23:
*KING KONG KANG KONG* (haha, bell ng school!)
monday ngayon at bukas na yung presentation ng mini movie namin, pero ang Bakla hindi nagpaparamdam samin.. aba! pasalamat sya at ginawa namin siyang director. dapat nga sya yung kasa-kasama namin at hindi si Lance(na mukhang bored lang kaya tumulong). pero as bestfriend nagtatampo din at hindi niya ko kinocontact sa nagdaang weekends. syempre magpapaalam yun o magsasabi sakin kung anong rason niya diba.
1st subject, wala sya.
2nd subject, wala parin.
3rd subject, may pumasok na pogi may dalang sulat.
lunch break, hinanap ko siya i mean namin ni Hero sa mga possibleng lugar na tinatambayan niya dito sa school. pero, no signs of him.
4th subject, pumasok na naman yung pogi at may dala ulit na sulat. nakita kong nagtanguan sila ni Hero.
5th subject, pagkatapos nito uwian na. okay, mukhang umabsent! tinext ko na din siya pero hindi siya nagrereply.
KING KONG KANG KONG
"Hayse, blah bla blah blah." seriously Zero? anong sinasabi mo? kinakausap kasi ako habang nag-aayos ng gamit kaya tumingin ako sa kanya. uneasy siya, kaya napataas yung kilay ko.
"ayusin mo nga! hindi ko maintindi----"
napatingin ako sa pintuan ng room. there's a guy with shades and cap na naglalakad. nagsasalita si Zero pero nafocus ako dun sa guy.
sinundan ko siya ng tingin hanggang lumagpas na siya sa 2nd door. napatakbo ako bigla palabas ng room.
SI BAKLA YUN!!
Okay, kakausapin ko ng masinsinan tong Baklang toh!
mahahawakan ko na sana yung balikat ni Bakla.
"hoy, bak-"
"Hayse, may sasabihin ako sayo." pero biglang sumulpot si Zero sa harap ko.
tumingkayad ako at sinisilip si Bakla. ANG LAKI NAMANG HARANG NITO!!
"Zero, mamaya nalang ha!" tiningnan ko sya tapos nagpuppy eyes. nagnod nalang sya.
Tumingin ulit ako kay Bakla ayun, nakaalis na pala. Hindi man lang ako inintay! kainis! ilang araw ko na din syang hindi nakikita tapos eto parang iniiwasan na naman ako!
nakita ko siya sa may pinto, tumingin siya sakin. i swear!
tumakbo ulit ako at nagbabaka sakaling mahabol ko siya.
napatigil ako sa pagtakbo dahil may naramdaman akong kamay sa wrist ko.
tumingin muna ako sa paligid, wala na. hindi ko na makita si Bakla. Atsaka ako lumingon sa taong may ari ng kamay na yon.
"Yuki! Tara, uwi na tayo!"
^___^
SI CRUSH!!!
"Hayse!" may tumawag na naman sakin paglingon ko si Zero. lumapit sya samin ng hingal na hingal.
tumingin ako kay Crush tapos kay Zero.
"okay! Ah Zero, bukas mo nalang sabihin sakin yang sabihin mo, uuwi na kasi kami." tagal ko na din kasing hindi nakakasama tong si Crush! si Bakla naman, out of nowhere. Kaya sasabay ako kay Crush.

BINABASA MO ANG
MY GAY-BESTFRIEND IS IN LOVE??? WAIT?? SA BABAE??(on-going)
Jugendliteraturits about friendship, and love.. a gay who is a so called SUPER GAY TO DEATH ang drama, na nainlove sa BESTFRIEND niyang ang drama sa buhay eh, maghanap ng LALAKIng(true man) katulad ng bestfriend niyang bakla.. hindi niya alam nasa tabi tabi lang p...