14:
Hayse's POV
masaya ako ngayon, dahil bukas magtutwenty-one na ko. debut ko na! hahaha! joke, sa lalaki lang yun.. buong araw hindi ko nakasama ang bakla kong bestfriend, dahil si Hero ang inaatupag niya..ah bali, buong linggo pala yun na minsan lang kami magsama. feeling ko nga, parang nagkagap samin. pero ganun parin naman siya at ganun lang din naman ako. yun nga lang, minsanan lang siyang pumupunta samin, hindi tulad dati, halos araw araw. nakakamiss!
eto nga oh, si Nerd kausap ko na naman. akalain niyo yun, nakakatawa pala siya! dame kong tawa pag laging nagkukwento. puro, kabalastugan. tungkol sa pag utot niya, sa embarassing moments niya, at sa brace niya. basta, random lang pinag uusapan namin, hindi na nga ako badtrip sa kanya. ah! badtrip pa pala, pag puro kayabangan ang sinasabi.
at dahil miss ko na ang bonding namin ni bakla, sinabihan ko siya kanina na magkita kami ng 8pm. kasi balita ko may bago daw na waiter na gwapo. natatawa ako pag naiisip ko si bakla na laging oorder tapos titingin sa likuran nung gwapo. haha!
5pm pa naman, kaya natulog muna ako..nanaginip pa nga ako, na ako daw yung tumatakbo sa temple run at si baklang halimaw ang humahabol sakin. yan siguro ang napapala ko kakalaro ng bagong temple run 2 sa cp ko. nagising naman ako magsisix na. masyado pang maaga kaya naligo muna ako tapos pumuntang SM para maggrocery.
naka-oversized sando ako at gray shorts tapos DC shoes, then cap.
pagkakuha ko ng cart, dumiretso agad ako sa noodles section, kumuha ako ng maraming la paz batchoy at nissin spicy seafood. tapos pancit canton at ramen. ano pa ba?
"excuse miss." itinabi ko yung cart ko para makadaan yung nasa likod ko, kumuha pa ko ng sotanghon lite saka ramyun--
"ah.. nagkita na ba tayo?" tinaas ko yung visor ng cap ko ng bahagya at tiningnan yung kumakausap sakin ngayon..
huh??
"oh, sorry..sa tingin ko. ngayon lang kita nakita." bakas sa mukha nung lalaki ang disappoinment. tinitigan ko siya ng mabuti, medyo pamilyar nga siya. "pero, pamilyar ka." dugtong ko.
naglighten yung mukha niya at ngumiti. tsk, pamilyar talaga siya, nagkita na siguro kami..di ko matandaan kung saan.
mukha naman siyang naiinip kaya nagsalita na siya, "AHAH! classmate mo si Zero di ba?a-ako yung pinsan niya, remember?"
pinsan?
yung gwapo na type ako?
wow, kapal ko! hahaha!
"YEAH, oo, natatandaan na kita! oo tama, ikaw si gwap----" natakpan ko ng mabilis yung bibig ko, nakakahiya! buti nalang hindi ko tinuloy. nagtaka naman siya kaya parang ang mukha niya nagtatanong.
"well, anyway, nice meeting you here. ah, may kasama ka?" umiling ako. hello?? mukha bang may kasama ako? "mind if i join you?" natingin lang siya sakin habang nag aantay ng sagot, medyo nag iisip pa kasi ako. tsk, medyo nahihiya din kasi ako sa kanya, kasi di ba, ako yung nag alaga sa kanya nung may lagnat siya. ehhh, nakita ko yung katawan niya.. basta, nahihiya ako!
"no, i don't mind." TRAYDOR KA BIBIG KO! nahihiya nga ako di ba? dapat nagdahilan ka na lang!!
nilibot namin buong supermarket, medyo madami dami na nga yung nagrocery ko. pero tama lang din to, para naman may stock ako sa bahay. nakapila na kami sa counter, at siya naman eh kwento ng kwento. ang dami ko na ngang nalalaman sa kanya. Zeke pala name niya. tunog pogi di ba? angkop na angkop sa kanya!!
ewan ko ba, magaan ang pakiramdam ko dito kay Zeke, kahit hindi naman kami close eh, minsan parang ang sarap suntukin sa sobrang pasikat. pero i think, ayan yung personality niya.. hindi siya yung nakakasar, nakakatuwa nga eh. tawa nga kami ng tawa dahil namamangha siya sa pagdudurog ko ng mga imported chocolates na nakadisplay.

BINABASA MO ANG
MY GAY-BESTFRIEND IS IN LOVE??? WAIT?? SA BABAE??(on-going)
Novela Juvenilits about friendship, and love.. a gay who is a so called SUPER GAY TO DEATH ang drama, na nainlove sa BESTFRIEND niyang ang drama sa buhay eh, maghanap ng LALAKIng(true man) katulad ng bestfriend niyang bakla.. hindi niya alam nasa tabi tabi lang p...