Chapter 12

41 5 0
                                    

Hindi ko mapigilang mapasigaw dito sa kwarto ko sa kagagahang ginawa ko kanina.

Eh paano ba naman matapos niyang sabihin sakin na 'crush mo ko? ' hindi ko na siya nilingon at tumakbo na pero dahil tanga ako sa di kalayuan nadapa ako, nilapitan ako ni Dominic pero bago pa niya ako malapitan tumayo na ako't tumakbo ulit at ayun umuwi nalang ako dahil hiyang hiya na talaga ako sa mga nangyari.

Andito lang ako sa kwarto ko buong magdamag. Nagalit nga sina kuya sakin dahil bakit daw umuwi akong mag isa at nagtaxi pa daw ako, masyado daw delikado. Kaya ayun hindi na talaga ako lumabas dito sa kwarto ko buti nalang nga hindi pa umuwi sina mommy and daddy dahil baka sila nasermonan rin ako. Kung sila kaya nasa kalagayan ko no!

Matutulog na sana ako nang may biglang kumatok . Kaya pinagbuksan ko nalang dahil alam ko si kuya ito.

"Kumain kana kanina ka pa nagkukulong diyan hindi ka naman preso" sabi ni kuya Tristan.

Hindi ko siya pinansin. Kunwari may ginagawa ako sa cellphone ko kahit wala naman.

"Aba! Ikaw itong may atraso dito ikaw pa tong di namamansin. Kapal ah"

Hindi pa rin ako nagsalita at iniwan nalang ni kuya ang pagkain sa desk ko at lumabas na siya.

Natulog nalang ako at di na kumain.

Kinaumagahan maaga pa rin akong nagising at nauna na akong pumunta sa school sinabihan ko si manong na driver namin na uunahin niya akong ihatid mamaya kaya pumayag naman siya.

Habang papasok ako nakita ko si Jerry sa di kalayuan kaya nilapitan ko.

"Hi palagi kabang maaga dito? "

Nung una nabigla siya sa pagsulpot ko pero nang makita niya na talaga ang mukha ko nginitian niya ako. Ganda ko talaga.

"Yep. You maaga ka rin ba lagi? "

"Hindi naman minsan lang kapag nasa mood ako" tumawa ako at tumawa rin naman siya.

"Nasaan ang mga kuya mo bakit parang wala pa sila? " nabigla ako sa sinabi niya at kita ko ring nabigla rin siya sa sinabi niya.

"Paano mo nalaman na––" bago ko pa matapos ang sinabi ko nagsalita nanaman siya.

"Uhm I mean kahapon kasi ano... Nagtatanong sila hinahanap ka daw then napagtanungan ako sabi nila kapatid ka niya kaya ko nalaman hehe" napakamot pa siya sa batok niya.

"Okay? " tanging nasabi ko lang. Ilang minuto kaming nakatayo doon na tahimik lang.

"Gotta go. See you" atsaka umalis na siya.

Nagklase lang kami at simula nong nastart na yung class hindi ako lumingon sa likuran ko dahil alam kong nandun si Dominic. At oo lumipat ako sa harapan. Ayoko pa talaga siyang makatabi o harapin man lang. Omaygash.

"Uy bakit ka umuwi kaagad kahapon? Ba't mo ko iniwan gurl ha" sabi naman nitong best friend ko.

"Sorry naman eh kasi naman nakakahiya na talaga no! " pqbulong kong sabi sa kanya dahil nga nagkaklase kami.

"Edi wow" tsaka tumahimik na siya.

Natapos na ang class namin nauna na si Jaydie at ako naman naiwan pa dahil nililigpit ko pa ang mga gamit ko. Sa kalagitnaan ng pagliligpit ko may biglang tumabi sa kin. At alam niyo ba sino? Edi sino pa si Dominic. Wait whaaat?!

Kaya eto natataranta ako nagkandahulog hulog na yung mga ballpen ko. Kinuha niya ang mga iyon.

"Oh easy lang. Hahaha" at pinagtatawanan niya ako. Okay sobra na talaga to. Goosh!

"Sabay na tayong mag lunch" sabi niya na ikinabigla ko.

"H-ha? Lunch? Ta-tayong dalawa? " shemay Lord tulooong!

"Oo mag isa kalang kaya sasamahan na kita"

"Nako wag na nakakahiya naman sayo"

"Okay lang naman. Tara" kaya wala akong nagawa kundi sumama nalang sa kanya.

Mag isa ako dito sa table dahil si Dominic na ang nag order ng pagkain para saming dalawa. Sheeeet. Dream come true na ba to? Dumating na siya kaya napaayos na ako ng upo.

"Here"

"Salamat" tsaka nag ngingitian kaming dalawa. Shemay ang awkward naman. Or baka ako lang.

"So about sa nangyari kahapon––" nako wag yan.

"Ah ano wag na natin yan pag usapan. Hahahaha past is past" bigla sumeryoso ang mukha niya. May nasabi ba akong hindi maganda?

"Matagal na rin tong nararamdaman ko" huh? Di ko siya gets. May sakit ba siya or what?

"I think I like you too"

Fool AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon