21:
HAYSE'S POV
tss. hindi na talaga makapagpigil ang kalandiang taglay ng Baklang yun! kaasar!
"di maipinta yang mukha mo." bulong ni Zero sakin. tumingin ako sa kanya.
"inisnob kasi ako ng malanding baklang yun!" pwes, iisnobin ko din sya. gantihan lang yan! "--yung mole mo, nadislocate."
kumuha ng salamin si Zero, natawa ako, ang laki at ambakla ng salamin. talagang heart shape pa tapos may picture pa ni princess diana sa likod. inayos niya yun atsaka nagpasalamat.
nagfocus na kami sa tinuturo ng prof kaso nababagot ako. di ko alam, kung gusto kong matulog oh, magcucutting narin ako. habang pinag iisipan, tumingin nalang ako sa bintana.
nakita ko si Bakla na humiga sa bench. napatayo ako. ang kulit talaga ng Baklang yaaaan!! sinabi nang wag hihiga dun eh! ang dumi dumi nun! kaasar, hindi nakikinig!
buti nalang nagsusulat yung prof at hindi ako nasisita kung bakit nakatayo ako. sinenyasan naman ako ni Zero na umupo na. umiling ako tapos tumingin ulit sa may bintana.
nagtaasan yung balahibo ko nung nakita kong nakatingin sakin si Hero at todo ngisi pa. ganyang ganyan ang itsura ng isang titan sa pinapanood kong shingeki no kyojin..katakot!
umupo na ako kasi nakita kong umupo na si Bakla, nagpagpag siya ng braso niya. tsk, sinabi ko na kasing madumi eh! pero nakatingin parin ako sa kanila. medyo curious ako kung anong pinag uusapan nila, masyado silang seryoso.
ngayon ko lang silang nakitang ganun.
mas lalo na si Bakla.
mukha siyang malungkot, may problema na naman ba kaya?
"Hayse, magfocus ka, isinusulat ni Mam yung mga coverage ng exam." tumingin na ako sa board at sinusulat nga ni Mam. okay, kelangan sumunod kay Zero, syempre para makagraduate.
habang sinusulat ko yung coverage, may lumanding na papel sa desk ko. tumingin ako sa paligid. tapos sa tabi ko.
pag bukas ko ng papel, drawing ang nakita ko.
ang galing ng drawing, parang ako.
teka, ako nga toh!!!
tapos may nakasulat sa likod na, 'punta ako sa inyo mamaya. patambay! XD'
ah okay, galing kay Zero to kaya tumingin ako sa kanya. nakangiti siya sakin. tapos pumilas ako ng papel sa notebook at sinulatan.
'basta ba may pagkain! tamang tama wala akong pang dinner dun, pagluto mo ko XD'
tapos initcha ko sa kanya, nung nabasa na niya, nagpout siya. Aba, kala mong cute!! konti lang!
may lumanding ulit na papel sa desk ko, binasa ko ulit. 'cge ba, basta ba, sasayawan mo ko habang nagluluto! ;p'
"kadiri ka!" napatingin sakin yung iba kong classmate, yung iba deadma. atsaka, wala akong pakielam!
nag-shhh si Zero pero tatawa tawa.
"o kaya sumali ka nalang din sa Anonymous, ipopromote kitang no.1 fan ko! haha!" alam niyo yung naaasar pero natatawa na expression? ganun ako ngayon, tapos sinipa sipa ko yung upuan niya. kaasar eh! ang yabang!!!!
![](https://img.wattpad.com/cover/753667-288-k672871.jpg)
BINABASA MO ANG
MY GAY-BESTFRIEND IS IN LOVE??? WAIT?? SA BABAE??(on-going)
Novela Juvenilits about friendship, and love.. a gay who is a so called SUPER GAY TO DEATH ang drama, na nainlove sa BESTFRIEND niyang ang drama sa buhay eh, maghanap ng LALAKIng(true man) katulad ng bestfriend niyang bakla.. hindi niya alam nasa tabi tabi lang p...