I was really shocked. Totoo ba yung ginawa niya? Hindi ba ako nanaginip?
"Ah don't get me wrong" at ngumiti siya. Bakit ba! wag ka ngang pa cute sakin! Sarap mong kurutin!
"I usually do that to the beautiful ladies like you" Ano?!
"Ha? Ako? Talaga? Weh? " hindi makapaniwala kong tanong.
"Uhmm yes? Hahaha you're so cute" Hoy kinacareer mo na yang pagpapakilig mo sakin ah!
Okay, okay! Umayos kana Treena. Wag kang pahalata.
"Haha thank you. Ganyan ka ba talaga?"
"Nope. I'm not that random. Ya' know"
"Ahh. Magkwento ka naman tungkol sa life mo or sa sarili mo, hindi pa kasi kita masyadong kakilala eh hehehe"
"Oh that----" wait lang parang natatandaan ko na kung anong tanong na bumabagabag sakin kanina pa.
"Ay teka! Hampton Jefferson? So ikaw yung nagbuhat sakin papunta sa bus? Atsaka wag ka ngang English ng English nanonose bleed ako ah"
"Hahaha okay. And yeah that's me, kasi nakita kita doon sa gilid ng isang kotse na natutulog kaya binuhat na kita sa bus" aba't papatayin ko talaga tong mga kapatid ko mamaya makikita nila!
"And I found out that you have brothers pala, nilapitan nila ako they thanked me sa pagbuhat sayo, I don't know kung bakit ka sa labas ng kotse ka natutulog at dun na kami nagkakakilala ng mga kuya mo together with his friends"
Aha! Kaya pala close na rin sila ni Dominic my labs ko! Atsaka nakakainis talaga yung mga kuya ko nakakahiya! Sasakalin ko na talaga sila!
"Ah kaya pala! Pero pano ka naman napunta doon sa school naming"
"Nandoon kasi ang Dad ko so sumama ako at doon kami tumira for 1 month. At dahil opening na din ng hotel naming kaya sumama na kami sa inyo."
"Yung dad mo ba ang co-partner ng school namin?" shocking to ah.
"Uhhm yes" Omg! What a small world.
"Pero bakit di ka doon nag aaral?"
"Sa London kasi ako nag aaral, pero napagisip isip na rin kasi ni Dad na ditto na ako sa pilipinas mag-aral. Dahil wala naman akong kasama doon"
"Eh san ba mommy mo?"
"She died. 3 months ago" nabigla naman ako sa sinabi niya.
"OMG sorry sorry hindi ko alam"
"No its okay" and then he smiled.
"Kasama ko si mom doon sa London, pero andito si dad para magtrabaho. Half German at half filipino si mom. Si dad naman full Filipino"
"Wow galing ah. Tama nga ako may german breed ka nga! Pero saan ka lilipat ng school?"
"Syempre doon sa school niyo hahaha, siguro next week nakaset na lahat at makakapag aral na ako dun" ang gwapo niya talaga. Madadagdagan na naman ng gwapo sa school namin
"Wow galing! Sigurado maraming mababaliw sayo doon sa school. Tsaka marami kanang friends hindi ka palang nakapag aral doon. Hahaha"
"Hahaha" nagtinginan kami pero binawi ko agad ang mga tingin ko.
"Uhhmm I need to go na pala! Baka hinahanap na ako doon sa hotel" tsaka tumayo na.
"Bye!" hindi ko na siya tinignan uli. Eh bakit ba nahihiya na ako sa kanya. Tsaka baka magselos si Dominic my labs ko no!
—
Ang feeler niya no?
Sorry guys short update lang ito. Masakit kasi ang ulo ko ngayon tsaka wala ako sa mood magsulat. Sorry kung boring pero babawi ako sa next update ko. Thankies :**
BINABASA MO ANG
Fool Again
Teen FictionTreena is surrounded by foolish people. She has no idea that in the very beginning she was fooled by her own family. She thought her life was perfect till the day has come that all this time her life was a mess, a disaster... a terrible disaster. S...