Naakatulala lang ako sa harapan niya. Di parin ako makapagsalita sa mga sinasabi niya. What a revelation!
"I know hindi ka rin makapaniwala but nagsimula akong magkagusto sa'yo nung nakita kita sa malayo nag iisa. Minamasdan kita, nakita ko kung gaano ka kaganda tingnan" namula ako sa mga sinabi niya. Hindi talaga ako makapaniwala.
"And then nagtanong tanong ako sa mga kaklase natin tungkol sa'yo pero parang wala masyado silang alam sayo kaya ako na mismo ang lumapit sa'yo ngayon. Kaya kita inaya ngayon dahil I want to get to know you better" tulalang tulala pa rin ako sa mga tawo pangyayari ngayon. I really can't believe this.
"Talaga? " yan nalang ang tanging nasabi ko. Nginitian niya lang ako. Hindi ko pinapahalata sa kanya na sobrang kilig na kilig na ako.
After nun. Sabay kaming pumunta sa library dahil wala daw ang mga teacher ngayon dahil may biglaang meeting.
Pumayag naman siya na samahan ako kaya eto kami ngayon nagbabasa. Eh hindi ko nga alam kung bakit naisipan kong pumunta rito sa library.
"So mahilig ka palang magbasa basa" pagbasag ni Dominic sa kanina pa naming katahimikan.
"Ah oo. Pampalipas oras ko"
"Bakit? Wala ka bang mga kaibigan? " takang tanong ni Dominic.
"Meron naman. Yun nga lang iisa lang. Wala akong ibang nakakaclose eh"
"Eh nasaan siya? "
"Yun na nga pinagkaitan pa ako, nandun siguro sa boyfriend niya. Pero ayos lang naman sanay na rin naman akong mag isa" tsaka ko siya nginitian.
"Well ngayon siguro hindi kana nag iisa" at ngumiti rin siya. Ang gwapo niya talaga.
"Oo alam ko dahil andyan kana. Suus yang mga linyang iyan alam na alam ko na yan" paninira ko sa moment niya.
Tinawanan niya ako. Pambihira may ginawa ba akong nakakatawa?
"Oh tapos kanang tumawa? Kainis naman to wala namang nakakatawa" tsaka na ako tumayo at nag walk out. Nakoo ikaw Dominic hindi porket crush kita hindi na ako pwedeng mainis sayo. Pero labss pa rin kita.
Pinuntahan ko nalang si Jaydie sa canteen ngunit kasama niya mga kuya ko at barkada nito. Kainis naman, kaya ayun pumunta nalang ako sa may field at naupo akong mag isa sa bench.
Habang nagmuni muni ako nakita ko si Jaydie sa di kalayuan nakita niya kaya lumapit siya at tinabihan ako.
"Oh ba't nag iisa ka? " tanong ni Jaydie.
"Parang hindi ka naman nasanay na nag iisa ako habang wala ka. Eh ikaw lang naman tong kaibigan ko diba? "
"Then, how about Dominic?" bigla akong namula nang banggitin niya ang pangalan ni labss ko.
"Hahaha I saw you kanina sa canteen kasama si Dominic and then nakita ko rin kayong sabay naglalakad papuntang library so that means hindi ka nag iisa kanina"
"Iiiiiihh" napatili nalang ako dahil naalala ko na naman ang nangyari kanina nung nag lunch kami.
Kinwento ko sa kanya lahat ang nangyari kanina at pati siya napasigaw nang 'yes! Dalaga na ho siya!' kaya sobrang hiyang hiya ako sa ginawa niya.
"So ano na?"
"Anong ano na?"
"Diba nga nag confess na siya sa nararamdaman niya at you feel the same way so kayo na? " hindi mapakaling sabi ni Jaydie.
"Hindi rin. Oo mutual yung feelings namin pero hindi kami"
"So MU kayo? Iiiiiiiih! Grabe"
"Mukhang ganun na nga pero ayoko munang mag assume na MU kami or something"
"Okay. Pero pag usapan niyo yan. Baka sakaling magkalove life kana edi ang saya saya"
"Anong ang saya saya ka dyan, may problema nga ako" tiningnan niya ako ng masama tsaka hinintay niya akong ipagpatuloy ang sinabi ko.
"Eh alam mo namang strict ang family ko pagdating sa love life ko or kahit charot life ko lang nagiging OA na sila lalong lalo na sina kuya"
"Oo nga no? Nakooo susubukan kong kausapin si Lyndon dito baka sakaling maintindihan niya"
"Nakoooo wag muna ngayon. Ayoko pang malaman nila, hindi pako ready"
"Edi bahala ka"
Hayss. Dominic talaga oh.
![](https://img.wattpad.com/cover/73664913-288-k457629.jpg)
BINABASA MO ANG
Fool Again
Teen FictionTreena is surrounded by foolish people. She has no idea that in the very beginning she was fooled by her own family. She thought her life was perfect till the day has come that all this time her life was a mess, a disaster... a terrible disaster. S...