman nitong isang unggoy na to. Hmmp bahala na sila sa buhay nila.
Pagkadating ko sa bahay hindi na ako nag abalang pumunta sa kusina to check out mom, imbes na dumiretso na lang ako sa kwarto ko. Nilock ko ang pinto at pagkatapos nagsimula na akong magreview ulit. Ngayong Wednesday na ang exam kaya kailangan ko nang mag aral ng mabuti.
--
Sobrang saya ko dahil nasagutan ko ng maayos at walang kahirap hirap na exam namin. Hahaha syempre nag aral ako ng mabuti. Friday na ngayon, tapos kanina lang natapos ang exam namin 3 days kasi ang exam namin. Pero hanggang ngayon hindi ko pa rin pinapansin yung mga unggoy kong kapatid. Eh bahala sila.
"Grabe friendshiiip! Sabog ang utak ko" sabi ni Jaydie na kakatapos lang sa pag eexam.
"Buti naman natapos mo! Yan kase! Hindi ka nag aral sa lesson na yun"
"Eh paano ba naman, ang useless lang naman nung lesson na yun. Tapos ang dami palang lumabas na hindi ko napag aralan. Kainis! " tumawa nalang ako.
"Tara na nga uwi na tayo! "
"Mabuti pa nga" at sumabay na ako kay Jaydie. Simula nung Tuesday kay Jaydie na ako sumasabay sa pag uwi. Nagpaalam naman ako kina daddy kaya okay lang na hindi na ako sunduin ni manong. Eh diba nga nagtatampo ako kina kuya sa ginawa nila sakin? Hmmp!
Pagdating ko sa bahay, walang tao siguro nasa work pa sina mommy at daddy. Ang aga ko kasing umuwi. So umakyat nalang ako papunta sa kwarto at matutulog sana nang may maalala ako bigla.
Oo nga pala ba't parang wala akong nakitang Hampton Jefferson sa school?
Diba lilipat na siya sa school namin ngayon na week?
––
Bakit nga ba?
Abangan........
![](https://img.wattpad.com/cover/73664913-288-k457629.jpg)
BINABASA MO ANG
Fool Again
Teen FictionTreena is surrounded by foolish people. She has no idea that in the very beginning she was fooled by her own family. She thought her life was perfect till the day has come that all this time her life was a mess, a disaster... a terrible disaster. S...