I'll be your lightIsang linggo na rin ang nakakalipas mula ng magising ako sa bangungot. Tapos na rin ang leave ni kuya pero hanggang ngayon, di pa rin umaalis si papa.
1 week and it feels like I'm living in hell. Di kami nag uusap ni papa. Hindi ko siya kinikibo. Tuwing susubukan niya akong kausapin, lalayasan ko siya. He's not worth my time, anyway.
Naalala ko nung minsan akong kinausap ni kuya, first time kong magalit sakanya.
"Ten, you should atleast give papa a chance to explain." Napaupo ako mula sa pagkakahiga ko, seryoso ba siya? Naririnig ba niya sarili nya?!
"Seryoso ka dyan, kuya?" Pabalang kong sagot at napayuko siya. "Can you even hear yourself?! Ako lang ba ang natraydor dito?!" Hindi ko maiwasan mapataas ang boses.
"You're raising your voice at me now, Venice?" Malumay ngunit mapapansin ang autority sa boses niya.
"Sorry" nalang ang nasabi ko tska humiga at nagbalot sa kumot.
"Sana hindi mo pagsisihan yang kataasan ng ego mo, Venice!" Huli niyang sabi bago lumabas ng kwarto ko. Di ko alam pero kinabahan ako sa sinabi niyang yun.
Nakajacket, ripped jeans at sneakers ako ngayon. 8pm na at balak kong magliwaliw. Don't get me wrong. Mabait talaga ako pero nagiging rebelde ulit ako pag nakakasama ko si papa.
Napadpad ako sa station live. Bar malapit sa school na pinapasukan ko. Hindi alam ni kuya na andito ako pati kasi sya di ko kinikibo.
Paglapag ng isang bucket ng beer at plate ng crackers ay di ko agad sinimulan. Humilig muna ako sa sofa na kinauupuan ko. Iniisip ko yung sinabi no kuya, nacu-curious ako sa sasabihin at paliwanag ni papa pero matayog ang pride ko.
Maganda rito sa Station Live dahil hindi magulo. May karaoke lamang. Yun lang. Buti na lang maganda ang boses ng kumakanta dahil kung hindi, baka mas lalo akong mamroblema.
Nasalin ako ako ng beer sa baso ko at naglagay ng ilang cubes ng yelo. Ng kuntento na ako, nilagok ko yun ng minsanan hindi alintana ang pait.
Sumandal uli ako sa couch ng marinig ang cellphone kong tumutunog.
Kuya Vincent calling...
Bumuntong hininga ako tska pinanuod un hanggang mamatay.
Namromroblema na nga ko kay Elle mamromroblema pa ba ako sa tatay ko? Damn! I'm lost.
Hanggang ngayon, Elle keeps on sending mixed signals. Ayokong mag assume pero feeling ko talaga ako yung tinutukoy niya sa tweets niya.
@MarcusElleB
Girl, I can't get over you.
@MarcusElleB
I keep on drowning in the sea of forbidden feelings.
Ewan ko ba, pero intincts kasi. Err, Kirsten Venice, come on! Para sa girlfriend nya yun. Ugh!
Meron pa kasing minsan na nagdrunk call sya, and err? "Sorry" lang ang sinasabi niya. Idunno. Pero naiinis ako?
Ginulo ko ang buhok ko at nasalin ulit ng beer sa baso ko.
Isa pa tong si papa eh, nakakainis. All smile lang sya kahit ini-snob ko sya. Pati si kuya, pinipilit akong kausapin si papa. Duh! di lang ako yung nasaktan. Pati sya! pero bt andali sakanya ang magpatawad?
Naiiyak nako!!!!
Nasa panglimang beer na ako at lasing na talaga ako! Mababa ang tolerance ko sa alcohol. But who cares? Live while we're young! Wuhoooo!!
BINABASA MO ANG
Wish We Could Happen
Teen FictionAnong gagawin mo sa relasyong hindi n pwede? Anong gagawin mo kung puro ka panghihinayang? Magkakaroon pa ba ng 'tayo' kung meron ng 'kayo'? Ako si Kirsten Venice Mendez, I fell in love with the right person at the wrong time. Could we still happen...