Drew's P. O. V
Kanina pa ko naghihintay kay Alice 8:05 AM na, nasan na ba ang babaeng yon. Tsk, kung hindi lang ako matsyaga maghintay.
"Drew! Pasensiya na kasi ayaw nila akong paalisin kanina ni papa" nakita kong tumatakbo papalapit si Alice. A-ang ganda niya ngayon.
"Hello? "nabalik nalang ako sa katotohanan ng iwagayway ni Alice ang kamay niya sa harap ng mukha ko.
"Akalain mo nagiging normal ka rin palang babae" pang aasar ko sa kanya.
"Tsk. Saan ba tayo pupunta?" pagtatanong niya habang patingin tingin sa paligid.
Alice's P. O. V
Grabe makatitig si Drew kanina, oa na ba suot ko? Nang aasar pa ang lalaking to.
"Ahm, doon tayo" sabay turo ni Drew sa mall kaya pumunta na kami doon kaagad.
"Saan mo gusto? " nagiging mabait yata ngayon si Drew.
"Wow grabe, kinarer mo ang pagdedate natin ngayon ah" pabiro kong sabi habang naglalakad kami sa mall.
"Dahil ikaw kasama ko" bigla niyang sabi tiningnan ko siya kong seryoso ba siya seryoso nga siya.
"Tara doon tayo" sabay hawak niya sa kamay ko at hinila ko papasok sa resto. Bakit ba bumilis nalang ang tibok ng puso abnormal na ata to eh.
"Sit "ani Drew na ikinasimangot ko.
"Hoy, hindi ako aso no"sabay upo ko. Ang bossy nito kahit kailan, tsk.
"Ano pong order niyo maam, sir? "pagtatanong nung waitress sa amin halatang pa cute kay Drew. Umirap nalang ako sa hangin at walang ganang tinignan ang menu.
"Sa akin, chocolate cake and orange juice please"sabi ko, trip ko lang kumain ng cake ngayon isang hiwa lang naman.
"Orange juice "wika pa ni Drew. Kaya naman hindi ko maiwasang tignan siya. Inulit ng babae ang inorder namin at umalis na rin.
"Yon lang sayo? " pagtatanong ko.
"Oo nga pala, bakit ang dami yatang nakasunod sa atin ngayon? "na pansin niya pala malamang mahigit 20 silang nagbabantay sa akin. Dahil ang OA ni papa, baka daw lukuhin lang ako ng kadate ko ang OA niya may paiyak iyak pa siya na bawal daw ako makipag date sa isang lalaki na hindi ko kakilala.
"Ahm, si papa kasi hayaan mo na nga" ngayon ngayon lang may naramdaman ako na para bang may nakatingin sa amin, imagination ko lang ba talaga to, tumingin ako sa paligid wala naman mga ilang sandali lang ay dumating na ang waitress dala dala ang order namin.
"You look beautiful today " biglang sabi ni Drew kaya muntik ko ng maluwa ang iniinom kung juice.
Drew's P. O. V
Mukhang bantay sirado si Alice ngayon ah, nandito sila ngayon sa resto na kinakainan namin ni Alice mukhang sinusundan pa rin nila ako ah, pero hindi ko mapigilan ang sarili na titigan si Alice kahit simple lang ang suot niya ang ganda niya pa rin.
"Ahm, Drew tara" biglang sabi ni Alice at hinila ako palabas.
"Tsk, Kung plano mo ring tumakas sa kanila dapat sinabi mo pa kanina" sabi ko at ako naman ngayon ang humila sa kanya papunta sa isang play ground malayo layo ng kaunti sa pinanggalingan namin.
"Thanks" sabi niya at umupo sa swing habang pinupunasan ang pawis niya at hinahabol ang hininga niya.
"This date is a failure " pagkasabi ko non nag nod nalang si Alice ibang iba ang personality niya ngayon ko lang nakita ang side niyang ito ang cute niya tingnan habang sumasakay sa Swing ang nakalugay niyang buhok ay sumasabay sa hangin.Teka, bakit ganito nalang ako mag isip sa kanya.
"Drew, look ano yon? " excited niyang tanong sabay turo sa isang nagbibinta ng ice cream.
"Ice cream stall, bakit hindi mo ba alam yan? " nagtataka ko siyang tinignan.
"Ive cream? Bilhan mo ko dali" sabay takbo niya papunta sa stall.Natawa nalang ako. Seriously, how inexperienced can she be when it comes to simple stuffs. That makes her cute. Yeah, definitely something's wrong with me as well.
"Hello po, manong ano pong flavor ng Ice cream meron kayo? " pagtatanong ko. Si Alice naman grabe mukhang impress na impress siya ngayon lang ata siya nakakita ng ganito.
"Merong chocolate, cookies and cream and mango ano sa inyo iho? " pagtatanong ng manong.
"Chocolate akin manong sa kanya rin po" sabay turo ni Alice sa akin mukhang ang saya saya niya para bang first time niyang nakalabas sa hawla.
"Ito" sabay abot sa amin ning manong at nagbayad nako.
"Iho, ang swerte mo ang ganda ng girlfriend mo" sabi ni manong napatingin ako kay Alice na kumakain lang at nag eenjoy hindi ko ikahihiya maganda si Alice at iba siya sa babaeng nakilala ko.
"Ganoon po ba, sige po manong mauna na kami" sabi ko at pumunta na kay Alice.
"Ano ng gusto mong gawin? " pagtatanong ko.
"Tingnan mo may ice cream na sa daliri ko wala akong panyong dala" nandidiring sabi ni Alice sabay pakita sa akin ng daliri niya.
"Akin na nga" dahil sa ginawa ko bakas sa mukha niya ang pagkagulat at namumula ang pisngi niya wala rin kasi akong panyong dala kaya sinubo ko ang daliri niya para makuha ang ice cream sa kamay niya.
"B-b-b-bakit mo yon ginawa?! " sabay tulak niya sa akin namumula parin ang mukha niya.
"Namumula ang pisngi mo may gusto ka ba sa akin?" papalapit ako sa kanya habang siya naman atras ng atras.
"In your wildest dreams! l-lumayo ka nga" napatigil nalang siya ng tumama ang likod niya sa gilid ng swing.
"K will make sure to enjoy our day together " naka ngiti kong sabi at hinawakan siya sa pisngi naptingin ako sa labi niyang mapula pula. Damn it, natetemp ako sa mga labi niya ilalapit ko na sana ang labi ko sa labi ni Alice kusa nalang gumalaw ang katawan ko ng may sumigaw.
"Stop!! "
BINABASA MO ANG
Gangster Queens Vs. Mafia Kings [COMPLETED]
Teen FictionMay mga magkakaibigan na walang kinatatakutan at walang inaatrasan lalo na sa pakikipaglaban. Kilala sila bilang ang "Miraculous Cute Girls " o mas kilala sa kanilang sekretong buhay bilang "Gangster Queens". Paano kung may makilala sila na magpapa...