Chapter 6

56 8 0
                                    

Yay! Start na ngayon ng palaro na kinonduct ng mga teachers namin at pati na rin ng may-ari nitong hotel. Yun talaga plano nila para sa outing namin dito. Sigurado akong enjoy nito!

Ang unang laro namin tinawag na 'boy hunting' ang laswa diba? Hahaha biro lang, ang weird lang kasi ng title ng game. Ang mechanics ng game ay as the word itself kailangan mong hanapin ang 2 boys na may dalang tig isang flag na naka assign sa amin na hanapin. Yun nga lang nakatali ang bawat grupo, so kailangan hanapin niyo ng grupo mo ng magkasama, eh syempre nakatali kayo hahaha.

Ang kasama ko sa grupo na kakilala ko ay si Jaydie lamang. O diba best friend goals talaga kami hahaha. 20 ang members bawat grupo. Kaya nahihirapan kami sa paglalakad pa lang. Kapagod to ah.

--

Sobrang nakakapagod grabe ang dami palang games kanina talbog pala expectations ko, buti na lang tapos na ang game mag aalas sais na rin, maya maya dinner time na namin. Doon lang ako sa park na dati kong pinuntahan ako nagpahinga, ang calm kasi dito tsaka dito kaya ang tirahan ko, diba nga diyosa ako! Hmmp! Pangit ang mainggit.

Nasa gilid ng fountain ako nakaupo ngayon nang biglang may nagtapon ng mga dahon sa may ulo ko.

"Oh damn! Sorry I didn't know you were there! " awww ang cute niya parang guilty na guilty siya sa nangyari. Hahaha. Kung hindi niyo natatanong siya yung gwapong nilalang na nakita ko kahapon. Teka nga ano nga bang ginawa niya sa mga dahon at napunta sa akin?

"Uhhm n-no it's okay" tsaka siya nginitian.

Naka-navy blue siyang polo na hanggang siko ang tupi ng kanyang sleeves, with black pants, tsaka black shoes. He seems like a decent man sa kanyang aura ah.

"Why're you here? You should take a rest, you look so tired, Is it because of the games a while ago? " wow haba ng sinabi niya ah. Hahaha omg akin ka na lang please?

"T-teka, ay wait! Do you speak tagalog? Or understand man lang? " eh kasi naman nakaka nose bleed siya ah.

"Ah yes! But I usually speak english, but I can understand Tagalog "

"Kita ko nga, uhhm bago mukha mo ah? Kasamahan ka ba diyan sa hotel?" ano ba yung sinabi ko?! Syempre hindi, sa gwapo niyang yan?

"Uhh actually––" naputol ang sinabi ni gwapo ng may biglang tumawag sakin, ano ba yan! Panira! Ang epal!

"Ms. Isidro! Bakit ka pa andito? Pumasok kana, ang lamig na oh!" sigaw sa akin ni ma'am Sheer.

"Opo! Susunod na po!" tsaka humarap ulit ako kay gwapo.

"Uhm me-meron kasi akong itatanong. Ano kasi... hindi ko pa kasi alam ang name mo" ba't ba ako kinakabahan. Ano ba yan!

"Oh tha-–"

"Ms. Isidro hali kana! "

"I'm––"

"Halika na nga! Sorry Mr. Westmoreland but we need to go, the students can't eat without her" pagpapaumanhin ni Ma'am Sheer. Tsaka niya ako hinila paalis. Ang epal niya ha! Ayun na sana eh! Tsaka di sila makakain ng wala ako? Ano nga ba ako?!

Pagkadating namin sa sa isang malaking restaurant. Nawala bigla ang inis ko nang maka amoy ako ng masasarap na pagkain. Hmmmm ang bango ah. May paparty ba dito? Omg! Ang dami ng foods ah.

"Uy Treena asan ka ba galing ha? Kanina pa kita hinahanap. Nag aalala tuloy mga kapatid mo! " bungad sa kin ni Jaydie. Andito kami ngayon sa may buffet.

"Uy ano ba wag ka ngang maingay baka marinig nila"

"Wala naman akong binanggit na name ah! Oh ayun oh mga kuya mo puntahan mo o magpakita ka lang para alam nila na andito ka! "

"Oo na! Kumuha ka ng pagkain para sakin ah? "

"O"

Lumapit lang ako ng konti kina kuya para makita lang nila ako. Pero napansin kong parang may pamilyar na mukha akong nakita sa table nila. Teka nga! Diba si gwapo yun? Sino nga ba yun si Wester...  Ay hindi Westmoreland, yun ata apilyedo niya.

Teka parang ang close nilang lahat ah! Hindi naman yan taga school namin ah.

At eto pa. OMG close sila ni Dominic my loves ko! Magkaclose yung dalawang crush ko!

Fool AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon