Chapter 18

23 4 2
                                    

Sobra na akong nababagot dito sa  bahay, una dahil sembreak malamang walang pasok, pangalawa hindi ako makakalabas ng bahay dahil lowkey na grounded ako dahil dun sa nangyaring usapan namin ni kuya. Kaya eto ako ngayon nalalanta na sa kwarto ko kaya naisipan ko na lamang na tawagan si Jaydie. After three rings sinagot rin ni Jaydie ang tawag ko.

"O napatawag ka?" bungad ni Jaydie sa kabilang linya.

"Sobra na talaga akong bored, puntahan mo ako dito movie marathon tayo"

"Nababagot na rin ako kakamovie marathon kapag pumupunta ako diyan, lumabas ka nalang kaya at mamasyal ka parang hindi ka na yata sinisinagan ng araw eh"

"Hindi nga pwede dahil sabi nila kuya bahay to school to bahay lang ang peg ko at dahil wala namang pasok edi bahay lang talaga ako"

"Ako na ang bahalang magpaalam sayo kay Lyndon, magkita tayo sa mall dating gawi tayo, sige bye" binabaan na ako ni Jaydie at dahil alam ko naman na malakas si Jaydie kay kuya kaya walang pag alinlangan akong umalis ng bahay.

At dahil alam kong sobrang bagal kumilos nong kaibigan ko kaya naglakad lakad na muna ako, sa di kalayuan nakita ko si Dominic na may dala dalang bulaklak.

Nag iba ako ng direksyon para makaiwas sa kanya. Lagot talaga ako nito pag nakita ako nila kuya na kasama siya kahit gustuhin ko man pero ayoko namang madisappoint ang mga kuya ko.

"Treena wait!" napapikit nalang ako ng mariin nang maabutan ako ni Dominic.

"Ah hi andito ka pala" at tipid na ngumiti sa kanya.

"Oo, I was just chilling till I saw you and brought you flowers" binigay niya sa akin ang bouquet, ang cute niya talaga. I kennot.

"Salamat, ahh ano I need to go na baka ano"

"Treena andyan ka lang pala, oh hi Dom" isang hudyat na dumating na si Jaydie, buti nalang baka mahuli pa ako nina kuya dito. Gosh ang paranoid ko na talaga.

"Tara na magshoshopping tayo diba" pinandidilatan ko siya ng mata pero parang mapapasubok ako neto dahil pumaiglas siya at hinarap muli si Dominic.

"May naalala pala ako parang di ko masasamahan si Treena ngayon dahil may bibilhin akong book sa kabilang mall, can you take her with you?" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. She is unbelievable.

"Sure" umalis na rin si Jaydie nang hindi man lang nagpaalam. Nakooo lagot ako pag nalaman ni kuya na hindi ko kasama si Jaydie.

"Are you okay? Let's go eat baka nagugutom ka na" hindi na ako nagsalita at sumunod na lang.

Habang umoorder si Dominic ay may nakita akong text message galing kay Jaydie.

From: Jaydie
You don't have to worry, I got you ;)

To: Jaydie
Siguraduin mo lang

Itinago ko na ang phone dahil dumating na rin ang mga order ni Dominic.

"So how have you been? You don't have plans sa vaca?" pagsimula ni Dominic sa usapan.

"Wala eh, sa bahay lang"

"Me too, uhh tungkol pala doon sa panliligaw ko" nakuha niya ang buong atensyon ko nang banggitin niya iyon.

"Pursigido akong ligawan ka hanggang sa makuha ko na ang oo mo" malawak na ngayon ang kanyang mga ngiti. Gusto ko siyang tanggihan dahil naalala ko ang mga sinabi ng mga kuya ko ngunit may parte rin sa akin na gusto ko rin siyang manligaw sa akin. Ewan ko ba. Hindi na lamang ako nagsalita at kumain nalang.

Matapos naming kumain nagsine kami. Hindi namin namalayan ang oras kaya naisipan na naming umuwi na.

"Ihahatid na kita" agad din naman akong tumanggi dahil ayoko mahuli ako nina kuya, hindi pa ako ready.

"Okay pero ihahatid kita sa sakayan" pumayag na lamang ako. Ang sweet ng mga gestures niya, nafafall ako lalo. Charot.

Sasakay na sana ako ng taxi nang pigilan niya ako at iniharap sa kanya. Bigla na lamang niya akong halikan sa tuktok ng ulo ko.

"Mag-iingat ka" hindi pa rin nagsink in ang ginawa niya sa akin hanggang sa nakarating na ako sa bahay.

"How's your day? Bakit wala kang binili akala ko ba nagshopping kayo ni Jaydie?" bungad ni kuya Lyndon habang naghahanda ng pagkain sa mesa. Out of town sina mommy at daddy ngayon for business purpose kaya kami lang ang natira ngayon sa bahay.

"Uhm si Jaydie lang ang may binili, wala naman kasi akong pera" palusot ko sa kanya.

"May credit card ka naman ba't di mo ginamit?"

"Nakalimutan ko hehe" napakamot na lamang ako sa batok ko. Parang naniwala naman siya dahil makakalimutin din naman ako.

"Si kuya Tristan?" tanong ko ngunit napakabit balikat na lamang siya.

Sa kalagitnaan sa pagkain namin may biglang tumawag, tiningnan ko iyon ngunit hindi nakaregister ang number pero sinagot ko na rin.

"Hello?"

"Treena? This me Dominic, nakauwi ka na ba?" bungad sa kabilang linya. Nanlaki ang mga mata ko, nagtaka naman si kuya sa biglaang pag iba ng timpla ng mukha ko.

-----
It's been a while guys since I've updated my story.

Fool AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon