"Ah o-oo ano.. " hindi ko na alam ang gagawin ko, tiningnan ko si kuya kung napaghalataan na ba niya ako but he's still dumbfounded, kaya tumayo ako at lumabas na muna para makausap ng maayos si Dominic.
"Hello? Andyan ka pa ba? Are you busy?"
"No, bakit ka napatawag? And where did you get my number?" I'm making sure na wala si kuya sa likoran ko kundi lagot ako 'pag nahuli niya ako.
"It doesn't matter, I just want to check my princess and hear her voice" napangiti ako sa sinabi niya ngunit binawi ko agad. Mali 'to.
"Princess ka dyan, sige na ibababa ko na to"
"Okay finish your food, gonna call you later bye! And I—" binaba ko na agad ang tawag dahil nabigla ako nang may magsalita sa likod ko.
"Sino yan?" kuya Lyndon said.
"Uhh, ano si... si Jaydie" sobrang kabado ako nang sabihin ko iyon, sana paniwalaan niya ako please. Tinignan ako ni kuya, tinatantya kung nagsasabi ba ako ng totoo.
"She's calling you? While me na boyfriend niya ni text wala" thank God at parang pinaniwalaan niya ang palusot ko.
"Ah oo, syempre bestfriend niya ako, atsaka wag kanang magdrama dyan kuya, tatawagan ka rin nun" pumasok na ako para hindi na siya magtanong pa.
--
Dahil ala sais palang ng umaga kaya hindi muna ako bumangon sa kama ko, sigurado akong tulog pa sina kuya o di kaya'y nag jogging. Pipikit na sana ako uli nang may marinig akong kalabog sa may bintana ko, kaya napabangon ako at sa gulat ko napasigaw ako ng impit.
"Hi?" nakangiting bati ni Dominic.
"Anong ginagawa mo dito?" pabulong kong sabi baka gising na sina kuya at marinig kami dito.
"Bringing you breakfast and flowers?" sabi niya habang hirap na hirap pa rin sa pagkapit sa bintana.
"And can you help me in muna, dahil mahuhulog na ako" kaya dali dali ko siyang hinila dito sa loob ng kwarto ko. Nang makatayo na siya inilahad niya sa akin ang dala niyang supot at bulaklak.
"For you my princess" alam niyo yung feeling na pinipigilan kong makangiti at kiligin, grabe unbelievable talaga tong mga ginagawa niya sa akin ngayon. This is too cute lalo na't nag effort siyang umakyat pa sa bintana ko. Pero narealize ko na andito pala siya sa bahay, it means andito sina kuya at any time now mahuhuli kami.
"Ano kasi you have to go, andito sina kuya baka anong isipin nila" sinubukan ko siyang itulak pabalik sa bintana pero ang bigat niya.
"What's wrong with that? Kakamustahin ko sila, gising na ba? Tsaka dito na ako sa pintuan lalabas kahirap jan sa bintana muntikan na akong mahulog nga eh" napaface palm nalang ako sa mga sinasabi niya. Di mo kasi naiintindihan. Alam kong hindi pa niya alam na mga kuya ko pala ang isa sa barkada niya
"No! Baka kasi magtaka sila kung bakit andito ka sa kwarto ko, sigurado akong magagalit sila alam mo naman ang mga iyon overprotective"
"Sila? Marami kang kuya? Well that's good tsaka mag eexplain ako sa kanila" lalakad na sana siya patungong pintuan ngunit pinigilan ko siya.
"No! Magagalit talaga yun" di ko paman natatapos ang sinabi ko nang may marinig akong yabag ng mga paa sa labas.
"Treena are you awake? Let's have breakfast" and now my brother is knocking my door, biglang bumilis ang tibok ng puso ko. O-M-G! As in patay ako.
"Magtago ka omg patay ako" pabulong na sigaw ko kay Dominic. Pero hindi siya gumalaw.
"Basta magtago ka please" at ayun nagtago siya sa ilalim ng kama ko ngunit napapasubok kami dahil hindi siya masyadong kasya sa ilalim pero pinilit ko na, at buti nalang bago pa buksan ni kuya ng pinto ay nakatago na si Dominic.
"What are you doing?" takang tanong ni kuya Lyndon.
"Ah ano nagstretching" at kunwari'y nagstretching ako.
"Weird hindi ka naman nag gaganyan, well let's eat na" tsaka ay lumabas na siya.
"Susunod ako kuya!" pahabol ko sa kanya. Sinarado ko ang pinto at nilock para makasigurado.
"Lumabas ka na diyan at umuwi ka na" lumabas naman siya at pinagpagan ang sarili.
"So don't tell me dyan na naman ako lalabas sa bintana?" at alam niyo kung ano ang ginawa niya nagpuppy eyes ho siya. Ang cuute pero ayoko namang irisk na doon sa pinto lumabas, eh andoon sina kuya.
"Yes, I'm going to explain this to you mamaya, kaya umalis ka na bago pa tayo mahuli ni kuya" ngumiti naman siya ng bahagya. Ewan ko ba sa kanya.
"So we're going out later? Magkikita pa tayo muli?" may mapaglarong ngiti siyang ibinigay sa akin.
"Oo na sige na labas ka na" tinutulak tulak ko na siya patungog bintana.
"Pero wait, kiss muna" nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya. What?!
"Anong kiss ka dyan, hindi pa tayo kaya walang kiss"
"So 'pag tayo na pwede mo na akong ikiss araw araw?" ngumiti na lang ako ng mapakla. At bago paman siya makababa ay mabilis niya akong hinalikan sa pisngi. What the fudge just happen? Habang pababa siya ay tulala pa rin ako at sinisink in ang ginawa niya.
Omg! Hinalikan ako sa pisngi ng all time crush ko!
BINABASA MO ANG
Fool Again
Teen FictionTreena is surrounded by foolish people. She has no idea that in the very beginning she was fooled by her own family. She thought her life was perfect till the day has come that all this time her life was a mess, a disaster... a terrible disaster. S...