Chapter 5

73 9 23
                                    

"Sino si Hampton Jefferson? "

"Secret... " tsaka tumakbo na si kuya Tristan. Aba't galing ah.

"Baka kasi pati sa kanya maobsess ka hahaha" tsaka umalis na rin.

Kaya pala umalis na sila dahil andito na pala kami sa Hotel. Di ba nga di nila kami pwede makita dahil hindi naman nila alam na kapatid ko pala tong mga gunggong na to. Bakit di ko yon napapansin na andito na pala kami?

Tsaka ako? Maobsess sa lalaking yun? Hindi ko pa nga nakikita. Baka mukha pa yung unggoy.

Nalaman ko na rest day pa muna namin ngayong araw dahil bukas pa yung adventure. Pagpasok ko sa inassign saking room ay bigla kong nakasalubong ang unan. Aba't sinong may ganang bumato sakin nun at sasakalin ko!

"Hoy!  Magaling ka na pala lukaret ka! " pigilan niyo ko! Sasakalin ko na talaga tong unggoy na to!

"Nako! Buti best friend kita kundi nakoo nako talaga! " papigil pigil kong inis.

"Asuus ito! Kanina pa kita inaantay hoy! Tara pasyal tayo! "

"Hoy! Ka din hindi ako bingi para sigaw sigawan mo! " sakit nito sa tenga.

"Eh bakit ka rin sumisigaw! Eh hindi rin naman ako bingi! "

"Kasi naman––!"

"TAHIMIK NGA KAYONG DALAWA! BA'T BA KAYO SIGAW NG SIGAW!? " sigaw nung kasama namin dito. May kasama pala kami ah.

"EH BAKIT KA RIN SUMISIGAW?! " sabay naming sigaw ni Jaydie.

--

"Ang ganda! Tara picture tayo! " andito kami ngayon sa park ng hotel na ito. Super ganda kasi maraming iba't ibang klaseng bulaklak dito. Dito talaga nababagay ang diyosang tulad ko.

"Friend pupunta muna ako dun sa may fountain ah. Mamimitas ako hehehe" tignan mo to iiwan at iiwan din ako pag may nakikitang bago. Haha humuhugot na naman ako.

Namitas na lang din ako ng bulaklak dito, pwede naman daw mamitas wag lang daw iharvest lahat hahaha. Habang naglakad lakad ako may bigla akong nakitang isang gwapong nilalang. Omg. Ikaw na ba ang Prince Charming ko? Ikaw na ba si Mr Right? Hahaha biro lang syempre hindi ko papalitan si Dominic my loves ko.

"Ah hi" hindi ko namalayan na lumapit pala siya sakin. Omg ang ganda ng smile niya. Hindi ako nakapagsalita, hindi ko mahanap ang boses ko. Ano ba Treena! Magsalita ka na!

"Uhm hi" sagot ko sa kanya.

"Let me guess, you're one of our guest right? " ay! Englishero pala to. Pwes hindi ako papatalo no!

"Yep, your gorgeous guest" ay ano ba yan! Kahit ano ano nalang nasasabi ko!

"Hahaha yes you are" omg hindi ko na talaga kaya mahihimatay na ako sa ganda ng ngiti at tawa niya.

Gwapo siyang talaga. Matangos ang kanyang ilong. May malaperpektong kurba ng labi. Matangkad, mas matangkad pa siya kaysa ni Dominic mylabs ko. Pilipino naman siya pero parang hindi puro ang pagka pilipino niya, siguro may half siya, parang half German or ano ba, basta may breed siya hahaha. Kulay hazelnut ang kanyang mga buhok. Maganda rin ang hugis ng kanyang mga mata, na para bang kapag natitigan ka ng kanyang magandang mga mata natutunaw ka na parang ice cream. At bagay na bagay lahat ng structure ng mukha niya. Ang perfect!

"Uhh I better go. See you around! " tsaka tumakbo na siya. O ayan nanaman eh nang iiwan nanaman. Don't leave me!

--

"Grabe friend, hinding hindi ko talaga malimutan ang mukha niya. Sobrang gwapo niya talaga! "

"Pang ilang beses mo na nababanggit yang salitang gwapo na yan. Oo na gwapo na siya pero may boyfie na ako"

"Eh sino bang may sabi na sayo yun? Akin na yun! Crush ko na rin siya"

Andito na kami ngayon sa room namin dahil gabi na rin at tapos na kaming kumain. Ang sasarap ng mga pagkain. Love ko na talaga ang Baguio. Hahaha

"Eh paano naman si Dominic?"

"Syempre crush ko pa rin siya pero crush ko rin yung lalaki"

"Teka nga, kanina ka pa kwento ng kwento dyan sa gwapo pero ano nga pala ang pangalan niya? "

Dang...

––

Guess who... 

Fool AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon