Chapter 11

403 11 0
                                    

First Heartbreak

Nandito ako ngayon sa Urban Brew at hinihintay sila Kaye. Magrereview kami ng Math of Investment dahil hirap na hirap talaga si Kaye sa topic. Saakin, sakto lang naman. Pero nakakabaliw din talaga ang mag annalize. All thanks to Shane na laging uno pag dating sa numbers.

After minutes dumating na rin sila.

"Guys!" Tawag ko sakanila ng kumakaway. Pag-upo nila ay agad kaming binigyan ng menu.

"Kain muna tayo?" Tanong ko. "O drinks lang?"

"Kakain ako" -kaye

"Kami rin" -Aj

"Gara nyo ah! 'Tayo' ung tanong ko ehh" natawa nalang sila sa inasal ko.

Tinawag ni Shane yung waiter at nagstart na kaming mag order.

"Pesto and wintermelon; venti"-kaye

"Fritata and passion fruit; large" -shane

"Ganon rin saken" - Aj

"Uhm, red velvet and oreo milktea; venti" -ako

Inulit lang ni Kuyang waiter yung orders namin tska umalis. Nagsimula na rin kaming maglabas ng notes tska books para sa review namin. Hell week na rin kasi. At kinakabahan na ako.

***

After 2hrs. Natapos din namin ang group study namin. Nagpaturo rin ako ng kaonti sa History at baka sa susunod, hindi na tres ang makuha ko at lagot ako kay Kuya.

3pm na at pare-pareho silang may klase ng 3:30pm at ako mamayang 6pm pa. Nagpunta na sila ng school at nagpaalam akong magpupunta muna ako sa park malapit sa school.

Umupo ako sa bench doon at nakikita ko ang iba't ibang uri ng tao.

May mga naglalandian lang. May couples rin namang sweet talaga at hindi nakakairita sa paningin. May mga batang carefree na naglalaro, may mga nakalatag din na banig sa bermuda grass at nagpipicnic na pamilya.

May kirot naman akong nadama.

Magulo ang pamilya ko. Mama ko nasa Rome at Papa ko naman ay nasa California. Kami lang ni Kuya ang nandito sa Pinas, bakit? Dahil magulo sila. Akala nila tama na saamin ni Kuya ang pera na pinapadala nila. Akala nila ayos kami ni Kuya dito. Hindi nila alam na kelangan din namin ng kalinga ng magulang. Kailangan din namin ng BUONG pamilya. Hindi ko masasabing hiwalay ang mama't papa ko pro di ko rin masasabing masaya sila.

Nagsimula ang gap sakanila 2yrs ago. Ng surpresahin ni mama si papa sa Cali pero iba ang nadatnan ni mama doon. Some slut or whore and they are doing God knows what is it. Papa wrecked our family, papa wrecked me.

Close kami ni papa noon, ayaw ko pang maniwala noon. Pero nung ako na mismo ang nakakita, nawala na parang bula ang respeto ko sakanya. I became a rebel daughter. I'm just 15 back then pero dahil matured ang mukha ko nakapasok ako sa iba't ibang bar. I went to Bistro, Grillery, Antigua, station live and different bar dito sa Tarlac.

At masakit pa, umalis rin si Mama noon sa gitna ng pagrerebelde ko. Buti nalang meron ang kuya ko.

Di ko napansin na umiiyak na pala ako dito sa bench na inuupuan ko.

Nakakainggit lang kasi. They have happy family, they are complete. Why is it so hard for me to have them too? Am I not worth it?

Nagulat nalang ako ng may isang puting panyo na nakalahad sa harap ko. Tiningala ko kung sino yun pero nanlalabo ang paningin ko. Gayon pa man, nakilala ko sya dahil sa tindig niya.

Kinuha ko ung panyo at nagpunas ng mukha. Tska ako tumayo at niyakap sya ng mahigpit.

"Hush now, baby" sabi niya habang hinahaplos ang buhok ko.

Wish We Could HappenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon