Chapter 14

52 5 0
                                    

Pagkauwi't pagkauwi ko sa bahay agad kong dinaluhan sina mommy at daddy na naghahanda ng dinner sa dining room.

"Hi ma, hi dad" masigla kong sabi.

"Hi mommyyyy! Daddyyyy!" bungad ni kuya Tristan.

"Oh, nasaan si Lyndon?" tanong naman ni mommy.

"May date eh" tanging sabi ni Tristan.

Tahimik lang kaming kumain nang magsalita si daddy.

"Hindi ka ba naiingit ni Lyndon na may girlfriend na siya at ikaw naman Tristan wala?" bigla namang napainom ng tubig si kuya. Pfft nakakatawa ang reaction niya.

"Ma bakla po yan kaya ayaw niyang mag girlfriend. Lalaki kasi ang gusto" sabi ko, nasamid bigla si kuya.

"Tingnan niyo pa ho mom,dad nasamid pa siya ibig sabihin totoo yan" at tumawa ako ng malakas.

Tiningnan naman ako ng masama ni kuya at tumayo nalang, dumiretso na siya sa kwarto niya.

"What was that? " sabi naman ni mama.

Napakabit balikat na lamang ako.

"Ikaw naman Treena may ano ka raw, ano nga yon hon? Yung MU? oo MU bakit wala ka namang say jan? "

Ako nanaman itong nasamid sa tubig kong ininom.

"H-ha? Anong MU? wala ah" pagtanggi ko

"Wag kang denial anak I've been there" sabi ni daddy, bigla naman binatukan ni mommy si daddy.

"Anak alam mo yang MU nayan may something yan alam ko, pero anak wag ka munang magboboyfriend ang baby mo pa anak hindi ko pa kaya" at umacting si mommy na parang naiiyak.

"Mom wala ho tsaka sinong nagsabi sayo niyan?"

"Hindi na importante kung sino ang nagsabi basta papuntahin mo ang lalaki rito gusto namin siyang makilala at para makilatis namin" sabi ni mommy.

"Ughh! Ewan ko sa inyo, sabing wala eh!" tsaka tumayo na ako nang bigla kong maalala.

"Tsaka mom, dad, wag niyo muna mabanggit banggit to kina kuya baka pagkakatuwaan na naman nila ako"

"Sabi na eh" rinig kong sabi ni daddy.

"Okay anak zip lang ang mouth namin" nakangising sabi ni mommy.

Nakakainis. Pagkapasok ko sa kwarto agad kong tinawagan si Jaydie.

"Hi bestie! Nakauwi ka na ba? Ako nakauwi na ako hinatid ako ni Lyndon pauwi na rin siguro yun wag kang mag alala" bungad ng magaling kong kaibigan, sarap putulan ng dila.

"Hoy! Di yan pakay ko. Wag mo kong mabestie bestie ba't mo sinabi kina mommy at daddy?!"

"Ang alin?"

"Wag ka ngang magmaang-maangan"

"Hahaha wala naman masama dun okay na nga yun diba para di kana mahirapan magsabi sa kanila, sa mga kuya mo nalang ang problema mo or baka gusto mong ako nalang din?"

"Wag mo nga akong pangunahan, tsaka diba sabi ko wala akong MU ba't iba ang binalita mo?"

"Eh yun naman talaga tawag nun ah"

"Hay nako talaga. Nasestress ako sayo eh baka ano na isipin ng mga magulang ko, malalagot ka talaga sakin"

"Don't worry bestie ano ka ba haha"

"Wag ka ngang tumawa jan at saka wag mo talaga to masabi sabi sa mga kuya ko kundi patay ka sakin"

"Okay pooo haha"

Pagkatapos ng tawag hindi agad ako nakatulog. Ang dami dami ng iniisip ko. Daming gumugulo. Nakakinis. Talaga bang MU na kami ni Dominic kahit hindi naman namin napag-usapan? Aish! Ewan.

Kinaumagahan di ko namalayan na sobrang late ko na pala. At ang mga kuya ko naman? Wala umalis na at iniwan ako.

Pagkatapos kong magbihis at kumain, hinatid ako ni daddy papuntang school dahil may pinapapabili pa si mommy kay manong driver.

"Anak yung MU mo kapag magdate kayo text mo ko agad ha? Tapos ikwento mo sakin at promise hindi ko ipagsasabi sa nanay mo" pangising sabi ni daddy. Tinignan ko naman siya ng masama.

"Pa wag ka nga madaldal jan. Tsaka inuulit ko po wala akong MU. Sige na po sobrang late ko na tsaka baka malate ka na rin sa work mo dad" hinalikan ko na siya sa pisngi at nagsimula na akong maglakad.

Hindi pa lang ako nakakaapak sa classroom namin nang may biglang nagsalita.

"Ms. Treena Isidro, alam mo namang hindi namin tinotolerate ang mga batang nalelate?"

"O-opo maam" sabi ko habang nakayuko.

"Good, alam mo na saan ka pupunta you may go now"

Habang papunta ako sa office tiningnan kong muli ang relo ko at late na pala ako ng 3 subjects at 1 subject nalang pagkatapos ay lunch break na. Hay nako bakit di ko namalayan yun? Eto kasing magaling kong bestfriend ang kati ng bibig Binalita pa niya sa mga magulang ko. Eto tuloy.

Bubuksan ko na sana ang pinto ng bigla ring may humawak sa door knob kumbaga nahawakan niya kamay ko.

Tiningnan ko kung sino. Nanlaki ang mata ko at may kung anong gumugulo sa tiyan ko ngayon. What the....

"J-Jefferson?"

Fool AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon