The rest of my sembreak days were fun why? Dahil nag outing kaming magkakapatid sa Cebu, nandoon din kasi ang parents namin at dahil may nahanap na isang magandang resort si daddy ay agad din naman kaming pumunta doon.
At patuloy pa rin sa panliligaw si Dominic talagang pursigido siya, at dahil ang cute ng mga ginagawa niya unti unti ring lumalalim ang nararamdaman ko sa kanya. Pasukan na naman kaya maaga nanaman kaming gumising at papasok sa school.
"Sino ba yang katext mo? Ang aga aga ha" sabi ni Jaydie, kasama ko siya ngayon as usual, wala yung ibang teachers kaya andito kami sa ilalim ng puno nagchichill.
"Wala, nag ggm lang" pagsisinungaling ko sa kanya, kanina pa kasi text ng text si Dominic sa akin na ihahatid niya daw ako papuntang school atsaka nangungumusta, at kung natatanong niyo wala akong sinabihan kahit sino na nanligaw si Dominic sa akin, kahit na nafigure out na iyon ng mga kuya ko pero they were expecting na pinatigil ko na si Dominic sa panliligaw but hindi pala. Kaya eto ako ngayon I am being torn to the situation.
"Bakit wala naman akong natanggap na gm galing sayo?" tsaka niya ako inirapan, bad mood ata tong kaibigan ko ah, hindi kaya nag away sila ng kuya ko?
"May LQ ba kayo ng kuya ko?" inirapan niya akong muli at parang kanina pa siya tingin ng tingin sa phone niya.
"Eh pano ba naman yang kapatid mo, he's not replying my texts and he even didn't answered my calls!" pagmamaktol niya at nagpatuloy lang siya sa pagsasalita.
"Nagiging cold na siya sakin, last week pa siyang ganito ewan ko ba sakanya, I am really thinking that he's cheating on me na talaga " at parang naiiyak na siya sa mga sinasabi niya.
"Hindi naman ganun si kuya, siguro may nagawa ka lang kaya siya nagkakaganyan" parang okay naman si kuya hindi naman siya bad mood, pero may biglang sumagi sa isipan ko.
"Wait last week naalala ko sinabihan ko siya na tumawag ka sa akin you know what he's telling me 'she's calling you? While me na boyfriend niya ni text wala?'" sabi ko habang ginagaya ang boses ng kuya ko.
"Really? Look how immature he is" napabuntong hininga na lamang siya.
"Pupuntahan ko nalang siya" nagpaalam na siya sa akin. Ganyan ba ang magkaroon ng isang relationship? Parang ang drama naman. Hehe
"Hi mi amor" nagulat ako ng biglang may sumulpot sa harapan ko may dala dala siyang pizza.
"Anong ginagawa mo dito? Diba sabi ko wag tayong magkikita sa public? 'pag nahuli tayo ng mga tao at makaabot sa mga kuya ko lagot ka talaga sakin" napag usapan na namin ang mga ganitong bagay, I even said to him na si kuya Tristan at kuya Lyndon ang mga kuya ko, nashock siya nung una at ayaw niyang maniwala, buti nalang daw hindi sinabihan ni Dominic sina kuya tungkol sa panliligaw niya sa akin kundi matagal na akong patay.
"Don't worry hindi nila makikita ang mukha ko dahil nakaharap ako sayo" at ang lapad lapad ng mga ngiti niya, ang gwapo niya talaga.
"Ewan ko sayo" at inirapan ko na lamang siya kahit ayoko mang itanggal ang paningin ko sa kanya.
--
Pagkauwi ko sa bahay ay dumiretso agad ako sa kwarto ko, nag aalibi na mag aaral ako dahil may quiz kami bukas.
"You sure anak? Dalhan nalang kita ng food" sabi ni mommy.
"No mom, busog pa ako kasi andami naming kinain ni Jaydie kanina" tsaka nginitian si mommy. Nalusutan ko naman iyon.
Pagka akyat ko sa room ko ay tinawagan ko na agad si Dominic kung andun na ba siya sa lugar na pupuntahan namin but he's not answering my call. Pinilit niya kasi akong makipagkita sa kanya dahil may sasabihin daw siyang importante, nung una hindi ako pumayag dahil baka mabuko ako ng mga magulang ko at mga kuya ko, pero dahil mapilit ang katawang lupa niya, eto ako ngayon nag iisip ng paraan kung paano ako makakalabas ng bahay, it's still 5:30 in the afternoon pa kaya medyo maliwanag pa sa labas, at wala pa ang mga kuya ko dahil may training sila.
To: Dominic
I'm going saan kana?I texted Dominic at nagreply din naman siya agad.
From: Dominic
Sorry malelate ako ng konti may training eh, mauna ka na susunod ako 😉Ang creepy niyang magtext may pawink wink pa siya na emoji. At sigurado ba siyang nasa training siya? Eh bakit ang bilis niya namang magreply? Atsaka hindi niya sinagot ang call ko pero ang bilis ng reply. Well. I went down the stairs at pinagpawisan ako ng malamig sa ginagawa ko ngayon.
"Mom, pwede po ba akong pumunta sa convenience store parang gusto ko kasing kumain ng cup noodles" ang lame talaga ng palusot ko ever, pero sana kakagat to.
"O.. okay? Balik ka kaagad" alinlangan niyang sabi.
"Thanks mom!" and I gave a peck of kiss on her cheeks at lumabas na ng bahay. Nakahinga naman ako ng maluwag at dumiretso na sa meeting place namin ni Dominic. Dun lang naman kami magkikita sa park ng subdivision namin para malapit lang sa bahay if ever na papauwiin na ako ng nanay ko.
I waited for about 20 minutes at sa loob ng oras na iyon, nagmuni muni ako sa mga nangyayari sakin ngayon. Sa pagkikita naming muli ni Jefferson. At sa aming dalawa ni Dominic. Parang noon lang hanggang tingin lang ako sa kanya, dinaan daanan lang din niya ako noon pero ngayon here he is, nanliligaw na sa akin ng big time. Parang ang sarap sa pakiramdam. Na naniniwala na akong kahit anong mangyari don't lose hope. At speaking, nandito na pala si Dominic mylabs ko hihi.
"Sorry natagalan, si coach eh mainit ang ulo, sa amin ba naman ibinuntong ang galit" ngumiti lang ako sa kanya.
"So eto, ayoko nang patagalin to" habang siya'y nagsasalita may bahid ng kaba akong narinig. Why is he so tensed? It takes 2 minutes bago siya makapagsalita ulit. Pati ako kinakabahan sa kanya.
"Will you be my girlfriend?"

BINABASA MO ANG
Fool Again
Teen FictionTreena is surrounded by foolish people. She has no idea that in the very beginning she was fooled by her own family. She thought her life was perfect till the day has come that all this time her life was a mess, a disaster... a terrible disaster. S...