Alice's P. O. V
Sa wakas at tapos na ang araw ng pagiging normal students namin pero palagi nalang bumibisita dito si Yna dahil nga kay Drew nandito kami ngayon sa green house as usual nagrerelax lang kami.
"Drew!! " alam ko ang boses na yon ng matingnan namin si Yna nga at tumabi kaagad kay Drew na nasa gilid ko nakaupo.
"Ano ba Yna, may kailangan ka ba sa akin? "pagtatanong ni Drew.
"Wala gusto lang kitang makita at ito ipinabibigay ni Luke " sabay abot niya ng invitation cards.
"Andami naman yata niyan Yna? "pagtatanong ni Bryan.
"Kasi inbitado rin sila Alice ewan ko ba para bang kilala na nga niya sila Alice dahil sabi niya gusto niya raw sila ulit makita" Ano daw?? Sino ba ang Luke na yan. Teka, familiar ang pangalan niya nakita ko na tumingin sila Tracey sa akin, I just shrug.
"Oh, ano sama ba kayo Girls? " pagtatanong ni Bryan.
"Jnvited kami eh. Kaya pupunta kami at para na din makilala namin yang Luke na yan " sabi ko.
"Oh, ayos na lahat sige maghahanda nako kayo din dahil mamayang gabi ang birthday party ni Luke" excited na sabi ni Yna at umalis na ng biglaan napabuntong hininga nalang si Drew.
"Paano mauna na kami guys at magreready na kami " sabi ni Khaileen at tumayo na kami.
"Magkita nalang tayo sa bahay nila Luke hintayin niyo kami sa labas" sabi ni Drew at nagnod lang ako.
"Alice, yung Luke na yon familiar ang pangalan niya " sabi ni Mira na seryosong nag iisip.
"Makikita rin natin siya sa ngayon maghanda nalang muna tayo" sabi ko at nagtungo na kami sa palagi naming pinapagawaan ng mga dress namin at pagmamay ari ko yon.
Drew's P. O. V
Ano bang ibig sabihin ni Luke na gusto niya ulit makita sila Alice. Ibig sabihin nagkita na sila? Pero mukhang hindi naaalala ni Alice dahil malalim na nag iisip si Alice kanina ng mabanggit ni Yna si Luke.
"Drew, mukhang malalim ang iniisip mo ah " sabi ni Sky habang naghahanda kami.
"Wala" sabi ko at naghanda nalang ganoon na rin sila. And when the time came, we were ready to attend the party.
"Sa wakas nandito na rin tayo bakit ba ang layo ng reception nitong birthday party ni Luke kahit kailan talaga" pagrereklamo ni Einar at Bryan.
"Guys dito" tawag ni Mira at Lara sa amin ng makita ko sila ang gaganda nila lalo na si Alice. Nang makapasok kami, kaagad na bumungad sa amin sina Luke at Yna.
"Hi Drew, wow grabe ang gagwapo niyo naman at ang gaganda niyong lahat" pagpupuri niya sa amin.
"Syempre kami pa" sagot naman ni Einar at Bryan.
"Oh, kamusta Drew long time no see " sabi ni Luke habang inakbayan ako.
"Ayos lang Luke long time no see rin" sabi ko ng mapansin ko si Alice na umaalis.
"Sige, mamaya ulit Drew. Oo nga pala ang daming taong naghahanap sayo " sabay kindat niya sa akin.
"Yeah, okay"
Alice's P. O. V
Ang boring naman dito at kahit anong gawin kong pag iisip hindi ko pa rin talaga natatandaan si Luke nasa veranda ako ngayon.
"Ikinagagalak ko na makita ka Miss Alice " ng may nagsalita sa likuran ko ng makita ko si Luke at lumapit siya sa akin.
"Hindi ka ba nag eenjoy sa Party? "pagtatanong niya.
"Hindi naman sa ganoon sige aalis na muna ako baka kasi hinahanap na nila ako" pagpapalusot ko at nagsimula ng maglakad ng hawakan niya ang wrist ko.
"Mukhang wala ka pa talagang alam " ani Luke.
"Ano bang pinagsasabi mo? " hindi ko siya maintindihan.
"Malalaman mo rin sa tamang panahon, Alice. Ang lahat may sasabihin lang ako sayo parang may gusto sayo si Drew" bigla nalang siyang lumapit sa akin ilang inches nalang ang layo ng mukha namin.
"H-huh, ano bang pinagsasabi mo?!! " bigla niya aking hinila sa waist ko.
"Wag kang mag alala hindi kita sasaktan makikita mo rin ang mangyayari" hindi ko talaga siya maintindihan ng may humila nalang sa akin bigla at ng makita ko si Drew at m-mukhang galit siya at mahigpit ang pagkakahawak niya sa waist ko.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo ha Luke!!! " galit na bulyaw ni Drew. Bakit ganyan nalang ang galit niya.
"Drew, ayos lang wala naman siyang ginawang masama" pagpapaliwanag ko.
"Wag na wag mo ng lapitan si Alice " ani Drew.
"Happy Birthday tara na Alice" sabay hila ni Drew sa akin ang higpit ng pagkakahawak niya sa akin.
"Drew, bitawan mo na nga ako nasasaktan ako" binitawan niya rin ako pagkasabi ko non nasa hallway kami ngayon at wala gaanong tao.
"Ano bang sinabi niya sayo Alice?" pagtatanong ni Drew at humarap sa akin.
"Na may " bakit ba hindi ko masabi ako rin naman eh ay naguguluhan sa pinagsasabi ng Luke na yon.
"W-wala yon"sabi ko at iniwas ang tingin ko sa kanya.
"Sabihin mo na Alice alam kung may sinabi sayo si Luke tell me" Wika ni Drew.
"Wala yon. Pwede ba wag na natin pag usapan yon" matapos ko yung sabihin umalis nako gusto kung sabihin sa kanya pero, aarrgghh!!!! Bwisit talaga oh, kasalanan to ng Luke nayon.

BINABASA MO ANG
Gangster Queens Vs. Mafia Kings [COMPLETED]
Roman pour AdolescentsMay mga magkakaibigan na walang kinatatakutan at walang inaatrasan lalo na sa pakikipaglaban. Kilala sila bilang ang "Miraculous Cute Girls " o mas kilala sa kanilang sekretong buhay bilang "Gangster Queens". Paano kung may makilala sila na magpapa...