Chapter 15

59 5 2
                                    

"J-Jefferson? A-anong gina—"

Nakatitig pa rin siya sakin at nang matauhan ay nagsalita rin.

"Uhm... Hi?" hhabang hawak ang kanyang batok.

"Baki—" hindi ko pa natatapos ang sinabi ko nang bigla nalang may tumawag sakin.

"Ms. Isidro diba ang sabi ko office ang pupuntahan mo at hindi lalaki?"

"Po? H-hindi—"

"Let's go now ms. Isidro, sorry sa nangyari Mr. Westmoreland"

Bakit kapag nagsasalita ako pinuputol nalang palagi hindi ba ganun kahalaga ang sasabihin ko para i-interrupt nila?

Matapos ako mabigyan ng parusa na maglilinis mamaya sa classroom ng mag-isa kasi ako lang naman ang nalate kanina. Bakit ganun? Ba't ang malas ko ngayong araw na to?

Habang papunta akong canteen ay napaisip akong muli sa nangyari kanina. Nagpakita muli si Jefferson gwapo kanina, diba sabi niya nung huli naming pagkikita ay dito na siya mag-aaral? Bakit parang hindi naman.  Siguro sinabi niya lang yun para paasahin ako. Charot! Ang assuming ko naman loyal parin ako kay Dominic maylabss ko.

Nakita ko ang mga kuya ko na kumakain sa canteen na sila lang dalawa kay nilapitan ko sila ng walang pag alinlangan.

"O bak— anong ginagawa mo diba ayaw mo kaming malapitan kapag maraming tao?" sabi ni kuya Tristan.

"Psh. Hayaan mo na"

"Kuya bakit ang malas ko ngayon?" habang nakayuko ang ulo ko sa mesa

"Bakit. Bakit. Bakiiit?" at saka hinawakan ang braso ni kuya Tristan at niyugyog.

"OA nito" sabi naman ni kuya.

"Bakit naman? Anong nangyari?" sabi naman ni kuya Lyndon.

"Dalawang subjects ang naskip ko dahil late ako at syempre may parusa tsaka nakita ko si Jefferson gwapo tapos naputol ang paguusa—" nang matauhan ako sa mga pinagsasabi ko ay bigla kong binatukan ang sarili ko.

"Ang paguusa? Jefferson?" nakasmirk na ngayon si kuya Tristan. At napansin kong nakatingin na ang mga tao sa amin actually sa akin, ang sama sama ng mga tingin.

"H-ha? Wala wala alis na nga ako" at tumayo na.

"Mag-uusap pa tayo mamaya ah!" sigaw ni kuya Tristan kay mas lalong sumama ang tingin ng mga tao sakin. Eh paano ba naman sikat sila dito at kausap nila ako na normal girl lang. Wag kayo kapatid ko mga yon! Nakakamatay tong mga tingin nila.

Dumiretso nalang ako sa classroom at idinukdok ang ulo ko sa desk ko. Sobrang nalas talaga ng araw ko ngayon, ano bang meron ha? May kasalan ba akong ginawa sa tadhana ha?

Sa gitna ng pag-iisip ko ay may biglang tumabi sa akin. "Hi"

Bigla akong napabangon at nakita ko si Dominic mylabs ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at sa tingin ko'y pulang pula na ako.

"A-anong ginagawa mo dito? Lunch pa ah?" sabi ko sa kanya.

"Dinalhan ka ng lunch" matamis siyang ngumiti sakin at may nilabas siyang pagkain at binigay sa akin. Kinilig naman ako sa mga ginagawa niya ngayon.

"P-paano mong nalaman na hindi pa ako kumakain?" bakit ba lagi akong nauutal? Nakakinis.

"Dahil alam ko lang, kumain ka na alam kong gutom ka na"

"Salamat ha" tsaka siya nginitian.

"Wala yun"

Tahimik lang kaming dalawa, nang matapos akong kumain ay hindi ko na alam anong gagawin ko, na-o-awkward  ako sa lagay namin ngayon.

"Ano—"

"Treena" sabay naming sabi.

"Ikaw na mauna" sabi ni Dominic.

"Hindi ikaw na"

"Ah gusto ko lang kasi kitang tanungin kung... " ang awkward talaga. Omg.

"Kung?"

"Kung... pwede ba kitang ligawan?" nabigla naman ako sa sinabi niya. Shet first time kong tinanong na liligawan ako at sobrang nanlalambot ang mga tuhod ko buti nalang nakaupo kami ngayon.

"H-h-ha? A-ano kasi kailangan ko pang—" at nagring na ang bell, ibig sabihin nun ay class na namin. Bakit ba lagi nalang napuputol ang mga sinasabi ko?! Bakit ang daming epal ha?! Naiinis na ako ha.

Hindi na natapos ang sinabi ko dahil dumating na rin si sir Albi at umayos na ako ng upo, umayos na rin siya ng upo at nagsimula nang magklase. Makalipas ang ilang minuto ay wala talaga akong maintindihan sa discussions ni Sir Albi, occupied ako sa nga nangyayari kanina. Ang sakit sakit na ng ulo ko kakaisip kung bakit ito nangyayari sakin ngayon. At bakit ngayong araw pa talaga? Hindi ba pwedeng isa lang bawat araw?

Natapos na ang class ay talagang wala akong natutunan sa mga lessons, buti nalang hindi sila nagquiz kundi patay na talaga ako. Lalabas na sana ako ng classroom para kumuha ng panglinis dahil nga naparusahan ako dahil late ako pero bigla nalang may tumawag sakin.

"Treena wait!" sigaw ni Dominic.

"Uuwi ka na ba? Hatid na kita" pag-aya niya sakin.

"Ano kasi maglilinis pa ako sa classroom dahil naparusahan ako"

"Tulungan na kita"

"Hi treena" pagsulpot ni Jefferson na kinabigla naming dalawa.

Fool AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon