Chapter 17

38 4 0
                                    

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Parang nagkaroon ako ng adrenalin. Buong sistema ko ay nagpapanic. Tiningnan ko saglit si kuya Lyndon, wala akong makapang emosyon. Naglakad na siya palapit ni kuya Tristan at nag uusap usap sila, kaya lumapit na rin ako para marinig kung anong pinag-usapan nila.

"Anong lunch? Kayong dalawa lang?" tanong ni kuya Lyndon kay Jeff.

"So date?" pagkumpirma ni kuya Tristan. Ano ba naman tong mga expression nila di ko maintindihan.

"Yes, so pwede ko muna bang mahiram ang prinsesa niyo?" ang gwapo niyang magtagalog, nakakadagdag pogi points.

"Hihiramin mo? Ano siya gamit?" nakakainis talaga tong kapatid ko kahit kailan eh, bakit ba tanong ng tanong eh kung diretsuhin niya kaya?

"Kuya maglalunch lang naman kami" I explained to them.

"Maglalunch? Eh agahan pa nga eh" sabi ni kuya Tristan.

"Syempre mamaya kasi maliligo pa naman ako't magbibihis"

"Ang tanong pinayagan ka na ba namin? O kaya kina mommy at daddy" My mouth went agape. Like seriously? Napansin kong nagtitinginan silang dalawa ni kuya na parang may pinag-usapan gamit lang ang kanilang mga mata.

"Papayag kami sa isang kundisyon" nakangising aso si kuya Tristan habang sinasabi ang mga salitang iyon.

--

Kanina pa ako napamura sa isip ko. Ewan ko ba, kung ano ano nalang ang iniisip ng mga kuya ko.

"Oh okay ka lang?" tanong ni kuya Lyndon. Andito lang naman kami sa isang restaurant kasama ang mga kuya ko na imbes kami lang dalawa ni Jeff.

"Oo cr lang muna ako" sabi ko at bigla naman nagsalita si kuya Tristan.

"Buti pa nga, mukha kang natatae eh" at tumawa pa ng malakas. Walang hiya to. Kaya't inirapan ko na lamang siya.

Matapos kong kausapin at pakalmahin ang sarili ko sa salamin ay bumalik na ako sa table namin. Kitang kita ko mula dito sa pinto ng cr sina kuya, seryoso ang kanilang mga mukha na parang bang may malalim na pinag uusapan. Di ko nalang pinansin iyon at naglakad nalang papunta sa kanila. Napansin kong bigla silang natahimik pagkaupo ko.

"A-anong meron?" kabado kong sabi. Eh pano ba naman parang ang talim ng kanilang mga tingin ni kuya Lyndon at kuya Tristan kay Jeff.

"May p-problema ba?" bakit hindi sila nagsasalita? Napipi ba sila sa pagkain?

"We gotta go, let's go Treena" sabi ni kuya Tristan habang hila hila na niya ako. Sobra akong nalilito kung bakit biglang nag iba ng kanilang timpla sa mukha. Nagkakaganyan lang naman sila kung may galit sila sa isang bagay o tao. Hindi kaya... Nagalit sila ni Jeff? Pero bakit?

Habang papauwi kami, tahimik lang ako sa isang tabi. Ang tense naman ng katahimikang ito.

"Ah kuya I remember something pupuntahan ko pala si Jaydie sa kanila dahil ma—"

"No" nabigla ako sa pagputol sa akin ni kuya Lyndon, hindi naman siya ganito pag nag uusap kami.

"Mag uusap tayo sa bahay" sabi ni kuya Tristan. Hudyat na natahimik na ako ng tuluyan.

Kabado akong nakaupo sa sofa. Diretso lang tingin ko sa aking mga kamay habang nilalaruan ito. Ewan ko ba wala pa lang sinasabi sina kuya parang sasabog na ako sa sobrang tense at kaba.

"We heard that may manliligaw ka na, sinagot mo na?" matigas na sabi ni kuya Tristan. Hindi pa rin ako tumitingin sa kanila at parang alam ko na kung anong batid nilang ipahiwatig.

"Diba we told you noon pa man na wag kang tumatanggap ng manliligaw ang bata bata mo pa para sa mga ganyan" kuya Tristan said.

"Alam ko naman iyon pero promise kuya wala—"

"Alam mo naman pala, you should've said no, para mo na rin binibigyan ng chance ang manliligaw mo Treena" sabi ni kuya Lyndon.

"Si Dominic diba? Siya iyong manliligaw mo diba? At ngayon may balak na rin si Jefferson na manligaw sayo" napatingin ako kay kuya Tristan sa sinabi niya. Liligawan ako ni Jeff?

"You young lady wala ka pang alam sa ganyang mga bagay, enjoy your teen life muna, at hindi mo pa sila lubos na kilala, at baka maaari ka nilang saktan Treena, I am just warning you dahil ayaw naming makaramdam ka ng early heartbreak pag nagkataon, oo okay lang pag may crush ka pero hanggang doon lang yun" pangaral sa akin ni kuya Lyndon. I find it so special, because they really care for me. Napabuntong hininga na lamang ako.

"Okay"

That is all I could say.

Fool AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon