Chapter 34

22.6K 407 58
                                    

Venus Pov

Back to the old routine na naman ako kaso may nadagdagan na saamin.Tapos na yung break ko. Kailangan na naming mag trabaho ni Lance at kailangan naring pumasok nila Saf at Gab sa school. Naku! Kailangan ko pang magluto.

Tumingin ako sa gilid ko at nakita ko ang aking napakagwapong soon to be husband. Haaaayy ang pogi talaga. Hinalikan ko siya sa pisngi at tinali ko na yung buhok ko. Nag,amadali akong bumaba kaso nashock ako sa nakita ko. Kumakain na yung dalawa kong anak. Wait?!

"Manyak mo Love hinahalikan moko kahit tulog ako"sabi niya sabay hug sa likod ko.

"Goodmorning mom"sabi ni Saf

"Goodmorning mommy "sabi ni Gab

"Goodmorning "sabi ko. Kinilig ako omg! God I'm so blessed to have him. Thank you so much for everything.

Agad ko siyang tiningnan at parang nagtataka siya kung bakit ko siya tinitingnan. Kumunot yung noo niya pero kahit naka kunot ang pogi talaga!

"Ang gwapo mo"sabi ko

"What?"tanong niya

"Wala sabi ko ang gwapo ng anak ko "sabi ko while rolling my eyes.

"Ang ganda mo rin. "sabi niya

Aba't mabuti na at hindi na siya masyadong nag eenglish.  Yung mga anak ko rin nagtatagalog na sila kaso mukha paring alien pakinggan pero ok na yun no!

"Let's eat hon"sabi niya

"Ok"sabi ko

Kumain na kami at naligo. Hinatid na namin yung mga anak namin sa school at dumiretso kami sa isang wait ? Bakit may naka display na wedding gowns? Omg! No way!

"Let's go?"sabi niya sabay smile.

Sumunod ako sa kanya at pagpasok ko palang ang gara na. Jusko mukhang mahal dito. Naku naman konti lang naipon ko. Hindi naman siguro ako papayag kung si Lance lang yung gagasto sa kasal namin.

"Hi tante"sabi ni Lance

"Hello Lanceyyyy! "sabi nung babae sabay hug at beso kay Lance. Tumingin siya sa akin at mukhang nasiyahan siya nung nakita ako. Char! Ang ganda ko te! Pak!

"Oh! Your name is Venus right? Wow you're so beautiful like me!"sabi niya

"Opo. Hahaha salamat po"sabi ko

"By the way, Love, this is Tante Marie. She's my aunt and our wedding planner. Magsusukat ka ng gown mo ngayon para sa wedding natin"sabi ni Lance

"Hello po"sabi ko

"Naku hindi ako mahihirapan sa magiging wedding gown mo dahil kahit simple lang yung ipapasuot ko sayo, magmumukha ka paring diyosa!"sabi niya

Tumawa lang kami at sinukatan na ako ni Tante Marie. She's half Norwegian. Pagkatapos ko ay sinukatan narin si Lance.

"Thank you so much Tante Marie. So we gotta go?"sabi ni Lance

"Sure! Ako na bahala sa wedding niyo. Gosh so excited "sabi niya

"Bye po" sabi ko

Pumasok na kami sa sasakyan at mukhang late na talaga kami sa trabaho. Naku andami ko na sigurong tatrabahuin.

"Love, you'll meet my family the day after tomorrow. "sabi niya

"What?! Sa susunod na araw na?! "nabigla ako sa narinig ko. Bigla akong kinabahan. Naku naman! Kinakabahan na talaga ako.

"Yep. At magshoshopping ka ngayon. Don't worry akong bahala sayo. May importante lang talaga akong meeting kaya hindi kita masasamahan. "sabi niya

"No no it's ok"sabi ko

Omg! Anong gagawin ko? Naku naman! Kinakabahan na talaga ako. What if hindi ako magugustuhan ng family niya. What if panget ako sa paningin nila. What if, What if, Arghhhh too many what if's in my head!

Binaba na ako ni Lance sa mall. Kailangan kong bumili ng bagong damit at shoes. Anong i susuot ko?! Naglakad lakad na ako sa mall at naghahanap ng mga damit. Pumasok ako sa isang boutique at feeling ko ang mahal dito. Pero kay dress akong nagustuhan. Rose gold yung kulay niya. Sabay sa pagkuha ko sa damit ay kay kamay ring humawak sa kabila nito.

"Ow I'm so sorry sige sayo nalang" sabi ko

She's beautiful. Maputi,matangos ang ilong at chinita. Mukha siyang model kase matangkad rin siya.

"No miss ikaw naka una kaya sayo na. Hindi naman ako mangaagaw. Kung sinong nauna siya dapat ang nagmamay ari"sabi niya and smiled at me. I smiled back.

"Thank you."sabi ko

"Miss, can you come with me kahit ngayong araw lang? Pretty please! Kakauwi ko lang kase galing Korea. "sabi niya

"Sure kapalit nalang nitong dress"sabi ko

"Thank you so much!"sabi niya at mukhang mabait naman siya.

Nagbayad na ako at pumasok kami sa iba't ibang boutique. Nagsusukat kami ng mga damit and I really enjoyed being with her. Pumasok kami sa Aldo dahil may bibilhin daw siyang shoes. Pagkatapos ay nag window shopping nalang kami. Mga almost 1pm na kaming natapos at gutom na kami pareho.

*Guru*Guru*Guru* (tunog ng tiyan)

"Gosh hahahaha pareho na ayang gutom yung alaga natin. May alam kabang masarap na restaurant dito?"tanong niya

At dinala ko siya sa isang Italian Restaurant. Favorite ko kasi tong restaurant nato kase ito yung pinaka unang mamahalin na restaurant na napuntahan ko noon nung katulong palang ako kina Mercury.

Nag order na kami at nag kwekeento ng mga bagay bagay. Kinwento ko sa kanya yung mga anak ko, si Lance at yung mga nangyari samin ni Nathalia. Ewan ko ba pero comfortable na ako sa kanya.

"Naku naman kanina pa tayo nagkasama pero hindi pa natin kilala ang isa't isa. My name is Venus. And you are?"tanong ko

"Ay oo nga pala hahaha I almost forgot. Well my name is Yumi. Yumi Park. " sabi niya

Yumi?


*************************************************************

Hey guys happy 99.5k reads! Omg I'm so happy! Salamat sa pagbabasa ng story ko. Hey sinong gustong magpa dedicate? Vote and comment guys. Thank you!

Krisha

The Father Is My New BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon