*******Venus's Pov*******
Patay ako ni Mercury ngayon . T___T. Mas lalong patay ako kung nalaman niyang hindi na ako virgin huhuhu.
"Manong dito lang po. Ito po bayad . Salamat po"sabi sabay labas ng taxi.
Papasok na sana ako ng gate ng nakita ko si Mercury na nakatingin sakin. Patay! Nahuli niya ako.
"Venus! San kaba nanggaling?! Ilang ulit akong tumawag sayo pero wala naman sumasagot! Aish! "galit niyang sabi.
Kung hindi niya sana ako nahuli aakyat ako sa kwarto ko at palalabasin ko sana na nauna na ako. Hay. Ano bang gagawin ko? Sasabihin ko ba kay Mercury ang nangyari kagabi? Ay wag nalang.
"Hoy! Venus kinakausap kita! San kaba galing?"sabi niya sakin sabay lapit.
Agad akong bumalik sa katinuan ko at lumakad papasok ng bahay nila. Diyan ako nakatira at maid ako diyan.
"Sorry Mercury naka tulog ako sa isang kwarto. May kwarto naman pala sa bar kaya natulog ako."palusot ko.
Ang totoo niyan Mercury lumandi ako at may ka sex ako kagabi. Aish! Hindi niya dapat yun malaman no! Argggg! Hindi ako makakaisip ng matino dahil sa nangyari! Bwisit na lalaking yun!
"Sus! Nakatulog o may KASAMANG NATULOG?"sabi niya sabay ngiti.
Alam niya ba?! Naku naman! Nakakahiya to! Paano niya ba nalaman?
"Joke lang ! Hahaha halika na kain na tayo. Para namang totoo dahil sa expression ng mukha mo."sabi niya sabay akbay sakin.
Dinalhan niya ako ng pagkain pero pinaglaruan ko lang ito. Wala akong gana. Teka? Nag condom ba siya kagabi? Baka naman wala! WAAA! Hindi pwede! Sana baog siya! AHHH! Hindi pwede hindi pwede!
"HOY! VENUS TINATANONG KITA KUNG BAKIT HINDI KA KUMAKAIN!"sigaw ni Mercury.
Ay! Nag sasalita pala siya? Ba't hindi ko narinig? Arggg! ANo bang nangyayari sakin?!
"Ano bang nangyayari sayo? Hay naku magbihis ka na nga dun"sabi niya
Kaya tumayo na ako at pumasok sa kwarto ko at nagbihis. Pinunasan ko ang aking mukha at tumingin sa salamin.
"Kalimutan mo nalang ang nangyari venus. Kalimutan mo nalang"sabi ko
Pinapangako ko sa sarili ko na hinding hindi na ako pupunta sa mga ganung party.
*****After 1 month"****
Habang naglilinis ako ay bigla akong nahilo. Ewan ko ba kung bakit ako nahihilo.
"Venus anong nangyari sayo? Magpahinga ka muna "sabi ni Mercury
Pero imbis na sasagutin ko siya ay bigla akong tumakbo sa C.R. at sumuka.
"Venus anong nangyayari sayo? "nag aalalang tanong ni Mercury.
Ano nabang nangyayari sakin? Palagi nalang akong sumusuka tapos nahihilo.
"Mercury may buko juice kayo? Penge naman o"sabi ko
Gusto kong uminom ng buko juice. Palagi nalang akong naghahanap gmga pagkain. Nakakahiya tuloy kay Mercury .
"Meron kuha kalang" sabi niya
Lalakad na sana ako ng bigla akong nahilo.
And all went black.
*********Mercury's Pov******
Ano bang nangyayari kay Venus? Palagi nalang naghahanap ng pagkain at kumakain ng weird foods.
BINABASA MO ANG
The Father Is My New Boss
Teen FictionI got pregnant because of a damn one night stand and he didn't take the responsibility. After how many years, we met again. And the worst part is, HE'S MY NEW BOSS. But despite of all these happenings, these past few years, my life was a lie.