Preparations
Nakasuot ako ngayon ng isang puting A-line dress, nakaladlad ng malaya ang bagsak kong buhok at may garterized na headband lang na palamuti. Dollshoes ang pang paa.
Minamasdan kong maigi ang repleksyon ko sa aking vanity mirror ng marinig ko ang busina ng sasakyan sa labas ng gate. Hudyat na andyan na ang mga taong hinihintay namin. Muli kong sinulyapan ang sarili at tumayo na para salubungin ang mga bisita.
"Venice!! Andyan na sila Marcus!" Sigaw ni Kuya mula sa labas ng aking kwarto.
Lumabas ako at sinalubong ako ng matamis na ngiti ng kuya ko. "Ready?" Tanong niya at inihanda ang kanyang braso.
"Always." I smiled back at ikinawit ang braso ko sakanya.
Sabay kaming bumaba ng hagdan. At sa baba, naghihintay sila Marcus kasama ang kaniyang mga magulang.
"Ate!!" Salubong saakin ni Tiffany ng makababa kami.
Natatawa kong sinalubong ang yakap niya.
"Oy, teka naman. Naunahan mo pa ako eh. Ako muna pwede?" Tanong ni Marcus sakanya at nakakunot ang noong pinaghihiwalay kami.
"Selfish ass!" Bulong sakanya ni Tiffany kaya natawa ako. At hindi niya pinansin yun kundi hinagkan niya ako tsaka hinalikan sa noo.
"You're stunning.." sabi niya kaya agad akong pinamulaan.
"You too.." I smiled.
Nagpunta naman ako sa Mommy at Daddy niya tsaka ako nagmano. Ganun din siya at si Tiffany sa Pap ko. "Good Evening po, Tita, Tito." Bati ko.
"God bless you. Good evening din, hija."
"The dinner is served." Sabi ni Kuya na kagagaling sa kitchen.
Madaming napag usapan over dinner. And yeah, namanhikan ang pamilya ni Marcus.
Nandyan ang kung saang church kami ikakasal. Saan kami titira after ng kasal. At kung anu ano pang whatabouts after the wed.
I'm kinda nervous, but hell! I'm too excited.
"I wanna be a June bride." Sabi ko out of nowhere pagtapos naming magdinner at desserts nalang ang kinakain namin.
"Akala ko ba, December. Masyadong matagal kapag next year pa." Pagpro-protesta ni Marcus.
Ngumuso ako. Gusto ko talaga ng June next year. Siya lang naman ang may gusto nun at hindi ako.
"Okay.."
Ayokong makipag-away lalo na sa hrap ng pagkain at harap ng mga magulang namin. Kaya di nalang ako kumibo at yumuko nalang habang kinakain ang Maja blanca na ginawa namin ni Manang Letty kanina.
I heard him sigh and, "Okay okay. June would be fine. Basta ako ang groom at ikaw ang bride."
"Really??" Nagliwanag naman ang mukha ko sa sinabi niya. Ideal age ko ang magpakasal sa tanong 28 but I don't mind getting married at the age of 22 kung si isang Marcus Elle ang makakasama kong haharap sa Panginoon.
"Yeah, I don't mind waiting." Tsaka niya hinila ang baba ko at hinalikan ang tungki ng ilong ko.
We heard someone cleared his throat at parang dun lang ako natauhan na may kasama pala kami kaya agad nag init ang pisngi ko.
They all laughed at my reaction. They are sooo bully! Pati si Marcus ay tumatawa na sa tabi ko.
The night went on and on. Madami silang napag-usapan bago pa napagpasyahang maghiwa-hiwalay bandang alas onse na ng gabi.
BINABASA MO ANG
Wish We Could Happen
Teen FictionAnong gagawin mo sa relasyong hindi n pwede? Anong gagawin mo kung puro ka panghihinayang? Magkakaroon pa ba ng 'tayo' kung meron ng 'kayo'? Ako si Kirsten Venice Mendez, I fell in love with the right person at the wrong time. Could we still happen...